"I-I just gave report to M-Mr. Javier...I'm going" nakayuko kong paalam sa kanila. Hindi ko alam kong anong itsura ko ngayon. Pasimple kong pinahiran ang tuyong luha sa pisngi ko at walang lingong lumabas sa opisina ni Sir Timothy. Hindi ko matingnan ng deretso si Sheena. Nahihiya ako.Hindi ako sigurado kung tinawag ako ni Bryan pagkasarado ko ng pinto. Hindi na rin ako lumingon at tinakbo ang pagitan ng elevator. Para akong nakalutang pagbalik ko sa cubicle ko.
If this is the consequences of my stupidity, I should face it.
Kinabukasan ay mabigat ang pakiramdan ko pero pinilit ko paring pumasok.
"Good morning..Okay ka lang Bri? Namumutla ka" nag aalalang mukha ni Shane ang bumungad sa akin pagkababa ko sa kusina.
"Okay lang ako Shane. Good morning!" pilit kong pinasigla ang boses ko. She offered me a sandwich that she made and make another one for her.
"Sure ka? Wag ka na kaya munang magtrabaho. Mukhang isang batok lang sayo matutumba ka na?" natatawa niyang komento pero hindi parin maalis ang pag alala sa mukha niya. I smiled at her.
"Dependi sa lakas ng pagkabatok Shane, kung sayo galing panigurado" pagsakay ko sa kalokohan niya. "Okay lang ako, kulang lang sa tulog"
"Ikaw bahala, pero tawagan mo ako mamaya kung hindi mo na kaya susuduin kita. Dadaanan ka ba ni Aries ngayon?"
I took a bit my sandwich and nodded my head. Tinawagan ako ni Aries kagabi na siya yung maghahatid sa akin sa kompanya. Nahihiya na nga ako sa kanila ni Shane, they alternately drove me to my work.
"You look pale. Are you okay?" palingon lingon si Aries sa akin habang nagmamaneho. I looked at my face in my compact mirror to checked my it.
Mukhang okay naman kanina pagcheck ko sa salamin. I put some lipstick and also put small amount on my cheeks too. Natawa naman si Aries sa ginawa ko kaya napanguso ako.
"Ang galing pwedi pala yan ilagay sa cheeks kala ko sa lips lang yan nilalagay kaya lipstick?" He innocently asked.
"Gusto mo itry?" inabot ko sa kanya ang nakasarado ko ng lipstick, inalapit lapit ko pa ito sa mukha niya. Bahagya naman siyang lumayo at napangiwi. Natawa ako sa reaction niya.
"Stop it B... Nagdadrive ako!" kunwaring singhal niya sa akin pero nangingiti na rin. Itinigil ko na ang pangungulit sakanya dahil baka mabangga pa kami.
Lumabas ako pagkaparada ni Aries sa harap ng NZAJ. Binuksan ni Aries ang pinto niya at lumabas na rin ngunit naroon lang siya sa tabi ng pinto habang hawak ito.
"Sasamahan pa ba kita?!" sigaw niya dahil nakatayo na ako sa harap ng pinto papasok sa kompanya.
Saktong may dumaang itim na sasakyan at pumarada sa harap ng sasakyan ni Aries. Nataranta pa ako ng bumukas ang pinto at iniluwa noon si Bryan.
"Hindi na! Bye..Drive Safely!" sigaw ko sa kanya pabalik at kumaway.
"I will! See you later, I'll pick you up!" he winked at me. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtigil ni Bryan at bahagyang paglingon sa dereksyon ni Aries bago lumipat ang madilim na tingin nito sa akin.
Hindi ko alam kong hihintayin ko pa ba ang pag alis ng kotse ni Aries o tatakbo na papasok dahil papalapit na si Bryan sa entrance na malapit sa kinatatayuan ko.

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...