Napagpasyahan naming kumain sa labas bago umuwi sa apartment. Doon siya ulit matutulog. Nagdala rin siya ng damit niya para bukas.Naligo muna ako bago bumalik sa sala bitbit ang mga libro na kailangan kong pag aralan. Nakaupo si Bryan sa sofa kaharap ang laptop na niya, busy siya sa pagtitipa kayat hindi niya naramdaman ang paglapit ko.
"Work?" I sat on his side to peeked on his screen.
"Yeah" he tilted his head to face me and gave me a peck on my cheek.
Binalik niya ang tingin sa laptop at nagpatuloy sa ginagawa. I moved to side of the sofa and lean my back to the armrest, facing his side. I curled my knees beside him but he moved my feet to his lap and gently touched them. I smiled at his little gesture.
"Hindi ka pa ba matutulog?" napahinto ako sa paghighlight at napatingin sa kanya. Umayos ako ng upo at binaba ang mga paa ko. Tapos na rin naman ako sa pag aaral at konting review nalang.
"Ikaw?" napatingin siya saglit sa laptop niya.
"Irereview ko lang to saglit. Tapos ka na mag aral?" tumango ako at lumapit sa kanya para silipin ang laptop niya.
Inakbayan niya ako at hinilig ang ulo ko sa balikat niya. Napahikab ako. It's already ten in the evening.
"Mauna ka na sa taas, I'll just finish this" malambing niyang hanagod ang braso ko.
"I'll wait for you, hindi pa naman ako masyadong inaantok"
"Alright, bibilisan ko lang" nasa ganoong posisyon kami ng ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang paglapag ko sa malambot na kama mula sa pagkakahawak ng dalawang braso. Lumapit si Bryan pabalik sa pinto upang patayin ang switch ng ilaw. Tangin liwanag mula sa lampshade ang nagsisilbing ilaw sa buong kwarto. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa kanina.
Bumalik siya sa tabi ko at nahiga. Inayos niya ang kumot namin bago ako pinaunan sa braso niya.
"Did I woke you up?" he combed my hair gently using his fingers.
Hindi ako sumagot at yumakap na rin sa kanya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at kinintalan siya ng halik sa baba. Gusto ko siyang halikan sa labi gaya ng ginawa niya sa akin kanina, gusto kong maramdaman muli ang napakagaang pakiramdam na naramdaman ko kanina na para akong dinuduyan nang lumapat ang mga labi nito sa akin. Pero hindi ko alam kung paanu, I didn't even know if I responded correctly.
Namumula kong iniwas ang tingin ko sa kanya ng maalala ko ang paghalikan namin sa condo niya.
He smiled at me and gently pinched my cheek. "Cute" he commented.
I hid my face on his chest. Inurong niya ang katawan niya at itinaas ang baba ko. Nakangiti ito sa akin. Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin at inilapat ang mga labi namin.
I felt the familiar feeling he introduced to me awhile ago when his lips are being pressed to mine, It's deep and I couldn't name it. My heart could recognized it but my mind can't formulate an exact word to describe it.
I'm so inlove with this guy.
"You don't have to be shy about it" he huskily said. Tumango ako at ipinikit ang mga mata sa paglapat ulit ng mga labi namin. He kissed me passionately like a feather touching softly on my skin. Napahigpit ang yakap ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...