He laughed at himself. "And what do you think about us? Fuck buddy? Hook up? Ang galing naman pala at nakabuo tayo!" sarkatiko niyang turan. Hindi ako umimik."Baka pati pagkabuo ng anak natin pinagsisihan mo?" nang uuyam niyang tanong.
Of course not! Kahit minsan hindi ko pinagsisihan na nabuo ang pinagbubuntis ko.
"B-Bryan-" dumukwang siya palapit sa akin at hinalikan ako sa labi.
"Let's talk when we both cool and calm. I love you" dumukwang rin siya para halikan ang tiyan ko. "And you also"
Nauna siyang lumabas sa kotse. Halo halong emosyon ang lumukob sa akin pag alis niya. Hindi ko na alam kong ako ba yong tama o ako yong mali. Aaminin kong pinagsisihan ko ang sinabi ko kay Bryan kanina.
I was so sure I had a valid reason to feel this way earlier but after I saw his eyes filled with emotions, I felt wrong.
Nag iba ang ihip ng hangin sa loob ng opisina. My presence becomes visible to whole room. They treated me well. Even Ruby, Ms. Andrade and my other colleagues who thought they wronged me, apologized. Yung iba alam ko namang napipilitan lang na maging mabait. I didn't gave much of my time to that. Hindi naman sa nagmamalaki ako pero alam kong ginagawa lang rin nila ito dahil konektado ako kay Bryan.
And I'm still bothered of our fight earlier. Ni hindi ko nga magawang makapagfocus sa ginagawa ko. Hinihila ang utak ko sa sitwasyon namin. Tinanong niya lang ako kanina kong ano ang gusto kong kainin. Nang sinabi kong wala ay hindi na rin siya nagreply.
HANGGANG UMUWI kami sa condo niya ay wala kaming imikan. Naghintay akong kausapin niya akk bago matulog pero paglabas niya ng banyo ay kumuha siya ng unan sa tabi ko na ipinagtataka ko.
"I'll be sleeping in the other room" saad niya na hindi tumitingin sa akin.
"B-Bakit?"
"Because I am not your boyfriend? It's not proper to sleep together" parang walang pakialam na eksplenasyon niya. Nakatutok ang mata niya sa telepono niya habang nagtatype.
"You're so lame!" inis kong singhal sa kanya.
Umangat ang tingin niya sa akin. "We both need this." seryoso niyang saad.
"Paano kapag...kapag sumakit yong tiyan ko?!" tarantang tanong ko sa kanya.
"Call me"
"Kung magkacramps ako? Do you think I can move to get my phone or even shout at you?!"
"Fine! I'll sleep here"
Binalik niya ang unan sa kama bago pinatay ang mga ilaw. Nasa kabilang dulo siya ng kama habang nakatalikod sa akin. Tumalikod rin ako sa gawi niya at hinaplos ang medyo naninigas kong tiyan.
"It's okay baby, Si mommy nalang muna yayakap sayo tonight" bulong kong kausap sa tiyan ko.
KINABUKASAN AY maaga akong ginising ng morning sickness ko. Tumakbo ako sa banyo at sumuka ng sumuka. Nagtataka ako dahil halos hindi ko na naranasan ang morning sickness sa halos ilang linggo, ngayon lang ulit. Umagos ang luha ko dahil sa tindi ng pagsusuka at sakit ng sikmura at tiyan ko dahil sa pwersang hinuhugot ko. Halos yakapin ko na rin ang toilet bowl habang nakaluhod sa harap nito.
"Brianna!" rinig kong tawag sa akin ni Bryan.
I sobbed and vomited again. Hapong hapo at hinang hina na rin ako. Ito yong ayaw ko tuwing inaatake ako ng morning sickness ko.

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...