1

136 70 20
                                        

"Mag aaral ba tayo o mag iML kayo?" tiniklop ko ang libro at tinignan ng masama isa isa ang mga kaibigan ko na busy na naman sa kakapondot ng phone nila.

As usual, they were playing mobile legends again while in the middle of our group study. Mag pafinal exam na kami kaya kailangan naming magsunog ng kilay pero parang ako lang naman yung nagseseryoso dito. Ang mga kaibigan ko kasi ayon gigil na gigil sa kalaban nila sa ML.

"One game lang Bri, wait lang patapos na" sagot ni Shane na hindi nakatingin sa akin.

"Fuck" mura ni Vince. Nasa apartment kami Shane ngayon kaya okay lang kahit mag ingay kami. Actually, kanina pa sila nagmumura. At kanina pa rin ako naiirita dahil hindi rin naman ako makapagconcentrate sa ingay nila.

Nasa sala kami, nakasalampak sa sahig at pinapalibutan ang center table at ang mga gamit namin ay nakakalat sa sahig at lamesa pati narin sa sofa. Padabog akong tumayo.

"Uuwi na ako, kala ko pa naman group study, sayang oras" inabot ko ang bag ko na nakapatong sa sofa. Pinigilan ako ni Aries at hinila paupo.

"Hindi na, mag aaral na tayo" tinignan niya ang tatlo na patuloy sa ginagawa. "Hayaan mo sila, tayo nalang patapos na rin yan"

"Hindi na, busy kayo eh, tapusin niyo na yan, next time nalang pag ready na tayong lahat" seryosong sabi ko. Akmang tatayo na naman ako pero pinigilan ako ng tatlo. Wala na rin silang hawak na cellphone.

"Ready na kami" Nakangiting sabi ni Shane.

"Sorry na Bri, hindi na kami maglalaro buong araw" dagdag ni Anica.

'Sabing tuturuan nalang kitang maglaro eh para hindi ka na kj" bulong ni Vince pero abot parin ng pandinig ko kaya hinampas ko siya ng ballpen na hawak ko.

"Idadamay mo pa ako diyan sa paglalaro niyo"

"Aray! Edi wag, madali naman akong kausap eh, hindi na kailangan manakit, oy" kinuha niya ang libro at ginamit na panangga. Tumatawa lang ang tatlo at tinulungan akong bugbugin si Vince.

"Seryoso na nga, magpafinal na sa monday, antayin niyo yung summer break, dun kahit kayo na mismo yung lumaban diyan sa ML niyo, total halos magkamatayan naman kayo diyan" sabi ko nalang.



Nag aral kami buong araw gaya ng pangako nila. Hindi kami sobrang matatalinong magkakaibigan pero mas lalong hindi kami mahina ang utak. Oo gamer sila pero hindi sila gaya ng ibang yung laging tambay sa computer shop na walang masyadong alam kundi magmura at magyabang.

Actually, dean's lister kaming lima. Kaya siguro kami naging click sa isa't isa dahil alam naming totoo kami at hindi lang ginagamit ang isa't isa. We were friends since first year college. Hindi man kami gaanu katagal na magkakilala pero ang lalim na ng pinagsamahan namin.

We build a strong foundation in this friendship, we trust, respect, understand and lean on each other. That's what's more important. Magkaiba man kami ng pinanggalingan at pag uugali, pinili naming manatili sa tabi ng isa't isa.

We didn't talked much about our friendship or showed it on the social media but I know it's the purest one.



Natapos ang linggo na para kaming lantang gulay, panu ba naman, Final exam namin kaya kailangan naming magseryoso, halos hindi narin kami nagpapansinan. Hindi narin sila naglalaro ng ML.

Lagi kaming puyat dahil late na kaming natutulog at maaga ang exam kinabukasan. But in the end, it's all worth it. Lahat ng pagod at sakripisyo, nasuklian. Kakakuha lang namin ng results namin at lahat kami ay nanatiling dean's lister kaya masayang masaya kami sa panibagong blessing para sa amin.

Napagdesisyonan naming mag night out para narin icelebrate ang pagiging dean's lister namin ulit. At huling araw ng klase kaya inilaan na namin sa isa't isa dahil almost 3 months din ang summer break bago magpasukan ulit.

"Mamimiss ko kayo" nakangusong sabi ni Shane.

"sus parang hindi tayo magkikita niyan, arte" pambabara ni Vince sa kanya.

"Si Bri kasi uuwi sa probinsya nila" Sabi ni Anica sabay inom ng hawak niyang alak. Kanina pa kami umiinom kaya alam kong may tama na tong dalawa kaya nagdadrama.

"Ikaw rin naman aalis ah, diba paAustalia?" singit ni Aries sa usapan. Nasa Australia kasi nagtatrabaho ang Mommy ni Anica at pinapabakasyon siya don.

"Next month pa naman yun ah"

"Pero aalis ka parin" bulong ni Aries.

"Ikaw Vince, anong gagawin mo sa summer break?" tanong ni Shane.

"Ahm, plano ko sanang ikutin buong panay at central visayas this time, reward narin sa sarili ko. Bakit sama ka?" nakangising tanong niya.

"Libre mo ko?" tinaasan niya ito ng kilay.

"Aba hoy, mas mayaman ka kaysa sa akin, ako sana ilibre mo" parinig ni Vince.

"Wag na nga lang. Kanya kanya nalang tayo. At anong mas mayaman? wala akong yaman, sa magulang ko yon" nakalabing sabi niya. "Anyways, basta imessage mo ako kung saan ka pupunta para masabi ko kong sasama ako, baka kasi napuntahan na namin yung pupuntahan mo"

"Then make another memories with me"



We spent the night partying. Sumayaw sa dance floor, uminom, magpakabaliw. We may be active in school but we always make sure to balance it with an active social life and outside activities like night outs and outings.

Nanatili kami sandali sa parking to sober up. Medyo nasa dulo kami kaya hindi na gaanu maririnig ang ingay sa pwesto namin. Nakaupo kaming tatlo sa gutter. Si Vince nakaupo sa hood ng kotse niya at nakasandal naman dito si Aries.


Alauna na ng madaling araw at napagpasyahan na naming umuwi. Sumakay kami ni Anica sa kotse ni Aries dahil siya ang maghahatid sa amin. Nasa parehong daan naman si Shane at Vince kaya sabay na sila.

Nauna akong naihatid kaya nagpasalamat at nagpaalam na ako sa kanila bago bumaba. Binuksan ko ang pinto ng apartment ko. Kahit nahihilo ay chineck ko parin ang mga gamit ko na dadalhin pauwi sa probinsya bukas. Kompleto na rin naman lahat kaya nagshower na ako at nahiga sa kami.

Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock ko. Panibagong araw na naman at ngayong araw ang simula ng summer break.

-----------------------------------------------------------------
🖋

ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now