90

21 10 16
                                        


"Where are we going? Why aren't we taking Zari with us?" kunot noong tanong ko kay Bryan habang nakamasid sa paligid na dinadaan ng sasakyan namin.




Kanina bigla niya nalang akong inayang lumabas. Maaga ring kinuha ni Tita Claire ang anak namin sa condo.




"You'll see" he winked at me, no any sign of telling me where we were heading to.



Napataas ang kilay ko nang pumasok kami sa isang mamahaling subdivision. Naglalakihan at nagtataasang bahay ang makikita sa bawat dinadaan namin. Hindi rin sila magkakadikit dahil sa malawak na mga bakuran sa bawat bahay.




"Are we going to meet someone here?" pangungulit ko ulit kay Bryan.




He chuckled. "Patient baby"




Napasimangot ako. Hanggang sa huminto kami sa isang bahay. Malawak rin ito at mga nasa tatlong palapag. Of all the houses here, I think this one is my favorite. Moderno ang desinyo sa labas ng bahay at may malawak ring bakuran na puno ng lawn grass.



"Let's go" hindi ko na namalayan ang pagbaba ni Bryan at pinagbuksan ako ng pinto.



Humawak ako sa kamay ni Bryan hanggang sa akma na niyang bubuksan ang gate.




"Oy wag mong buksan yan! Baka makita tayo ng may ari ng bahay" taranta kong pagpigil sa kanya at lumingon sa paligid para siguraduhin walang nakakita sa amin.




Bryan held my face and gave me a peck. "Relax, I know the owner of this house" pagpapakalma niya sa akin. Tumango ako at hinayaan siyang buksan ang gate.



The owner must be one of his friends. I shrugged my shoulders.



Mangha kong tiningnan ang kabuuan ng bahay sa labas pagpasok namin sa bakuran. Napahinto kami ni Bryan sa gitna ng sementadong daan patungo sa main door.




"Ang ganda" bulong ko. Sa tingin ko ay tinutukan ang bawat detalye sa buong bahay. Everything was in place, hindi ganon kaarte, just like my type.



Bryan hugged me from behind and whispered in my ear. "Do you like it?" he kissed my earlobe.



"Hmm...kaninong bahay ng kaibigan mo ba to?"



"Sinong may sabing sa kaibigan ko to?"




Nagtataka ko siya nilingon ng bahagya. Kung hindi sa kaibigan niya, kanino? "Kanino pala?"



"Here"



Bumaba ang paningin ko sa kamay ko nang lumapat ang malamig na bagay sa palad ko. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kong isa itong susi.



Napaawang ang labi ko ng may mapagtanto. Kumalay ako sa yakap niya at hinarap siya. "Y-You me-mean-"



Nakangiting tumango siya. "It's our new home. This is my gift for you, happy birthday beautiful!" inayos niya ang nakatabing na buhok sa mukha ko at pinatakan ako ng paulit ulit na halik sa noo.



Mangiyak ngiyak akong yumakap sa kanya. "Salamat love"



"Anong salamat love, may kapalit yan no!" he chuckled.



Napalabi ako. "Ano?"



"Hmm..another baby" he whispered sensually near my ear and planted a kiss on my neck.



I pinched his waist playfully. "Maliit pa nga si Zari e!" reklamo ko at kumalas sa kanya.



"Hindi ko naman sinabing ngayon by." nilingon niya ang bahay sa likod ko. "Basta punuin natin ang bahay na yan ng mga anak natin"



ML Story (iM eLove)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora