75

41 31 2
                                        


Maaga parin kaming nagising ni Bryan kahit halos hindi na kami nakatulog ng maayos kaninang madaling araw.



Ilang beses akong napahikap habang hinihintay siyang matapos magluto ng agahan namin. Nakapangalumbaba ako sa lamesa habang nakatingin sa likod niya. Simula nang gumaling si Bryan ay halos siya na lahat ang gumagawa ng gawaing bahay. He won't let me lift a finger even for a small chores unless it's needed.




Lumapit siya sa akin nang mapansing inaantok pa ako.




"Wag ka na kayang pumasok. Magpahinga ka nalang muna" nag aala niyang suhestiyon habang inaayos ang medyo magulo ko pang buhok at pinatakan ako ng halik sa noo.



Napanguso ako. Ang dami ko nang absent last week tapos liliban na naman ako. Bumaba ang tingin niya sa labi ko.



"I'm fine, kaya ko naman" malambing ko pinalibot ang braso ko sa baywang niya. He's in the middle of my legs, gently stroking my hair.




"Akyat ka nalang mamaya sa office kung gusto mong magpahinga"



Tumango lang ako.



"Anong gusto niyong kakainin ni Baby mamaya?" pagkaraa'y tanong niya ulit.



Nag isip ako saglit. "ahmm...mangga?"



"Alright, what else?"



"I want to dip it in mayo" I pouted my lips. Napakunot ang noo niya.



"That's...wei- Alright."




I BLINK MY EYES repeatedly while typing on my computer. Nakailang hikab na rin ako simula pa kanina. Pilit kong tinapos ang isang report at nangalumbaba saglit sa mesa. Sumasakit na rin ang mata ko sa pagbabad sa screen ng computer.



NAGISING AKO at umahon mula sa pagkakayuko na tila may ibinagsak sa lamesa. Pupungas pungas akong umayos ng upo. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ang plano kong magpahinga sandali ay tumuloy sa pagtulog.




I looked to the side. Ms. Andrade was there, raising her brow at me while holding a thick folders that being slammed on the table.




"Mukhang wala ka namang ginagawa, baka gusto mong iphotocopy to" mataray at sarkastiko niyang utos. Napatango ako bilang pagsang ayon dahil nagiguilty naman ako.



It's still office hours for me to sleep. Pinagtitinginan rin kami ng mga kasamahan namin at mukhang tuwang tuwa sa ginawa ni Mrs. Andrade, na siyang halos pinakamatanda sa amin.




"A-Ako na po ang gagawa" magalang kong sagot kahit medyo inaantok pa ako.




"Sino pa ba? E ikaw lang naman ang walang ginagawa dito." Proud nitong sabi na tila nagyayabang sa mga kasamahan namin dahil nasupalpal niya ako.




Napayuko ako. Ayoko siyang patulan at baka kung ano pang hindi magandang salita ang matatanggap ko sa kanya.



"Mayroon pa sa table ko mamaya." utos niya bago tumalikod at bumulong bulong na halatang pinaparinig naman sa akin. "Bakit di nalang nagresign kung gagawin lang namang bahay yung opisina."



"Gagawin pa atang tagasuporta ng anak ang kompanya" sabat ng isa. Malapit lang sila kaya kahit mahina lang ang pagkakasabi niya'y naririnig ko parin.



This is too much but I need to keep my cool. As much as possible ay iiwasan ko ang mastress, yun ang sabi ng doktor. Medyo masilan ang pagbubuntis dahil maliban sa first baby ko ito, nasa lahi rin yata namin ang maselan magbuntis. My mother lost our eldest. Supposedly, tatlo sana kami magkapatid. Nakunan nga lang si Mama sa una nilang anak, lalo na't wala rin si Papa sa tabi niya nung time na yon. Kaya todo alaga na ito kay Mama pagdating kay Kuya at sa akin nung ipanagbubuntis kami ni Mama.



ML Story (iM eLove)Kde žijí příběhy. Začni objevovat