First week of school, walang masyadong ganap dahil hindi pa naman masyadong regular ang klase. May ibang prof na hindi parin namin nameet.
Something change...mas nagiging inspirado akong mag aral ng mabuti, not just for the sake of flying colors but for the preparation of my future.
Mag aaral akong mabuti hindi lang para makita ang pangalan ko sa list of graduates o makapagsuot ng toga kundi makapagtrabaho gaya niya.
Bryan:
Goodluck for today, bb. See you on sunday.
For the whole week, he never failed to send me a massage everyday just to say goodluck. Every night tumatawag siya upang tanungin kung kamusta ang araw ko.
"Ang aga aga para kang asong ulol kakangiti sa harap ng phone mo" nabigla ako ng umupo si Shane sa tabi ko. Umayos ako ng upo at nilock ang phone ko bago pa niya masilip.
"May binabasa lang akong memes" palusot ko sa kanya.
"Sige na nga, kunyari naniniwala ako" inayos niya ang gamit niya at nilabas ang phone niya. "Antagal naman nila, akala ko one game daw, dadating na si Prof wala pa sila" reklamo niya.
Nilingon ko ang likuran namin kong saan nakapwesto sina Vince at Aries pero iba ang nakaupo sa upuan nila, naglalaro ng ML.
Nakakatawang isipin pero hindi ko na sila jinajudge sa pagiging gamer nila. Para silang may sariling mundo na kalaunay pinasok ko at pinag aralan kaya medyo nakakarelate na ako sa kanila.
Pero alam ko yung priorities ko, alam ko kung kailan ako maglalaro at titigil. At tsaka hindi naman ako magaling kagaya nila.
Sunday came, I am fixing myself kasi may usapan kami ni Bryan na lumabas. I wore a white sleeveless button down and black fitted pants and paired it with a pair of wedge sandals. I checked myself for the last time before I went out from my apartment.
Pumasok ako sa coffee shop ng mall at hinanap si Bryan. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya maingat akong lumapit sa kanya at tinakpan ang mata niya.
"Jasmine? Ikaw na ba yan?" tanong niya.
Inis kong binitawan ang mga mata niya at humalukipkip sa likuran niya. Lumingon siya sa akin, pinipigilang matawa. Tiningnan ko siya ng masama.
"Bri, ikaw pala" casual na bati niya. Napataas ang kilay ko.
"Oo, pero mukhang may inaasahan ka namang iba, ge alis na ako" tinalikuran ko siya, umaasang pigilan niya ako pero nasa entrance na ako ng coffee shop hindi niya parin ako hinahabol.
Padabog akong nagmartsa palabas ng mall pero pagliko ko may nabangga ako, muntik na akong matumba kong hindi lang ako hinawakan nito sa baywang.
He held me closer, seems like hugging me. Itutulak ko na sana ito kung hindi lang nagsalita.
"Ang pikon naman, umalis talaga?" napatigil ako sa akmang pagtulak ko dito ng marinig ko ang boses ni Bryan.
"Bumalik ka na don, diba may hinihintay ka pa?" malamig kong sabi.
"Sinong hinihintay ko?"
"Yung Jasmine?" hindi siguradong sagot ko.
"Jasmine na pala pangalan mo? Ito na hinihintay ko oh, iniwan ako" lumayo siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Tinignan niya ako ng diretso.

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...