"Bakit ka pa papasok?" rinig kong tanong niya habang nakabuntot sa akin patungo sa kusina. Hindi ako sumagot.At bakit hindi?!
Okay lang naman na ako. Medyo mabigat ang pakiramdam ko pero kaya ko pa namang pumasok.
"Wait lang Bri ha. Malapit na itong maluto- oh! Hi Bryan!" alanganing bati ni Shane sa kanya. Binigyan niya ako ng makahulugang tingin kaya inirapan ko lang.
He placed the fruits to the center of the table while I settled down. I placed my elbow on the table and rested my jaw on my knuckles, waiting for Shane to finish cooking.
"Hi people!" my thoughts suddenly disrupted when Vince's voice suddenly joined the kitchen. Natigilan pa ito nang mamataan si Bryan sa counter na walang pakialam sa paligid maliban sa pagtitig sa gawi ko. Lumipad ang tingin ni Vince sa akin at pinagtaasan ako ng kilay, nagtatanong sa presensiya ni Bryan.
"Anong ginagawa mo dito?!" akmang papaluin siya ni Shane ng sandok ngunit pinigilan niya ang kamay nito.
"Wag yan, madumi! Gusto mo bang nakahubad akong pumasok sa opisina?!" inirapan lang siya ni Shane at bumalik sa pagluluto. Napangiti ako sa kakulitan nila.
Aksidente akong napatingin kay Bryan na mariin ang tingin sa akin. Napalingon ulit ako kay Vince nang umupo ito sa tabi ko.
"Bri may sinabi ba sayo si Aries?"
Napakunot nuo ako at nag isip kong may sinabi sa akin si Aries. "Parang wala naman, bakit?"
"Mukhang problemado e, kausapin mo nga.. Wait lang dito lang ako sa kabila, baka may lilipad na kutsilyo!" natatawang bulong niya bago lumipat sa kabila, malayo sa akin.
Hindi ko naman naiintidihan ang ibig niyang sabihin.
"I'll try to talk to him, baka busy lang" ilang araw na nga ring hindi niya ako hinahatid sa kompanya. Nagrereply naman sa mga text ko kaya hindi ko naisip na may problema siya.
Sila naman kasi ni Vince ang laging magkasama recently dahil sa business nila.
"Let's eat!" sigaw ni Shane. Tumayo ako para tulungan siya. Kumuha ako ng baso sa gilid ni Bryan kaya halos magdikit na ang siko namin.
"Kakain na"
"Are you sure you're able to work today?" marahang tanong niya. Sinimangutan ko siya at tumalikod. Paulit ulit e!
Sumunod rin siyang umupo sa tabing upuan ko. Vince started to strike a conversation to him, medyo awkward nga lang sa una. Inabot ni Bryan ang kanin at sinandukan ang plato namin ganun rin ang ulam na niluto Shane. Panay naman ang sipa ni Shane sa akin sa ilalim ng lamesa at ngingisihan ako. Hindi siya naniniwala noong sinabi ko sa kanya na walang namamagitan sa amin ni Bryan kaya hinayaan ko nalang siya.
"Wag yan!" She stopped Bryan from putting a garlic buttered shrimp on my plate. Abala rin ako sa pagtitig ng masama kay Shane kaya hindi ko napansin ang nilalagay ni Bryan sa plato ko.
"Huh?"
"Ayaw niya ng amoy niyan e" nakasimangot na tugon ni Shane, halata parin ang pagtatampo.
Tiningnan naman ako ni Bryan nang nagtatanong, umiling lang ako at pinipigilang huminga hanggang sa nilayo na ito sa akin. Tolerable naman na yung amoy niya kumpara kanina na amoy na amoy ko talaga yung bawang, pero parang ayoko talagang kainin.

ESTÁS LEYENDO
ML Story (iM eLove)
Historia CortaIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...