BRYAN: Hi Odette!
Dauntless Bri: Tigilan mo ako.
BRYAN: Bakit? May itatanong ako.
Dauntless Bri: Anu?!
BRYAN: kung si Corazon ang unang aswang, pang ilan ka?
Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko, nag iexpect pa naman ako ng matinong tanong, napakawalang modo talaga. Yes, we ended up chatting, ayaw ko na ring maglaro nakakasawa na rin. Sila kuya, naglalaro parin kasama yung kalaro namin kanina.
Dauntless Bri: nakakatawa yun?
BRYAN: hindi, pero seryoso ilang taon ka na?
Dauntless Bri: kaka 19 palang, bakit?
BRYAN: Good, tuloy natin.
Dauntless Bri: Huh?
BRYAN: makapaghuh? Kala mo naman nag uusap tayo ng face to face, pwedi namang basahin ulit.
Dauntless Bri: alam ko, ang ibig kong sabihin kung anung itutuloy natin.
BRYAN: Wala, ituloy mo yung paglalaro, kawawa naman yung mga kakampi mo.
Dauntless Bri: and what do you mean by that?
BRYAN: I mean everything to you. <3
Dauntless Bri: corny mo, mag aral ka nalang muna ng mabuti toy, inuuna pa kalandian.
BRYAN: asus! kung tinatanong mo educational status ko, graduate na po ako ng college.
Dauntless Bri: walang nagtatanong, pedophile!
BRYAN: Is this another way girls ask our age, babe?
Dauntless Bri: stop calling me babe, para kang Arabong matandang hukluban.
BRYAN: Fine love!
BRYAN: and if you're eager to know my age. I just turned 22. Fresh..
Dauntless Bri: anung fresh?
BRYAN: Fresh grad. Hahahaha oyy iba iniisip.
Dauntless Bri: oyy iba pagkaulol.
"Kuya, baba na ako" paalam ko sa kanila na naglalaro parin. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at bumaba na. Dumeritsong higa na ako sa kama dahil nakapajama na ako.
I didn't close my ML app and wasted my time talking to this guy. He continuously annoyed me and tested my temper but I couldn't get myself out and stop. I found myself kept on replying to his messages even half of my mind tells me to stop and just ignore him, but my proud self couldn't just back down.
Hindi ko namalayan ang oras until I checked my alarm clock, it was already 11:37pm, nakakababa narin siguro sila kuya, and who knows they're already asleep.
Sa probinsya kasi mas maagang natutulog ang mga tao, unlike sa city, mas tahimik kasi sa probinsya at malamig ang klema. That's what I love about provinces.
Dauntless Bri: I'm going to sleep now.
BRYAN: Oyy nagpapaalam. Goodnight love, dream of me.
Hindi ko na siya nereplyan at pinilit ang sarili para matulog.
Late na akong nagising kinabukasan sa usual na oras na paggising ng mga tao dito. Kung maagang natutulog nag mga tao sa probinsya, ay mas maaga rin silang nagigising. Inabot ko ang phone ko sa bedside. Still half asleep, I clicked the ML app and pressed the home button when I realized what I am trying to do. Umagang umaga.
Inayos ko ang kama ko bago pumasok sa bathroom para maligo. Paglabas ko sa bathroom ay naabutan kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Brianna, kakain na!" narinig kong sigaw ni kuya sa labas na may halong pagkairita. Kinina pa siguro siya katok ng katok basi sa pagkalampag niya ng pinto ko.
"Oo, bababa na!" Dali dali akong nagbihis at nagsuklay ng buhok bago bumaba. Pwedi naman kasing maunang kumain, dapat ba talagang by group. Pati sa pagkain may team up.
"Buti naman bumaba na ang mahal na Prinsesa, bakit late ka na nagising? Nauna ka namang bumaba sa amin kagabi ah" nakakunot nuong tanong niya sa akin.
"Good morning Ma, Good morning kuya" hindi ko na inaabalang sagutin ang tanong niya at hinalikan si Mama sa pisngi. Napangiti siya sa akin at bumati pabalik. I noticed she dressed up so I assumed she's going out again for her meeting. Napasimangot si kuya.
Nanunuod kami ng tv ni kuya ng naisipan kong iopen ang Ml app ko para iclaim ang daily rewards, sayang din yun. May bago kasi akong bibilhin na hero kaya kailangan kong mag ipon ng battle points.
Nakita kong online si Bryan at may message notification sa gilid ng profile niya.
BRYAN: Good morning Odette.
Dauntless Bri: Tigilan mo ako sa kakaOdette mo, I'm not Odette
BRYAN: tagal mo mag online.
BRYAN: at tsaka ganyan na pala reply sa good morning ngayon, nagbago na?
BRYAN: ang corny naman kasi ng pangalan mo.
Dauntless Bri: anong sabi mo??
Did he just insult my name?, mas corny yung pangalan niya no. Mukhang batang baklang patpatin na isang pitik lang tumba agad.
BRYAN: Ewan ko kung bingi ka ba o bulag, kung nag uusap tayo masasabi kong bingi ka, pero ang harsh ng bulag eh.
BRYAN: sabi ko ang corny ng pangalan mo, sino ba nagpangalan sayo ng Dauntless Bri?
Muntik na akong matawa sa nabasa ko, nalingon ako ni kuya ng nakakunot ang nuo, nagtatanong kung bakit ako tumatawa mag isa eh action naman pinapanuod namin. Umiling lang ako at bumaling sa gilid, bahagyan itinago ang cellphone ko.
Dauntless Bri: username yan tanga.
BRYAN: awts gege, makatanga to. Pwedi naman kasing pangalan lang ilagay. Anjeje naman.
Dauntless Bri: Pakialam mo ba? Wait lang tanungin ko si Mama, ipapabasa ko to sa kanya.
BRYAN: Oy wag naman ganyan, joke lng naman yun.
BRYAN: parang yung isa kong kalaro dati, user name niya 'Bobo mo' natalo kami... after ng game namin chinat ko siya 'Oy bobo mo' ayun dami niyang sinabi minura pa ako eh binati ko lang naman.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa, ewan ko ba kung insensitive ba to o tanga. Tinignan ako ni kuya dahil naiistorbo ko siya sa pinapanuod niya. Lumipat ako sa kabilang sofa malayo sa kanya.
Dauntless Bri: ang insensitive mo, dapat kasi hi or hello yung pagbati mo.
BRYAN: hindi naman yun chicks para batiin ko ng hi or hello, lalaki yun,, anlaswa nun pre.
Dauntless Bri: ang hilig mo makipagchat sa mga nakalaro mo no?
BRYAN: hindi naman, dependi kung bored ako. Or boring yung laro.
Dauntless Bri: auh, so pang ilang Odette ako?
BRYAN: Ikaw lang.
-----------------------------------------------------------------
🖋

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...