Akmang huhubarin ko na ang aking tuwalya para maligo nang bumakas ang pinto nang banyo."Bryan!!!" sigaw ko sa kanya, pero para lang itong walang narinig at tumungo sa lababo para kumaha ng toothbrush at toothpaste.
"Ano?" maang niyang tanong, tiningnan ko siya ng masama.
"Maliligo ako" I sarcastically stated.
"Okay! Ligo well." he said nonchalantly. Argh!
"Labas!" I glared at him. Sinalubong niya ang tingin ko sa salamin.
"May shower room Bri, at tsaka.." pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko. "Nakita ko na lahat yan"
Napangisi ito. Wala talagang balak lumabas ang lalaking to! Padabog akong nagmartsa papasok sa shower.
"Careful!" narinig kong sigaw niya.
"GALIT KA PARIN BA?" masuyo niyang tanong, pareho na kaming nakahiga sa kama. Kinuha ko ang kamay niyang nakadantay sa tiyan ko at tumalikod.
"I-I don't know if I'm in the position to tell you anything without dragging someone's past and secret." he whispered that caught my attention. Napahiga ako at nilingon siya. Mukha namang nadulas lang siya sa sinabi kaya naging mailap ang mata niya.
"What secret?" I curiously asked.
"W-Wala, matulog ka na" he kissed my temple and closed his eyes.
"Bryan! What secret? Sinong someone? Siya ba ang dahilan kung kaya magkagalit kayo ni Kuya?!" humarap ako sa kanya at niyugyog ang braso niya. I felt like I need to know something.
Niyakap niya ako palapit sa kanya. "Bri please, we're both tired. I'm sleepy, magdadrive pa ako bukas pabalik ng Manila" he pleaded but I can't just calm down. Para kasing ang dami niyang tinatago sa akin.
"Fine! Don't touch me!"
"Brianna!" mukhang naiinis na rin siya, napatigil rin ako kaya lumambot ang ekspresyon niya. "Sorry, si Baby nalang yayakapin ko" he caressed my tummy.
Napabaling ako sa kabila at pasimpleng pinunasan ang luha sa gilid ng mata.
"Give me time to sort things out, I'm not just going to explain to you but I'll open up the things and people that I've been protecting for so long. Please understand and trust me with this, baby" he almost begged. Pilit niya akong pinapaharap sa kanya. And when he finally did, he wiped my tears and planted a soft kisses on my face.
Kinabukasan ay maaga siyang bumangon para mag ayos, tinawagan siya kahapon ni Sir Timothy na may urgent meeting. Ewan ko kung anong inirason niya kung bakit siya absent ng dalawang araw. Kahit tinatamad ako ay napipilitan parin akong tumayo para ihatid siya sa labas. Pormal siyang nagpaalam kay Mama at Papa.
"Mag ingat ka Hijo" paalam rin ni Mama sa kanya.
"Salamat po" tumango lang si Papa sa kanya.
Bumaling naman siya sa akin at malungkot na ngumiti. Yapak ko ang sarili ko dahil sa malamig na pang umagang hangin. He held both of my arms and looked into my eyes.
"I'll fetch you on sunday okay?" he held me closer and hugged me. "Take care of yourself while I'm not around." he whispered and swayed me a little.

ESTÁS LEYENDO
ML Story (iM eLove)
Historia CortaIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...