Prologue

226 75 30
                                        

Busy ang lahat sa pagpindot ng phone nila pagpasok ko sa silid namin. Kanya-kanyang grupo, kanya kanyang mura, kanya kanyang hiyawan tuwing nananalo at nalulungkot tuwing natatalo.

"P*ta, ang bobo mo!"

"takbo pa, saan ka pupunta, tanga"

"gagong franco, nasungkit ako putcha"

"ang bobo ng kakampi"

Ilan lang yan sa mga reklamo at murang maririnig mo tuwing umaga. Anu pa bang inaasahan mo? Ginawa na ata nilang computer shop ang silid namin.

Ang gulo, hindi man ako makarelate sa kanila pero sanay na ako. Kasi halos lahat ng kaklase ko, gamer. Mapababae man o lalaki.

Hindi ko nalang pinansin at dumiresto nalang ako sa upuan ko. Pero may nakapwestong na dito, nilingon ko ang mga kabarkada ko na ganun din ang ginagawa.

"Aries, alis diyan, uupo ako" Aba, hindi man lang lumingon, hindi niya ba ako naririnig, pukos na pukos parin siya sa paglalaro.

"Aries" tawag ko ulit.

"tangina ka, gago! Itong sayo" at nagmura pa nga, tinignan ko siya ng masama dahil akala ako ang minumura niya pero sa phone parin naman nakatingin. Gigil na gigil sa pagpindot, ganun rin ang ibang barkada namin.

"Aries!" sigaw ko, this time, napalingon na rin sila sa gawi ko, pati na rin ang iba kong kaklase na malapit sa amin.

"Ha? Wait lang Bri, nagrarank kami" sagot niya. Binalik niya ang tingin sa paglalaro. Napabuntong hininga nalang ako. Saan niya ako balak paupuin?

Sa likod sila nakaupo ni Vince, na ngayon ay may nakaupo rin na grupo ng seatmate nila. Habang sila ay nandito dahil team daw sila nila Shane at Anica sa paglalaro.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at binuksan hindi para maglaro kundi ireview ang notes na ginawa ko, nakatayo parin sa ako harap niya.

May quiz kami mamaya pero parang wala namang paki ang mga kaklase ko, palibhasa minor subject kaya chill lang sila.

Umupo ako sa armrest ng inuupuan ni Aries, na upuan ko, ng mangalay ako sa kakatayo. Patuloy parin ako sa pagrereview pero hindi naman ako makapagconcentrate dahil sobrang gulo at ingay ng mga kaklase ko.

Itinago ko nalang ulit at tumingin sa screen ng phone ni Aries, pinapanuod ang laro nila. Hindi ko maintindihan ang laro pero mukhang masaya naman, nag eenjoy sila eh.

"Panu kayo mananalo niyan e nabubuhay naman yung kalaban niyo?" tanong ko.

I wasn't a fan of online games, I never tried it. Hanggang candy crush lang ako pero hindi naman ako masyadong naglalaro kaya iuninstall ko rin. Marami narin naman akong nalaro na sa phone ko pero hindi naman online, at tsaka madyado niyang kinakain yung oras ko imbes na mag aral ako.

Bilib rin ako sa mga gamer dahil nababalance nila yung paglalaro sa pag aaral at gawaing bahay. Siguro kong ako hindi ko magagawa yun.

"Kung masisira yung base nila or magsu surrender silang lahat, yun talo" pag eexplain niya. Tumango lang ako kahit hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Ahm excuse me" napatingin ako kay Lian na nakatayo sa gilid ni Vince. Sinulyapan niya lang ito saglit at ibinalik ang tingin sa phone niya.

"Awts, gege. Ang sakit non bhe" sabi niya sabay baba ng phone niya at tinignan ulit si Lian ng nagtataka. "Oy ikaw pala crush" nakita ko ang pag ikot ng mata ni Shane sa sinabi ni Vince. Alam naming hindi ito seryoso dahil masyado itong mapaglaro.

"upuan ko yan" namumulang tinuro niya ang upuang inuupuan ni Vince. Si Lian ang seatmate namin. Four chairs in a row ang arrangement ng room namin kaya katabi namin siya.

"Ay dito ka pala nakaupo?" see? hindi niya nga alam kung saan ito nakaupo eh nasa likuran lang namin sila. "Pwede bang mamaya na, please" nakangiting pakiusap nito at nagpapacute.

Nakangiting tumango naman ang babae at pumunta sa mga kaibigan niya, siguro para ibalita ang nangyari dahil naghahagikhikan sila at sumusulyap sa direksyon ni Vince na walang pakialam sa nangyari at patuloy na naman sa paglalaro.

"Back up naman diyan, jusko" Sinipa ni Shane si Vince. "Wala kang kwentang kakampi" tumawa lang si Vince.

Victory!

Maya maya ay narinig kung hudyat na tapos na ang laro nila kaya nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas.

"Madaya ka ks, ako na sana MVP, amp" Reklamo ni Shane at hinampas si Vince, napangiwi naman ang huli na umiilag.

"Yabang mo, mas magaling lang talaga ako sayo, replay pa natin. 1v1 nalang oh" hamon naman ng isa.

"tumigil nga kayo, importanti panalo tayo" saway ni Anica sa kanila.

"Whooh! Sinayang lang oras ko" mayabang na sabi ni Aries at tumayo na "Ang swerte ng upuan mo, lagi kaming panalo, dun ka nalang kaya sa likod" biro niya sa akin, tiningnan ko siya ng masama.

"Joke lang ito naman" tumatawang ani niya at naglakad na paalis.

"siraulo"

"Nakakainis yung isang kakampi, sino ba yun? Pabuhat masyado wala manlang ambag parang yung isa niyong miyembro sa reporting na laging MIA pero may nakuhang marka" reklamo ni Anica.

"Ewan ko don, ito kasing si Bri dapat kasi naglalaro ka na rin ng ML para alam mo yung isang team na tayo" napatingin ako kay Shane ng banggitin niya ang pangalan ko.

"Ha? Bakit ako nadamay diyan? At tsaka busy ako, next time nalang" sagot ko.

"Kailan kaya yung next time no? Dati ko pa kasi yan naririnig" tanong ni Shane kay Anica pero alam kong sa akin niya talaga yun tinatanong.

"Baka next time, anu ba yung next time?" sagot naman ni Anica at tinignan yung wrist watch niya "Ah, 9am may klase na tayo nun" sarkastikong dagdag niya.

Tumawa silang dalawa at nag high-five. Masaya sila ah.

"Bahala kayo, ang corny niyo" tinalikuran ko silang dalawa  at nagreview ng notes ko.

Hindi narin maingay dahil halos lahat ay tapos ng maglaro at nakapwesto na sa kanya kanyang upuan dahil paparating na rin ang prof namin sa First subject.

Mobile Legends

Kinaaadikan ng halos lahat mapabata man o matanda. Ano bang meron don?

Ang alam ko kasi dagdag gastos lang to sa load, at nagsasayang ng oras ang mga tao lalo na sa mga kabataan na imbes mag aral ay tumatambay sa computer shop para maglaro.

Pero bakit mukhang masaya ang mga tao dito? What's fun about Mobile Legends?

-----------------------------------------------------------------
🖋

Votes and comments are highly appreciated. TIA🖤

ML Story (iM eLove)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora