62

46 33 1
                                    


Maaga akong nagising para asikasuhin ang kailangan ni papa. Kuya Gerald went out to talk to the doctor. Masaya ako dahil bumabalik na ang lakas ni Papa. I fed him before I used the bathroom to take a bath. Pagkatapos kong mag ayos ay naroon na si kuya sa labas. Masaya silang nag uusap ni papa. Kinuha ko ang phone at wallet ko.




"Kuya! Bibili lang ako ng breakfast, ikaw muna kay papa" tumango siya.




I went out to the hospital. Wala akong gustong kainin sa cafeteria nila. I want something that I couldn't pinpoint. Naghanap ako ng kainan sa katabing gusali. Napahinto ako ng mapatingin ako sa glasswall ng isang fastfood na may nakadikit na advertisement ng siopao, bigla akong natakam.




What the! I'm not eating siopao! Bakit biglang gusto kong kumain nito ngayon?! Lalagpasan ko na sana ito pero parang hinihila ako pabalik at naglalaway habang iniimagine ko na kumakain ako ng siopao.




I brought two pieces of siopao and chicken with rice for kuya. Excited pa akong bumalik sa hospital. Para akong gutom na gutom.




Pagliko ko ay hindi ko namalayan ang pagbangga ko sa isang batang lalaki.



"Aww"




Nataranta akong tinulungan itong tumayo. Akala ko'y iiyak ito subalit napahinga ako ng maluwag ng ngumiti ito at yumuko ng bahagya.




"Hello po, sorry for bumping you because I didn't see you coming from that way." he said apologetically. I can't stopped myself from adoring this child, I think he's 4 years old.



It touches my heart just by seeing him stood proudly in front me. There's something in me that I want to hug him. He's so innocently cute, acting like a big man. I smiled sweetly at him and slightly bent to level our eyes.




Those eyes, it's quite familiar! I can feel a splitting familiarity with this kid.




"It's okay, sweetie! What's your name? Where's your parents?"




"I'm with my mom-"




"Ethan!" someone shouted, the boy in front of me automatically looked back. She must be his mom. Nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ko ang mukha nito. Napahinto rin siya at gulat rin akong tiningnan.




"Mommy! I bumped into someone, she's-"




"B-brianna?!" nakita ko ang pagkataranta sa mukha nito at bahagyang pagtingin sa likod ko na parang kinokumpirma kung may kasama ako.




"Sheena.." bulong ko. Palipat lipat ang tingin ko sa kanila ng anak niya na ngayo'y mahigpit niyang hinahawakan ang kamay nito at tila pilit na kinukubli sa akin.



"Do you know her mom?" Ethan asked her. Tila naging mailap ang mga mata ni Sheena.




"Y-Yes, we should go now. You're dada wants to see you" tila nagmamadaling kilos ni Sheena.




"Are we going to see Dada Bryan?" halata ang excitement sa mukha ng bata. Tumango si Sheena na mas lalong ikinalawak ng ngiti nito. "Yehey! Let's go mommy! Bye bye po...ahmm Mama Brianna!" he waved his hand. Parehong nanlaki ang mata namin ni Sheena sa tinawag sa akin ng bata, she looked at me apologetically, I just nodded my head.



My smile faded while looking at their back. That kid! Anak ba siya ni Bryan at Sheena..pero-



Napailing ako. I mentally made my calculation on the way to my father's room. I assumed Ethan is already four years old. Mahigit four years na nong umalis si Bryan ng bansa. Ang bilis niya naman ata akong palitan kung ganoong binuntis niya agad si Sheena! Kung anak niya nga ito ibig sabihin hindi pa four years old yung bata... Maliban nalang kung buntis na si Sheena pag alis nila ng bansa, hindi ko lang alam kung sabay ba silang umalis o nauna si Sheena.




"What took you so long?" before I reached the door, my brother came out.



Napatigil ako at pinagmasdan siya. Nakikita ko parin ang nakangiting mukha ni Ethan. Pinilig ko ang ulo ko, I can't believe I'm already hooked with that kid even for a short while. Maybe I used to love his father huh.



Argh! Nagagalit na naman ako sa tuwing maalala ko ang pag mumukha ni Bryan. Ang kapal ng mukha niyang mag I love you sa akin kagabi e may anak na nga! Gago talaga!






"Yan lang yung kakainin mo?" nakakunot nuong tanong sa akin ni Kuya. Tumango lang ako. Nawewierdohan niya akong tiningnan, alam niyang hindi ako kumakain ng siopao pero hindi na siya nagkomento.



Pagkatapos naming kumain ay siyang pagdating nina mama, may dala silang mga prutas at pagkain. Nakaupo ako sa gilid ng kama ni papa habang masaya kaming nagkukwentuhan lahat.



Napatigil kami sa katok ng pinto, tumayo si Manang Rosie para pagbuksan ang nasa likod ng pinto.




Tumayo ako para kumuha ng tubig pero bigla akong nahilo at unti unti akong nilulukob ng dilim. Huling narinig ko ang tarantang pagtawag nila sa akin.


"Brianna!"


"Bri!"


"Anak!"



"Hija!"





PUTING KISAME ang unang bumungad sa akin paggising ko. I blinked twice to clear my vision. Huli kung natandaan ay nahimatay ako sa kwarto ni Papa. Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay sa ibabaw ng tiyan ko at marahan itong hinihimas.



"How are you feeling? Are you hungry? Do you want to eat something?" marahas kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Napasimangot ako habang nakatingin kay Bryan. He was looking at me with worried expression, but there was something glistened in his eyes, happiness?




Lumundo ang kama nang umupo siya sa gilid ko. Napansin ko rin ang pasa sa gilid ng labi niya.



"Thanks God you're awake now, I'll call a doctor" I heard Shane's voice.




"Kamusta ang pakiramdam mo nak? May masakit ba sayo?" napalingon ako nang marinig ko ang nag alalang boses ng aking ina sa gilid, lumapit ito sa akin at mangiyak ngiyak na hinaplos ang pisngi ko, tumabi naman si Bryan upang mabigyan si mama ng espasyo.




"I-I'm fine ma, medyo inuuhaw lang po ako"




Nakita ko naman ang dali daling pag abot ni Bryan ng isang baso ng tubig sa lamesa, mayroon din nakapatong na mga prutas. Inabot niya sa akin ang baso at inalalayan akong umupo.



Inubos ko ang laman ng baso bago ibinalik sa kanya. Sakto namang pagpasok ng doctor kasunod si Shane. He checked on my vitals first before removing his mask.




"Misis, you need be extra careful with your self. Avoid using to much force and if possible from stress also. Eat healthy foods and always take your vitamins. I suggest, with your condition right now, take a leave from your work and take a bed rest even just for a weak." hindi ko na pinansin ang pagtawag ng misis ng doctor sa akin bagkus ay nagtataka ako sa mga sinasabi niya. Para naman kasi akong may sakit-wait! May sakit ba ako?!




Binalingan niya si Bryan. "Can I have a word with you Mr. Javier? For your wife's prescription and what you should and shouldn't do while you still don't have your Ob gyne"




"Susunod po ako Doc. I'll just talk to her" nakatingin lang si Bryan sa akin, nakita ko ang pagtango ng doctor bago lumabas.





Paglapit nk Bryan ay lumabas rin si Mama at Shane na ipinagtataka ko. Tinignan ko si Bryan ng masama ng umupo ito sa tabi ko at inabot ang kamay ko. Hahablotin ko sana ito ngunit natigilan ako sa ekspresyon sa mukha niya.



Mangiyak ngiyak ito at masuyo akong tinitignan. "Thank you.." he whispered.


"What- anu ba!!" akmang itutulak ko siya nang bigla niya akong yakapin.



"Thank you...for giving me another blessing. Salamat Bri, I am so damned happy!" natigilan ako ng maramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa leeg ko.




"A-anu bang pinagsasabi mo?!"




He hugged me tighter. "You're pregnant love, we're having a baby!" he said happily.



_🖋

ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now