31

80 52 12
                                        

I WOKE UP early in the morning, feebled and sad. Today is Saturday, last day of our relationship also his last day in the country.



Lagi kong pinapakita sa kanya na okay ako, kaya ko, but last night was different. I was crying in his arms until I dozed off to sleep. But that's all, I never told him my fears and the consequences I am trying to formulate in my mind after letting him go.



I traced his arms on my stomach. Nakatalikod ako sa kanya. Nararamdam ko ang pagsagi ng banayad niyang hininga sa batok ko. I smiled bitterly, this would be the last morning that I wake with him by my side, hugging me tight.



Inangat ko ang braso niya at umikot paharap sa kanya. He's still deep asleep. I gently touched his face. Tracing every part of his face, from his forehead down to his perfect thick brows to his pointed nose and to his red and soft lips. I memorized every detail of his face.



I can't believe this perfect man loves me and for once I owned him, until today. I'm very lucky, I got to experience to love and to be loved by Bryan Zachary Javier.



Nakaawang ang labi nito. Napangiti ako dahil para siyang bata habang natutulog, ang peaceful niya pagmasdan. I pressed my lips to his slightly opened lips, I can't help it. I giggled when he moved a little, So cute!



Nababaliw na ata ako. Last morning na naman namin to. Susulitin ko na. I buried my face on his neck Gumalaw naman siya para yakapin ako.



"Gising na Bry" malambing kong paggising sa kanya. Wala parin siyang imik. Marahan kong hinalikan ang makinis at maputi niyang leeg bago kinagat. Naggigigil ako sakanya.



Napapiksi siya sa ginawa ko kaya natawa ako. Tuluyan siyang nagmulat at hinawakan ang parte ng leeg na kinagat ko.



"Ang sakit mo manggising Bri" nakasimangon niyang turan. Lumapit ako sa kanya at yumakap, natatawa parin ako sa naging reaksyon niya.



"Sorry na, ang hirap mo kasing gisingin e" natatawa ko paring turan at isinubsob ang mukha sa leeg niya. Hinalikan ko ang parteng kinagat ko na ngayo'y may marka na ng ngipin ko bago ako tumingala sa kanya. Nakasimangot parin siya.



"Sorry na love, kiss nalang" ngumuso ako at pumikit, naghihintay na dumampi ang labi niya sa labi ko.



Nagdilat ako ng mata ng walang halik na iginawad sa akin. Hindi natuloy ang pagsimangot ko ng makitang seryoso itong nakatitig sa akin na parang kinakabisado ang mukha ko. A glint of sadness and longing passed through his eyes. Pilit kong tinatatagan ang sarili ko wag umiyak. I know that look, it mirrored my obscured feelings.



"W-what now? W-won't you give me my morning kiss?" I raised my eyebrows, trying to hide my broken and unsteady voice from suppressing my sobs.



He licked his lips and swallowed the lump on his throat. "I love you forever" he whispered and kissed me. A lone tear escaped from the edge of my eyes the moment I closed my eyes.



Ako ang nagluto ng breakfast namin, nagpupumilit siyang tumulong pero hindi ko siya hinayaan. Napasimangot naman ito at napipilitang lumabas ng kusina.



Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na siya, naririnig ko ang boses niya galing sa sala.


"Bryan kain na" tawag ko ulit, hindi niya ako sinagot bagkos ay isang malutong na mura ang narinig ko sa kanya. Napakunot ang nuo ko at lumabas para lapitan siya.


Naiinis na rin ako dahil kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya. Ano bang ginagawa ng lalaking yun?


Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa, bahagya siyang nakatalikod sa akin kaya hindi niya ako nakikita. Abala siya sa pagpipindot ng cellphone niya at minsay nagmumura ng mahina. Napailing ako, naglalaro na naman ito ng ML gaya ng kadalasan niyang ginagawa tuwing wala itong trabaho. Kaya pala.



"Bry mamaya na yan kakain na, kanina pa ako tawag ng tawag sayo" lumapit ako sa kanya, he tossed of his head to look at me and pouted his head to gave me a kiss in the air.


"Wait lang tatapusin ko lang to" binalik niya ang tingin sa cellphone niya. Naiinis ko siyang tiningnan kahit hindi niya naman nakikita.



"Alam mo mukhang hindi pa yung pag alis mo ang magpapahiwalay sa atin kundi yan" pasaring ko sa kanya. Utomatikong napabalik ang tingin niya sa akin, napaawang ang labi niya sa narinig.


Nakita kong namatay siya sa laro kaya napabalik ang atensiyon niya sa laro at mahinang napamura. Ewan ko kong kanino siya naiinis. Tumalikod ako para bumalik sa kusina, naiinis na talaga ako sakanya. Kanina pa ako nagugutom. Ang dali ko pa namang mainis kapag gutom



"Bahala ka, mauuna na ako kanina pa ako nagugutom" huli kong sabi sa kanya bago tumungo sa kusina. Narining ko ang pagtayo niya at pagsunod sa akin.



Inayos ko ang pinggan namin ng maramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa bewang ko.



"Alisin mo nga yan, kakain na ako bumalik ka don taposin mo yung ML mo wag ka nalang kumain" naiinis kong angil sa kanya, kumawala ako sa hawak niya ngunit parang wala itong naririnig.


Inabot niya ang isang tinidor at tinusok ang hotdog bago kinagatan. Ang isa niyang kamay ay nakapulupot parin sa akin, hindi alintana ang masamang tingin ko sa kanya.



"Hmm, sarap naman magluto ng misis ko" papuri niya sa akin na alam kong pangloloko niya lang dahil ipinrito ko lang naman ang hotdog. Iniwas ko ang mukha ko ng iniumang niya sa bibig ko ang kinagatan niya hotdog.


"Bryan anu ba, pakawalan mo na ako, hindi ako nagbibiro nagugutom na talaga ako" may tonong pakiusap ko sa kanya, pilit kong tinatanggal ang pagkapulupot ng braso niya.


"Kagat na, isa lang" he held me in place. At alam kong pag kumagat ako sa ibig sabihin bati na kami. Pero dahil gutom na ako ay napipilitan ako kumagat na ikinalawak ng ngiti niya.


"Good girl" he kissed my cheek and let go of me. Umupo siya sa pwesto niya at inabot ang plato ko para lagyan ng kanin at ulam.


"Alam mo ranked mode yong nilalaro ko kanina" saad niya, wala namang paninisi sa tono niya pero naiinis parin ako.


"Kaya nga sinabi kong bumalik ka don" tugon ko sa kanya. Kakaumpisa palang ng laro niya kanina kaya't alam kon maAFK siya. Hindi naman ako nagger sa paglalaro niya naiintindihan ko naman na pangpalipas oras niya lang yun mula sa pagtatrabo at alam kong affected ka kong hindi maganda yung laro mo or AFK ka sa laro lalo na't yung mga kakampi mong puro trashtalker na nakakainis na rin minsan. Ang sa akin lang basta't oras ng pagkain or oras namin sa isa't isa walang ML o anu pa man na papagitna para makihati ng oras namin, we both agreed to that. Minsan na nga lang kami magkasama na walang ginagawa.


"Ito naman nagtatampo agad, nag iexplain lang e" nakasimangot nitong turan. Binaba niya ang plato sa harap ko at kumuha na rin ng kanya.


"We both agreed-"


"I know, I know sorry na agad" inabot niya ang kamay ko at masuyong hinalikan ang likod nito.


"Sorry na hmm?" pagpapacute niya tumango ako.


Anu pa nga ba? Matitiis ko ba naman tong lalaking to? Mahal na mahal ko to e.

-----------------------------------------------------------------🖋

ML Story (iM eLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon