58

51 35 0
                                        


Again, I distance myself from Bryan. Hindi na ako sumasabay sa kanya tuwing lunch, lagi nalang akong nagdadahilan. I saw irration in his face everytime I reasoned out but I just turned my back on him.




Minsan doon na rin ako nagtatrabaho sa department talaga para umiwas kung alam kong wala siyang meeting. This past few days, I saw myself breaking the walls around my heart and letting him in. I almost forgot that he has a girlfriend.




Nakahinga ako ng maluwag dahil nakabalik na si Angela sa trabaho. Umaasa ako na makakalimutan ko rin ang namumuong damdamin para kay Bryan sa paglipas ng mga araw na hindi kami magkikita.



Tiniis kung wag siyang bigyan ng pansin sa tuwing magkakasalubong kaming dalawa o sa tuwing makikita ko silang magkasama ni Sheena. Ramdam kong gusto niya akong kausapin ngunit lagi akong nagmamadali.




Bukas makalawa alam kung uuwi na rin ang parents niya kaya balik normal na ang lahat.



"Brianna!" I stopped walking inside the building when I heard someone called my name. Paglingon ko ay nakita kong papalapit si Ma'am Claire sa gawi ko. Nakaalalay naman ang asawa nito sa kanya.




Unti unti napalis ang ngiti ko nang magtama ang mata namin ni Bryan na madilim na nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin.




"Good morning po Ma'am, Sir, Welcome back po" magalang kong bati kahit naiilang ako sa titig ni Bryan.




"Are you available this weekend?" tanong ni Mrs. Javier na may nangungusap na mga mata. Alam ko na naman kung saan ito patungo! Napakagat labi ako at tumango, wala naman kasi akong gagawin at alam kong hindi ko mahihindian ang ginang.




"Alright then, by the way this is for you" inabot niya sa akin ang isang itim na paperbag na may tatak ng isang mamahaling brand. Napangiwi ako, sa totoo lang ay nahihiya ako sa tuwing binibigyan ako ni Ma'am Claire ng mga regalo. Ngunit hindi ko lang siya matanggihan dahil parang ayokong nakikitang nalulungkot siya sa tuwing tinatanggihan ko ang mga bigay niya sa akin.




"Nag abala pa po kayo, wag na po" nahihiya kong pagtanggi. Alam kong halos five to six months ko na itong sahod sa kompanya nila ang halaga nang regalo niya.



"Take it hija, she actually thought of you when she saw that. Bagay raw sayo" tipid na ngumiti si Sir Timothy sa akin at hinawakan sa likod ang asawa.




"N-nakakahiya po" nahihiyang pag amin ko at yumuko. Pasimple ko pang sinulyapan ang paligid para siguraduhing walang ibang empleyado, mahirap na baka anong isipin nila.



"Don't be shy, sweetheart! Just think about it as a payment for being my son's company when we're abroad. We're so worried about him since Angela asked for a leave, buti nalang nalaman naming ikaw pala ang kasa kasama niya" she encouraged me more.




Company talaga? Kasa kasama? Hindi temporary secretary? Well, we were talking about Claire Javier here, she doesn't treat her employees as inferior or low.



Sa huli ay wala rin akong nagawa kundi tanggapin ulit ang bigay niya. Pero ang problema ay nahihiya akong bibitin ito sa loob ng department at iparada sa harap ng nga katrabaho ko.



"A-ahm anu po kasi-" nahihiya akong napakamot ng batok. Sabay kaming pumasok sa elevator.



"It's okay! I understand, we'll bring this to our office. Kunin mo nalang mamaya pag uwi mo ha" kilala niya na ata ako dahil alam niya ang nasa isip ko. Yun naman kasi ang lagi kong sinasabi sa kanya kaya minsan mahigit isang linggo kong nakakaligtaan ang mga bigay niya sa opisina ni Sir Tim. Minsan sinasadya ko talagang hindi kukunin kaya inaabangan niya ako tuwing uwian kaya mas lalo lang akong nahihiya.




Kinuha niya ulit sa akin ang paper bag at inabot kay Bryan na tahimik lang na nakikinig sa amin para bitbitin ito. Nauna ang palapag namin kaya nagpaalam ako sa kanila.



NAPATIGIL AKO SA PAG AAYOS ng buhok ko nang marinig ko ang katok sa pintuan ng kwarto na inuukupa ko sa bahay ni Shane. I put down my hair and went to open the door. Nakangising mukha ni Shane ang tumambad sa akin.



"What?" I raised a brow, alam kong mang aasar na naman to. Iniwan kong nakabukas ang pintuan at bumalik sa vanity table kong para tapusin ang pag aayos.



"Good morning!" narinig ko ang pag sunod niya sa akin. "Mauuna na ako sayo, I have breakfast meeting, kay?" breakfast meeting huh! I smirked!



Doon ko lang napansin na nakaayos na siya at handang ng umalis. Hindi parin inaalis ang pang aasar sa mukha na hindi ko maiintindihan. Problema ng isang to?




"Okay, ingat ka magtataxi nalang ako" hindi ko na pinansin ang pang aasar sa mukha niya.



"That's a no no no! Actually, someone's waiting for you downstairs!" she looked at me meaningfully. I threw her the little bunny I picked from the vanity.



"Stop that! You know Aries and I doesn't have a thing!" I glared at her, she just laughed hard and threw back the bunny.




"Hindi naman kasi si Aries, loka to!" napakunot ang nuo ko, sino naman maghihintay sa akin si baba?



"Ah si Vince-" panghuhula ko na may halong pang aasar na ikinasimangot niya.



"Ulol! Ewan ko sayo! Bumaba ka na mukhang manliligaw ata, may dalang regalo...Ge sibat na ako!" she rolled her eyes playfully and leave the room. I just chuckled.




Sino naman kaya yung sinasabi niyang naghihintay sa baba, kilala niya na naman si kuya kaya imposibleng aasarin ako ni Shane ng ganun.



Nasa halos dulo na ako ng hagdanan ng mamataan ko si Bryan na prenteng nakaupo sa sofa ni Shane, nagulat ako sa presensiya niya. Anong ginagawa niya dito?



Mula sa pagkakayuko sa cellphone niya ay umangat ang tingin niya sa akin. Nakita ko ang pagpasada niya ng tingin sa katawan ko.



"Anong ginagawa mo dito?!" halata sa boses ko ang disgusto sa presensiya niya dito. Iniiwasan na nga, lalo pang lumalapit!




"My mom asked me to bring this to you. You forgot to take this with you yesterday" malumanay niyang ekplenasyon. Kinuha niya sa gilid ang familiar na itim na paperbag.




"Pupunta rin naman ako sa kompanya niyo" naglakad ako patungo sa kusina. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.



I prepared the breakfast that I cooked earlier for me and Shane. Hindi ko naman alam na sa labas yon magbibreakfast ngayon. I placed two set of eating utensils in the table. I don't want to be rude so I invited him to breakfast with me. Sayang naman kasi kong hindi ko mauubos.



Hindi kami nagkikibuan habang nag aagahan. Mayamaya ay naramdaman ko ang mariing titig niya sa akin.




"What?!" pagtataray ko, tutal wala naman kami sa loob ng kompanya niya. Umiling siya.



"Y-you eat alot" manghang sabi niya. Sumimangot ako at sinamaan siya ng tingin. "Hey! That's not what I mean, that's a good thing. I-I want you to eat alot" tarantang pag explain niya.



Sinulyapan ko ang plato niya, ang kunti ng kinain niya at halos ako na lahat ang umubos sa niluto ko.




He insisted to wash the dishes, so I went back upstairs with paperbag his mom gave me. Nanlaki ang mata ko nang mabuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang itim sa signature bag. Sobrang nakakahiya na talaga kay Ma'am Claire.



Nagulat ako nang pagbaba ko ay naroon parin si Bryan, I expected him to leave.



"Let's go?"



"Mag tataxi ako" walang ganang sagot ko at nilapasan siya. I halted when he grabbed my wrist and dragged me with him.



"As if I will let you do that!"


_🖋

ML Story (iM eLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon