17

81 51 11
                                        


Dumating si Bryan na may dalang isang large size ng iced coffee latte. Nilapag niya ito sa table at tumungo sa kusina. Pagbalik niya ay bitbit niya ang tinake out namin kanina.


Umupo siya sa tabi ko at sumandal rin sa sofa tsaka inabot ang phone ko sa kabilang gilid kaya amoy na amoy ko ang mabangong amoy niya dahil sobrang lapit niya sa akin.


"Thank you" sincere kong sabi. Ngumiti lang siya at umayos ng upo sa gilid ko. I sipped on the straw of iced coffee and ate some fries before I continue to review.


Kumuha din si Bryan ng fries at kanain. Inabot niya ang coffee at uminom gamit ang straw na ininoman ko. Tiningnan ko siya pero nakapukos siya sa phone ko.


Who am I kidding, this is not the first time we use the same straw, we even used the same fork and spoon, I shouldn't mind about it at all.


Napansin niyang nahirapan akong kumuha ng fries dahil naghhighlight ako ng notes ko kaya kumuha siya at itinapat sa bibig ko.


Nang kakagatin ko na ito ay nilayo niya at tumawa, tiningnan ko siya ng masama. Inilapit niya ulit ito sa bibig ko pero ganun parin ang ginawa, bumalik nalang ako sa paghahihighlight at hindi siya pinansin kahit pinipilit niya akong subuan.


"aww, nagtatampo na naman" natatawang komento niya "Ayan na yung airplane maglalanding na, sshhhh, open your mouth baby" malambing na sabi niya na parang kumakausap ng bata. Pinigilan kong mapangiti. Ang cute.


"ngingiti na yan, ayieh" kiniliti niya ako sa gilid kaya napaigtad ako at lumayo sa kanya ng bahagya, hinawakan ko ang kamay niya para pigilan.


"Stop it, Bry isa" hinila niya ako palapit sa kanya at kinulong sa isang bisig niya. Nakatalikod ako sa kanya, nakasandal sa dibdib niya. Akmang kikilitiin niya naman ako pero pinigilan ko siya "Oo na, oo na stop na"


Kumaha siya ng fries at isinubo sa akin. Kinain ko muna ito bago siya nilingon, nakatingin lang siya sa akin. "Happy?" sarkastiko kong tanong.


Tiningnan niya lang ako sandali bago ako binitawan kaya bumalik ako sa pwesto ko. Umayos din siya ng upo at tahimik na inabot ang phone ko.


Ilang oras muna ako nag aral bago nagpahinga saglit. Uminom ako ng iced coffee, pero hindi na malamig pero masarap parin naman. Binalingan ko si Bryan na naglalaro ng ML sa phone ko.


"Tangina!" mahinang mura niya. Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko kaya napatingin siya sa akin.


"Sorry, nadistorbo ba kita?"


"Hindi, nagpahinga ako saglit. Bakit ka ba nagmumura?" tinignan ko ang nilalaro niya. Namatay pala siya.


"Yung Lancelot kasi namin walang kwenta. Pinababayaan kakampi, walang kwentang boyfriend" he's trying to joke around.


"Anong boyfriend?" nagtatakang tanong ko.


"Ang alam ko kasi couple sila ni Odette, that's why I've protected my Odette back then" saglit niyang hinawakan ang baba ko at bumalik sa paglalaro "and it was the best decision I've ever made" he whispered.


Naalala ko yung first team up namin together kasama sila kuya. I was using Odette and he was using Lancelot. I don't know they're couple, kaya pala. Akala ko malandi lang talaga siya na walang magawa sa buhay dati. I smiled.


"Eh bakit may dalang sword si Odette, mage naman siya?" tanong ko sa kanya. Nacocurious kasi ako dahil narin sa line na sinasabi ni Odette.


"It's a gift from Lance, I don't know"


Napangiti ako, bakit parang kinikilig ako sa story nila. At ang ganda ni Odette at malakas din kaya siya lagi ang ginagamit kong hero.


"Hindi mo alam yun? Kaya pala ang sungit mo sa akin dati kala ko pa naman sasakyan mo ako dati"


"Aba! Malay ko naman, akala ko naman kung sinong malanding manyakis na walang magawa sa buhay" reklamo ko habang ngumunguya ng burger.


"Aray, triple kill yon ah, ang judgmental mo!" sagot niya na natatawa. Sinubuan ko siya ng burger. It's too late before I realized what he did to me earlier.


Sayang! Hindi ko nagawa sa kanya. Pero humanda siya sa akin. Nag isip ako ng pangganti ko sa kanya.


Napatingin ako sa kape at may magandang naisip para gumanti. Umupo muna ako sa sofa na sinasandalan namin at hinaplos ang buhok niya para hindi maghinala. Napangisi ako.


Inabot ko ang kape at sachet ng ketsup sa fries. Uminom muna ako bago ko binuksan ang ketsup at nalagay ang straw. Inipit ko ito sa gilid ng plastic cup para hindi niya mamalayan. Yumuko ako at itinapat sa bibig niya ang straw.


Busy parin siya sa nilalaro kaya hindi na siya lumingon. Humigop siya sa straw at umubo kaya natawa ako ng malakas. Tiningnan niya ako ng masama habang umuubo.


"Shit, what the hell Bri!" nahihirapang mura niya.


Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Natatawang tumayo ako at kumuha ng tubig para sa kanya. Naluluha na ako sa sobrang tawa tuwing naaalala ko ang mukha niya.


Inabot ko sa kanya ang tubig at umupo ulit sa sofa. Pinipigilan ko bumunghalit sa tawa dahil tinitignan niya ako ng masama.


Kinalma niya muna ang sarili niya bago umupo sa tabi ko. Medyo kinakabahan ako ng tinignan niya ako ng seryoso. Bahagya akong lumayo ng lumapit siya sa akin.


Hinawakan niya ang likod ko ng akmang lalayo ako ulit kaya napahinto ako.


"Lumalaban ka na?" seryoso niyang tanong sa akin. Hindi ako nakapaghanda ng kilitiin niya ako kaya napasigaw ako.


"ikaw..naman-n nauna" nahihirapang kung tugon.


Umiwas ako sa kanya hanggang mapasandal ako sa armrest ng sofa. Tawa kami ng tawa. Napahiga ako ng bahagya sa armrest dahil sa pag iwas ko sa kanya.


Huminto siya sa pagkiliti sa akin at tinitigan ako. Napagtanto ko na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.


Ngumiti siya at inayos ang buhok ko na kumakalat sa mukha ko at inipit sa tenga ko.


Nakatingin lang ako sa kanya, pilit na binabasa ang emosyon sa mga mata niya. Hanaplos niya ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya at mas lalong inilapit ang mukha niya.


I closed my eyes and waited for his next move. Naramdaman ko ang hininga niya sa mukha ko dahil sa sobrang lapit namin.


I felt his lips touched my forehead.


"My life is so much better with you in it" he whispered.

-----------------------------------------------------------------🖋

ML Story (iM eLove)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora