82

39 23 8
                                        


Naguguluhan akong napatingin ng deretso kay Bryan. Hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya.




N-nephew?!




Hinanda ko ang sarili kong sabihin niyang anak niya Ethan pero hindi ko napaghandaan ang binigay niyang impormasyon.



"W-what did-you j-just say?" tila hangin nalang ang lumalabas sa bibig ko.



"Ethan is your Brother's child" pagkaklaro ni Bryan.




Tila nawalan ako ng lakas. Napatukod ako ng kamay ko sa mesa. Akmang aalalayan ako ni Bryan pero tinaas ko ang kamay ko upang pigilin siya.




Tiningnan ko si Sheena na nakayuko lang. "D-Did my b-brother knows about...h-him?" nahihirapan kong tanong.



Umiling si Sheena at umangat ng tingin sa akin. "P-Please, don't tell him yet" she pleaded. Tumulo ang luha niya.



"B-bakit? Wala kayong balak sabihin?!" palipat lipat ang tingin ko sa kanila ni Bryan.



Hindi ko alam kung anong nangyari pero unfair naman yatang itago nila ang kay Kuya ang anak niya.



"Baby, let them handle it" masuyong saad ni Bryan. I glared at him.



"Them?! Ni hindi nga alam ni Kuya yung existence ni Ethan e!" galit kong singhal kay Bryan




"Calm down, Bri. May bata." mahinahon niyang saad. Nakita kong niyakap ni Sheena ang tahimik na si Ethan.




"Y-You're so...u-unfair" nanghihinang bulong ko. Naiiyak na rin ako. Buti nalang at medyo malayo kami sa ibang customer. Hindi nila napapansin ang tensyon sa amin.



"Unfair?! You don't know what they've been through, Brianna!" galit niyang sagot. Nakayuko akong umiling iling.



"Bryan!" Sheena stopped him. "I'm planning to tell him, Brianna. J-Just give me some time."



Hindi ako sumagot. Hindi rin ako nagprotesta ng alalayan ako ni Bryan paapo. Hinila niya ang upuan niya palapit sa akin at niyakap ako. Nakatingin lang ako kay Ethan na nakayakap sa Mommy niya.



Bryan planted a soft kiss on my temple. "Sorry for raising my voice towards you" malambing niya bulong. "Please, intindihin mo rin sana si Sheena. She won't hide their son for a shallow reason. I witnessed how miserable she was. Let's give her the time she's asking. Gusto ko rin namang makilala ni Ethan yong ama niya. He deserves to have a complete family. I know where you coming from, he's your Brother. Pero wag nating biglain si Ethan. Let's take it slow for him to cope up everything. Okay?" he whispered in my ear.



Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga. Dahan dahan akong tumango.



"Thank you" masuyo niyang hinalikan ang pisngi ko. We all took our time to calm down.



"C-Can I h-hug him?" wala sa sarili kong tanong.



Parehong napatingin si Sheena at Bryan sa akin. Tumango si Sheena at hinaplos ang buhok ni Ethan at binulungan. She kissed his cheek and she let him face me.



Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Ethan. Nakayuko siya kaya dahan dahan akong lumuhod sa harap niya para magpantay ang mukha namin. I gently held his chin up.



"C-Can I hug you  s-sweetheart?" naluluha kong tanong. Nang tumango siya ay wala akong sinayang na oras at niyakap siya. Kusang tumulo ang mga luha ko. Ramdam ko sa Kuya sa kanya.




ML Story (iM eLove)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora