69

47 34 2
                                        


Sa ilang oras naming paghahanap ni Shane ay sa wakas nakahanap rin kami. Yon nga lang ay may kalayuan sa NZAJ, two bedrooms studio type unit ang napili ko. I didn't fully paid it but atleast it's less heavier now, I also need to save for my baby.




We went to the mall after to eat our lunch and did shopping. Be both giggled when we made our way to the baby section and checked some cute baby stuff. We looked at each other, probably sharing the same thoughts.



Anica will give birth next month, I don't know what exactly happened but I guess Aries and her were getting along now, I wish so. Last night we talked to Anica through video call, Aries went to Italy after we got discharged from the hospital.




Puro iyakan at pangangamusta ang tagpo namin kagabi, but at the same time we felt happy and complete as a squad last night. We added Vince, who's currently in Singapore.




They still have to confirm to Anica's doctor if she'll be fit to travel on long distance flight in her pregnancy.




"My Ghad! Ako talaga yung naeexcite sa mga baby niyo!" nanggigigil na saad ni Shane sa akin. She's holding a cute pink dress.



"Ikaw? Kailan ka?" biro ko sa kanya.



"Ewan ko, baog yata yong isang yon e" natatawa niyang saad. "I don't think he's ready, wala naman yata sa isip niyang magsettle down" nahimigan ko ang lungkot sa boses niya kahit tinatago niya ito sa likod ng ngiti niya.



I tapped her shoulder. "Malay mo naman, hindi niya lang pinapakita pero may plano naman siya para sa inyong dalawa"




"Ewan, nasa point kasi siya ngayon ng buhay niya that he's living a life the way he wanted way back when we were still in college. He's still enjoying his life right now, and I can't just cut it off because I wanted this or that." she exhaled deeply.



Shane may have tough and strong personality but fragile deep inside. She may be rich, spoiled, loud, wild and people were expecting her to be ambitious and haughty but she always wanted a simple life with her love ones. Ang alam ko dati pa ay gusto niya ng magkaanak kasi mag isa lang siyang anak at palaging wala ang magulang niya.



"Darating ang araw na sasagi rin sa isip niya na kailangan niya ng magkapamilya" I tried to console her. She smiled bitterly.



"Sana sa akin parin o nandoon parin ako" bulong niya.



Bumalik ang sigla niya nang kumain kami sa paborito niyang restaurant. Hindi na rin kami nag uusap tungkol sa lovelife niya. We did groceries too.




"Kailan ka lilipat? Mag isa nalang talaga akong gagawa nito" nakangusong saad niya habang tulak tulak ang cart namin.



"Hindi pa naman siguro agad agad. I still have to buy furniture and stuffs for my unit. Hindi mo pa naman ako papalayasin diba?" biro ko.



"Kahit doon kayo nina Bryan at nang magiging anak niyo tumira okay lang. Isama mo na rin si Anica, Aries at ang magiging baby nila pag uwi para masaya" pagsakay niya sa biro ko.



Bigla akong natahimik pagbanggit niya kay Bryan. Supposedly, he'll going fetch me today, I don't know what time though. Nanlaki ang mata ko ng maalala ito, baka sinundo nga niya ako! Hindi niya kasi alam na nandito na ako sa Manila.




I fished out my phone on my sling bag and opened it. Nakasilent parin ito mula kagabi at tumambad sa akin ang maraming missed call and text messages. He's last missed calls was 5 minutes ago. I opened his text messages.



ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now