19

84 52 16
                                        



Nanigas ako sa kinatatayuan ko, para akong nadakip sa isang pagkakamali. Napapikit ako sandali bago lumingon.


Ito na siguro yung tamang pagkakataon para ipakilala ko si Bryan sa mga kaibigan ko.



Tahimik lang sila, naguguluhan na nakatingin sa kamay kong hawak ni Bryan. Pilit ko itong kinakalas pero hinihigpitan ni Bryan.




"Ahm.. G-guys, t-this is B-Bryan. Bryan, mga kaibigan ko" binanggit ko isa isa ang pangalan nila para ipakilala sa kanya.


Ngumiti sina Shane at Anica at nakipagkamay kay Bryan. Pormal namang nakipagkamay si Vince sa kanya.


Hindi parin umiimik si Aries, tila malalim ang iniisip. Tinapik siya ni Vince sa balikat.  Tumango ito kay Bryan bago tumingin sa amin.



"Let's go, I'm hungry" yaya niya sa amin at nauna ng maglakad. Sumunod ang tatlo sa kanya. Nilingon ko si Bryan at tatanungin sana kung sasama sila pero hinila niya na ako para sumunod.



Sa coffee shop kami tumungo. Umupo ako sa tabi ni Aries dahil doon ang bakante at yung tabi nito kaya doon na rin pumwesto si Bryan.



Nahihiyang sinabi ng mga kaibigan ko ang order nila dahil libre ni Bryan. Tatanggi na sana si Aries pero nakaoo na yung tatlo.


Bumaling si Bryan sa akin.


"Ikaw? Magkakape ka rin? Baka di ka makatulog niyan"


"Pero sabi mo... Oo na hot chocolate nalang" wala rin naman akong planong magkape dahil gusto kong maaga akong matulog mamaya.



Tumango si Bryan at tumayo. Sumunod sa kanya si Sheena. Tiningnan ko sila habang naglalakad at binalik ang tingin ko sa mga kaibigan ko na nakatingin ng diretso sa akin.



"Boyfriend mo si Bryan?" diretsong tanong sa akin ni Vince at sumulyap kay Aries.


"Hindi"



"Iniwan ka lang namin saglit, nakahanap ka na ng gwapo" biro sa akin ni Shane, pero alam kong iba ang pinupunto niya.



"Medyo matagal ko nang kilala si Bryan"


"I knew Bryan. Schoolmates sila ng pinsan ko and he's quite famous inside their school even outside because he's friendly, smart and he's a former varsity in their school, achiever din. I'm shocked magkakilala pala kayo" dugtong ni Anica.



"Bakit hindi mo siya nabanggit sa amin?" wala sa sariling tanong ni Aries at pagak na tumawa. "Sabagay, hindi naman pala lahat ng bagay kailangan mo ipaglandakan sa iba, may mga bagay na kailangan mong itago" tiningnan niya ako ng makahulugan. Bigla naman akong naguilty.



"Hindi sa ganun Aries, hindi ko naman-"


"It's okay, I understand" umiwas siya ng tingin, napabuntong hininga ako.



I never knew, hiding Bryan from my friends could result no good. Hindi ko rin naman balak na itago sa kanila, naghahanap lang ako ng tiyempo. Alam kong nagtatampo sila pero alam ko ring susuportahan nila ako kung saan ako masaya.



"Kilalanin mo muna bago mo sagutin" Payo ni Vince, bahagyang napaawang ang bibig ko. Akala nila nanliligaw sa akin si Bryan.



Pero anu nga ba? Wala naman siyang sinasabi.


"Wag na wag lang siyang magkamaling saktan ka Bri, uso pa naman ngayon ang cheating. Yung hindi makontento sa isa" makahulugang wika ni Shane at tumingin kay Vince.


ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now