Naalimpungatan ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko kinabukasan. Hindi ko ito pinansin at nagtalukbong ng unan sa tenga ko. Hinintay ko itong mamatay bago bumalik sa tulog, antok na antok pa ako. Sino bang tumatawag ng madaling araw.
Nagpasalamat ako ng mawala ang tunog, akmang babalik ako sa pagtulog ng tumunog na naman uli. Inis kong inabot ang cellphone ko at padabog na sinagot.
"anu ba? Natutulog yung tao, kung ayaw mong matulog, magpatulog ka ng tao, distorbo" inis na sagot ko dito, nagtalukbong ako ng comforter at bumaluktot, hinayaan kong nakapatong ang cellphone sa tenga ko, plano ko pang bumalik sa tulog.
(Ang dami mong sinasabi, tatay mo to. Pinakain at pinaaral kita tapos babastusin mo lang ako?) Nagising ang diwa ko sa narinig ko, napakunot ang nuo ko.
Si Papa? Hindi naman ganito kaangas si Papa kumausap sa akin, sa katunayan malambing si Papa sa akin at bakit mas nagtunog binata ang boses ni Papa? Lutang pa siguro ang utak ko kaya namali ako ng pandinig.
"Pa?, ikaw ba yan?" tiningnan ko ang caller ID pero unregistered number ang nakadisplay.
(Oo anak, ako na ang bagong papa mo) sagot ng nasa kabilang linya kasabay ng nakakairitang pagtawa. Sabi ko na nga ba.
"Tigilan mo ako Bryan" alam kong si Bryan to, the guy who could easily rushed out my temper in just a minute.
(Huh? Sinong Bryan?) pag mamaang maangan nito.
"Yung kausap ko sa ML na sabi niya patay na patay siya sakin"
(Kapal mo, kailan ko sinabi yon?) Got yah. Dami pa kasing pakulo.
"Ah so ngayon ikaw na si Bryan?"
(Oo na, ang pangit ng boses mo sa umaga, para kang nakalunok ng buhangin)
"Anu?!" ang kapal ng mukha, kala mo naman ang ganda ng boses, para siyang ipinasok sa banga.
(Hindi ka lang pala bingi sa chat, bingi ka rin talagang kausap)
"Nakakainis ka, istorbo. Umagang umaga"
(Anong umagang umaga, it's already eight in the morning, sleepyhead) tiningnan ko ang alarm clock ko, baka pinagloloko lng ako nito pero nanlaki ang mata ko na 8:11am na pala. Parang katutulog ko lang 8:11 na, napabalikwas ako ng bangon dahil may usapan kami nina kuya at ng mga pinsan namin na maligo sa bagong bukas na resort sa kabilang bayan.
"Shit, bakit di mo agad sinabi?" I know I shouldn't blame him but it came out to my mouth before I could stop and I am panicking now. Magagalit na naman nito si kuya dahil antagal ko at nakakahiya sa mga pinsan ko baka naghihintay sila.
(Ba't kasalanan ko? Hey, What's the rush?) he asked upon hearing my quick pace. Pinulot ko ang mga nahulog na unan sa sahig at dali daling inayos ang kama. My phone's in between my ear and shoulder.
"I need to go, may pupuntahan kasi kami nila kuya. Laters, bye. Maliligo na ako" paalam ko sa kanya habang pumipili ng maisusuot na closet ko.
(Wait, send pic) pahabol niya kasunod ng pagtawa bago ko binaba ang tawag.
I have no time for his lewd mind. Kailangan ko ng magmadali. I took a quick shower and fix myself a bit. I wore a midriff tank top and a pair of shorts, pinatungan ko ng cardigan ang top ko panangga sa init.
Pagbaba ko ay saktong nag aalmusal sila, nandito na rin halos lahat ng sasama. Umupo ako sa tabi ni kuya at kumuha ng pancake. Nakaayos na rin ang pagkain na dadalhin namin.
"Late morning again sis, lagi tayong tinatanghali ng gising ah. ML pa more" pang aasar ni kuya, tumawa ang mga pinsan namin at binati ako. Binati ko rin sila pabalik at hindi na pinansin ang komento ni kuya.
We spent the whole day swimming and trying the resort's recreational activities. It's a cousins' tradition to adventures during summer kaya halos lahat kami umuuwi saan man kami mag aral.
In the past few weeks we tried some outdoor activities like hiking, camping overnight and even road trip in near provinces. Sinusulit na namin ang summer break dahil in two weeks may pasok na naman.
Hapon na kami nakauwi, nakakapagod pero sobrang worth it, maganda yung bagong resort at affordable. Nagpaalam na ang mga pinsan ko dahil pagod din sila.
Nakatulog ako dahil sa sobrang pagod. Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko dahil sa tawag. Sinagot ko ito ng hindi tinitignan ang caller ID. Ipinatong ko ito sa tenga ko at niyakap ang unan ko, inaantok pa ako.
"Hmm"
(Lambing mo ata ngayon ah, anong nangyari?) Si Bryan.
"Nakatulog ako, lagi mo akong dinidistorbo, anong oras na ba?" tamad kong sagot sa kanya, ewan ko kong ilang oras akong nakatulog at madilim na rin sa kwarto ko.
(8:36pm na, anong oras ba kayo nakauwi?)
"4:30" maikling sagot ko. Four hours na din pala akong nakatulog.
(saan ba kayo galing at parang pagod na pagod ka?) I can hear a glint of concern in his deep voice. Ang sarap din sa pandinig ng boses niya, nadagdagan ang antok ko.
"swimming"
(Have you already eaten your dinner?) speaking of, hindi pa pala ako nakakain at nagugutom na ako pero tinatamad akong bumangon. Ang sakit pa ng katawan ko.
"Tinatamad akong bumangon" pagsatinig ko na dapat ay nasa isip ko lamang.
(Sige, hintayin mo na pagkain pumunta sayo para mabusog ka) sarkastikong sagot niya.
"nakakatawa yun?"
(hindi, mukha ba akong nagpapatawa?) seryosong sagot niya.
"oh? Bakit parang galit ka?"
(bumangon ka na, kailangan mo munang kumain bago bumalik sa pagtulog, okay?)
"You sounds like my mother" I teased him and chuckled.
(Isa, Brianna!) pagbabanta niya. The authority in his voice was visible, like you have no choice but to follow his order.
"Oo na, oo na babangon na, marunong akong magbilang"
(Good girl, tatawag ako mamaya, you don't have to answer if you're too tired, just eat and have enough rest okay?" before I could answer he ended the call, leaving me with a dial tone.
I smiled upon leaving my room. I'll probably wait for your call huh.
-----------------------------------------------------------------
🖋

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...