28

80 50 11
                                        


"Ganda ng gising natin a" Anica greeted me with wide grin, she looks happy.


"Ako lang ba?" I teased her. She smirked. I know right, I just shook my head. Napabaling ako sa likod nito at nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Shane.


"Good morning Shane" Bati ko sa kanya.


"Morning lang walang good" sagot nito. Natawa ako. Alam ko rin kong anong dahilan ng mood nito.


"Wag ka ngang mandamay kong broken hearted ka" tukso ni Anica. Lalo itong napasimangot, tumingin ito sa likod ko bago umirap at padabog na umupo. Naiiling na umupo na rin si Anica.


"Mga babae talaga, ang hirap espelingin" parinig ni Vince.


"Iniintindi kasi, hindi iniispell" bulong naman ni Shane.


"Bobo mo kasi sa spelling Vince" pabalang na sagot ni Aries. Natawa nalang ako sa kanila.


Nakipag apir sa amin ni Anica si Vince, inabot niya si Shane at marahang hinaplos ang ulo nito. Bago pa nakapagreact si Shane ay nakaupo na ito. Aries smiled and greeted me.




I TEXTED BRYAN after our last period. He's on his way now. Sabay kami ng mga kaibigan kong bumaba sa parking.


"You sure you're not coming with us?" Aries asked, nasa unahan ko siya dahil nahuhuli na ako sa kanila sa pagtext kay Bryan. They're going to Shane's place for a movie marathon.


"Bryan's going to pick me, may pupuntahan ata kami, Sorry Aries nakaoo na kasi ako sa kanya. I'll make it up to you guys next time. I promise"


Sabi ni Bryan kanina pagkatapos niya akong ihatid ay may pupuntahan daw kami after ng klase ko. Hindi ko alam kong saan.


He smiled a bit and patted my head. "It's okay, baka importanti yang pupuntahan niyo. Sasamahan ka muna namin dito hanggang sa dumating siya"


Nilingon niya ang mga kaibigan namin at tumango naman ang mga ito bilang pagsang ayon.


"Ayos lang ako dito. Okay lang kung mauuna kayo, ako nalang maggintay dito"


"It's okay Bri, gusto ko rin namang masilayan ulit ang gwapong mukha ni Bryan para kahit papano may magandang tanawin akong makita sa araw na to at magandang alaala bago ako matulog. Wala kasi masyado, ang papangit ng nasa paligid" litanya si Shane at pabirong pinaikot ang mata. Umayos naman ng tayo si Vince at pinataasan siya ng kilay.


"excuse me"


"nandoon sa kabila yung daan" pabalang nitong sagot. Natawa nalang kami sa bangayan nila.


Mama maya'y may paparating na sasakyan na kilalang kilala kong kay Bryan. Pumarada siya sa harap namin. I waited for him to get down and went in front of me. Tumango siya sa mga kaibigan ko at bumati.. He then reached for the books I am holding. I could see weariness in his eyes.


"Let's go?" aya niya saakin. Tumango ako.



"Mauna na kami" paalam niya sa mga kaibigan ko.


"Ingat" Vince said.


"Bri, pakiingatan niyang jowa mo baka maagaw ko-ano ba?" hindi natapos ni Shane ang sasabihin niya ng hilahin siya ni Vince patungo sa shotgun seat ng sasakyan nito at sapilitang ipasok.


"Ingat kayo" naiiling na sumunod na rin si Anica sa kanila. Aries turned to us.


"Ingatan mo" seryosong bilin niya habang nakatingin ng diretso kay Bryan. He jokingly patted my head.


Tumango si Bryan at seryoso rin siyang tiningnan "I will"

"Ingat sa pagdrive Aries" tumango siya. I waved to the girls and Vince.


"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Bryan ng huminto kami sa stop light. Hindi ito ang daan pauwi ng apartment ko.


"Sa condo" tipid niya sagot. Hindi na ako nagtanong at binusog ang mata sa pagtinging ng abalang kalye.




I looked up to the familiar skyscraper, It was the company I am dreaming to apply for a job in the future. I could feel the familiar excitement and anticipation everytime I see this building.


"Slow down Bry" taka niya naman akong tiningnan pero sumunod parin.


"Why?" takang tanong nito.


"See that skyscraper" tinuro ko sa kanya yung matayog na gusali. Tiningnan niya naman ito saglit bago nakakunot nuong ibinalik ang tingin sa akin.


"Yes, why?" nakukunot nuong balik tanong nito sa akin.


"Bata palang ako pangarap ko nang makapagtrabaho diyan. Isa yan sa mga naging inspiration ko para pag igihan ang pag aaral ko. Balita ko kasi ang taas ng salary kaso ang taas ng standard para sa mga hihahire na employees" I said dreamily. Bahagya siyang nagulat at umayos ng upo.


"I-is that so?"


"Tingin mo matatanggap kaya ako diyan? Kahit tagapindot nang elevator, okay na. Kahit di na accounting related" I joked, Nakapukos ako sa mataas na gusali at tiningnan itong nangangarap. Maliban kasi sa mataas ang pasahod sa mga empleyado, masyado ring mataas ang standard nila sa paghire ng mga tao. You should be academically competent and posess a vast experience. Kungbaga, kailangan mo nang madaming madaming achievements para makapasok, you should be skilled, promising and experienced. Kaya buong buhay ko nag aaral akong mabuti para mapataas ang grado ko.



"Why not? You're brilliant, competent, mataas ang pangarap, maganda, sexy, patient, kind-"

"Stop, hindi na makatotohan yang pinagsasabi mo" I rolled my eyes. He chuckled.


"Why should I lie to you?"


"Kasi girlfriend mo ako, mahal mo ako kaya ayaw mo akong madisappoint at tsaka anong connect ng pagiging maganda at sexy ko, hindi naman modeling yung aapplyan ko diyan" nakanguso kong sabi. Natawa naman ito.


"Seriously you have the edge Bri, I'm not telling you this because you're my girlfriend but that's what I see you. Ang laking kawalan nila pag hindi ka nila tinanggap diyan. I believe in you" seryosong saad niya. I am flattered upon hearing his opinion, it was a genuine praise from him. He was serious while telling it to me.


"Anu kayang feeling pag nandiyan na ako nagtatrabaho?" I said dreamily while looking at the tall building in front. Nakakainggit lang nang mga employees na nagtatrabaho sa kompanyang yan.


Naalala ko nung bata ako, sa tuwing dadaan kami sinasabi ko kay Mama na dito ako magtatrabaho paglaki ko tapos sinasabihan niya akong mag aral muna ng mabuti para makapasok ako diyan. Dapat daw maging valedictorian ako sa grade school at high school kaya yun yung tumatak sa utak ko, pinag igihan ko ang pag aaral hanggang nakapagtapos ako ng elementarya bilang valedictorian hanggang highschool.


"In the future I want to see you fulfilling your dreams in that company" napalingon ako sa gawi niya, seryoso siyang nakapukos sa pagmamaneho bago lumingon sa akin. Nginitian ko siya.


I will, you'll see.

-----------------------------------------------------------------🖋

ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now