66

48 33 0
                                        


Napangiwi ako nang mabasa ko ang mensahe ni Bryan kinabukasan, nakalimutan ko pala siyang itext kagabi tungkol sa pag uwi ko. Kakaalis palang ng sasakyan namin, hindi ko rin nagawang icheck kanina yong phone ko dahil abala kami sa pag aayos ng gamit namin.




I bit my lip and try to compose a message. Bakit kinakabahan ako?



To: Mr. B Javier


I went home with my family. Doon na muna ako magpapahinga..



I crinkled my nose and closed my eyes as I hit the send button. I'm anticipating his reaction. Patayin ko kaya yong telepono ko?



Ilang minuto akong naghintay ng reply niya. Kasama ko si Manang Rosie at Kuya Ben sa kotse dahil ayokong kasama si Kuya. Ang dami na naman nong side comments kay Bryan.




Nasa kabilang kotse naman siya kasama ang parents namin. Tinutok ko ang paningin sa daan, nag iisip nang sasabihin ko kay Bryan. Naagawang pansin ko nang tumunog ang telepono ko, otomatikong bumundol ang kaba sa dibdib ko.



"Hello-"



(Uuwi saan? Sa probinsiya?) malamig na boses ni Bryan ang pumutol sa sasabihin ko. Sabi na nga ba!




"O-oo" I bit my lip. Tumahimik ang linya.



(Asan na kayo ngayon?)



"On the way na"



(Wow! At ngayon mo lang rin naisipan akong itext?) sarkastiko nitong sagot.




"Bakit ba? Kasama ko naman pamilya ko!" I tried to defend myself.




(At dala dala mo rin anak ko! Hindi naman kita pagbabawalan e. Wala naman akong karapatan diba? Yon yung pinaparamdam mo e, pero natural lang na mag alala ako sa anak ko at sayo!) he stopped, hindi rin ako nakapagsalita. (We didn't even get you check to your ob gyne, if what's our child's condition or if you're fit to travel! I made an appointment to your ob tomorrow, I was about to inform you that!) malamig niyang saad.




"B-biglaan kasi, ano..d-doon nalang ako magpapacheck sa amin temporarily." kinakabahan kong pag susuggest.




(Ewan ko sayo, Brianna! Buo na plano mo e.)  napanguso ako nang iend niya yung tawag. Nagiguilty ako, may karapatan naman siyang magalit dahil nag aalala siya sa anak namin.




Ngayon ko lang napagtanto yung ginawa ko, mali pala. Napayuko ako at pinigil ang luha ko. Napakaemosyonal ko pa naman ngayon.




Buong araw akong walang natanggap na mensahe o tawag kay Bryan. Somehow, hinahanap ko rin ang laging pag uupdate niya sa akin. Nagtext ako sa kanya kanina pagdating namin pero hindi siya nagreply.




Nakatitig ako sa numero niya sa contact list ko, nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba siya o hindi. Anong sasabihin ko? Galit pa yata yon e.



"Wala ka bang ganang kumain Hija? May gusto ka bang kainin?" tanong ni Manang Rosie, napatingin silang lahat sa akin. Kanina pa ako wala sa mood. Kanina pa rin pala ako nakatulala sa hapag, kasalukuyan kaming naghahapunan.



"Wala naman po, wala lang akong gana"



"Kailangan mo paring kumain Bri, para sa baby" nag aalalang saad ni Mama. Tumango ako at nagsimula nang kumain.




Nauna na akong umakyat dahil inaantok na ako, plano nilang magmovie marathon. I tried to call Bryan but he didn't picked his phone. Mabigat sa loob akong nahiga at hinawakan ang tiyan ko.



ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now