61

48 34 0
                                        


Nakaawang ang pinto nito kaya dinig na dinig ko ang usapan sa loob. Ayoko sanang makinig pero napahinto ako sa narinig ko.



"...Spare her from this issue Bryan! As much as I want to, Brianna isn't involved with that asshole's mistake! Stop using her!" I heard Sheena's voice.



I stopped. Using me? For whoever or whatever that asshole's mistake?! Bryan has been using me. Pero bakit? Kanino? Naguguluhan ako.



"I thought you don't love her anymore?! Bumalik ba yung pagmamahal mo sa kanya?!" dinig kong tanong ni Sheena sa mataas na tono.



Matagal bago nakasagot ang kausap niya. Gusto ko nang umalis pero hindi ko mahakbang ang mga paa ko. I know they're talking to me. Gusto kong marinig ang sagot ni Bryan.



"No-" mababang sagot ni Bryan. Walang anu ano'y tumalikod ako.



Napasapo ako ng dibdib ko, doon ko lang napagtanto na hindi ako humihinga habang hinihintay ang sagot ni Bryan. Tears started to form at the corner of my eyes, I heard the loud crash of my heart as it broke down. I should've expected this but I can't stop myself from feeling the pain and disappointment. For the nth time, umasa na naman ako.




All this time sa mga ginagawa ni Bryan, lahat ay pakitang tao lang. Dalang dala ako, akala ko bumalik yung dating Bryan. Nakuha niya ang loob ko sa maikling araw na magkasama kami. I started to trust him because somehow, he was someone special to me.




I felt betrayed and hurt at the same time. That's it! I don't want to have any connection with him anymore, not even as a friend. From now on, he will totally be a stranger and a boss to me!



My phone beeped. It's a message from my Brother, sinasabing nakadaong na daw sina papa at kung saan nila siya dineretso. I wiped my tears away and ran to the elevator. Pareho kaming nagulat ni Mrs. Javier bumukas ito.



"What happened? Did you cry? Nag away ba kayo ni Bryan-"



"Ma'am Claire, can we talk some other time. Nagmamadali po kasi ako, I need to see my father. He's in the hospital right now" nakayukong pakiusap ko nang maalalang mag uusap nga pala kami ngayon. She might notice the urgency in my voice.



"It's okay you can take a rest for days, you look pale. Ako na ang bahala kay Hendrix...and you're father might need you" she gently said and held my hand.



"Thank you po" I can't stop myself from hugging her. Naramdaman kong natigilan naman siya at niyakap ako pabalik.



Saktong uwian na pag balik ko sa opisina. I picked my things and ran towards the elevator. Nagmamadali akong bumaba at pinara ang unang taxing dumaan at dumeretso na sa hospital.



Pagdating ko sa tapat ng okupadong private room ni Papa ay nakita ko si mama na kakatapos lang kausapin ang doktor.



"Ma!" I hugged her. Mugto ang mata niya at tila pagod na pagod.



We went inside my father's room. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha habang nakatingin sa kanya. Maliban sa sobrang namiss ko siya ay ang laki ng ibinagsak ng katawan niya. May iilang swero na nakakabit sa kanya na payapang natutulog.



"He's fine now, he suffered from transient ischemic attack or mini stroke, we'll just wait for further information according to his doctor." nilingon ko si kuya na nakaupo sa couch sa gilid. Katabi nito si Manang Rosie na nakadaop ang dalawang palad habang niiyak na nakatanaw kay sa sahig.



I went to my father's bed and stared at his face. I raised my hand and gently stroke his hair before I kissed his forehead.




Hindi nagtagal ay pumasok ulit ang doktor para imonitor si papa. Napatayo kaming apat para hintayin ang sasabihin niya.




"Like what I've said, the patient suffered from transient ischemic attack which caused him to a sudden numbness and lost of balance, he passed out because he can't tolerate the severe headache and vision problem which are also symptoms of TIA. TIA is a short interruption of blood flow to a part of the brain, the symptoms typically last within 24 hrs and don't cause any permanent brain damage. However, it increases the risk that the patient will have an actual stroke later on, that's what we should avoid, so we have to make sure that the patient will eat a healthy diet, exercise regularly and avoid smoking and drinking too much alcohol. We should watch his healthy lifestyle to avoid any further complications."



Hindi ko alam kong mabubunutan ako ng tinik dahil hindi masyadong malala ang karamdaman ni papa o mangamba dahil may posibilidad na magkakaroon siya ng actual stroke. We should really convince him to stop working.



Napahilot ako ng ulo ko dahil sa biglang pagkahilo.




"Salamat doc" narinig kong pasalamat ni mama at pagpaalam ng doktor.




"Okay ka lang Bri?" kuya Gerald asked me. I gave him a smile and nodded. "Umuwi muna kayo, ako na muna bahala kay papa. You guys need a rest, paniguradong pagod din sina Mama sa byahe. Hindi na rin muna ako papasok bukas"



"Babalik ako kuya, ihahatid ko lang sila at kukuha ng damit ko"



Hindi rin maman ako mapakali kung uuwi ako. Napabuntong hininga lang ito at tumango.



Gaya ng sinabi ko hinatid ko lang sila sa condo ni kuya at nagpahatid kay kuya Ben sa bahay ni Shane. Halatang nagulat pa ito nang makita akong may bitbit na bag. Nalulungkot niya akong tiningnan.



"Aalis ka na ba?! Kinukuha ka na ba niya? Nasaan siya? Kakausapin ko muna baka pweding-"



"Hey! Hey! Calm down hindi pa ako aalis, sa hospital ako magpapalipas ng gabi" hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin. Bigla naman nagliwanag ang mukha niya. Kaya hindi ako makahanap hanap ng sariling condo e.



"How's tito Gerardo?"



"thanks God he's fine now"



"That's a good news, I'll visit him tomorrow. Send my regards to tita Anna. Ano do you want me to drive you?"


"Wag na Shane, kaya ko na, gabi na rin magpahinga ka na"



Pagkatapos kong magpaalam kay Shane ay bumalik na ako sa hospital. Madaling araw nagising si Papa. Mangiyak ngiyak siya habang hinahaplos niya ang pisngi ko.



"Kamusta ka papa?" hindi ko rin mapigilan ang pag alpas ng mga luha ko.



"Okay na ako, gayong nandito na ang dalawang anak ko. Where is your mother by the way?"



"Nasa condo ni Kuya, pinauwi muna namin para magpahinga" inayos ko ang kumot niya. "Magpahinga na rin po muna ulit kayo papa"



I picked my phone and texted my mother, informing her my father's condition. Hindi ko na siya tinatawagan para makapagpahinga siya ng maayos. Napansin ko rin ang maraming tawag at message galing kay Bryan.



Mukhang kanina pa ito dahil kanina ko pa pala hindi natapunan ng pansin ang telepono ko. Napakunot ang nuo ko habang binabasa ko ang mga mensahe niya. Mostly kinakamusta ako. Halos umikot naman ang mata ko pagkabasa ko ng huling mensahe niya.



From: Mr. B Javier



Sorry, Can't be with you right now, something came up. Take care of yourself by. Love you<3



Arghh! Manloloko na nga, sinungaling pa!


_🖋

ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now