13

89 57 14
                                        


"Sinabi mo ba don sa mga babae na girlfriend mo ako?" tanong ko sa kanya, nakapila ako upang magbayad sa counter.



"hmm" sagot niya ng hindi lumilingon, busy siya sa pagpili ng sign pen at sinusubukan sa papel.



"Bakit? Di naman ah"


"Yaan mo na, ayokong mag explain.. Oh pasabay nalang nito" inabot niya sa akin ang napili niyang signpen.



At nang kami na ang magbabayad, nauna siyang mag abot ng pera pero pinigilan ko siya.



"ako na" sabi ko sakanya at inabot ang bayad ko.



"di, ako na" awat niya sa akin.



"isa, iiwan kita dito!" pagbabanta ko sa kanya.


"Fine" nginitian ko ang cashier na naghihintay matapos ang pagdedebate namin ni Bryan. Pagkatapos namin ay naglibot kami sa mall.



"Pinagtitinginan tayo, ang swerte mo daw sa kasama mo" bulong ni Bryan sa akin na natatawa.



"Hindi, kala siguro nila kinidnap mo ako at pinwersang sumama sayo.. Mukha ka ka ring tiyuhin" pambabara ko sa kanya.



"Pero hindi naman, kusa kang sumama, walang pilitang naganap" proud niyang sabi. Wala raw, pero may pambablackmail at drama. Nauna akong maglakad sa kanya. Inaasar niya parin ako.



"Takot mo lang na hindi na ako makausap"  patuloy na pang aasar niya sa akin, nilingon ko siya at pinagsingkitan ng mata.



"Talaga? Eh sino ba tong hindi ako matiis ng di nakakausap sa loob ng dalawang araw?" nakahalukipkip kong tanong sa kanya. The side of my lip curved when he looked away. Guilty.



Kumain kami sa Italian restaurant bandang alas tres ng hapon. Pagkatapos ay lumabas kami ng mall at tumungo sa malapit na park. Mainit na rin ang panahon kaya marami na rin ang mga batang naglalaro at matatandang tumatambay dito.



Umupo ako sa bench, sumunod din siya sa akin. Tiningnan ko ang magbabarkadang naggigitara at nagkakantahan na nakaupo sa bermuda grass. Ang saya nila tingnan. Parang kaming magkakabarkada. Marami rin ang kaedad naming tumatambay dito.



Pinagpapawisan ako dahil sa suot ko. Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang kamay ko at hinawakan ang jacket ko para ayusin. Nilingon ako ni Bryan na may kausap sa phone niya.


"Wag na wag kang magkakamaling tanggalin yan Bri" pagbabanta niya. Napakunot ang nuo ko, ano bang pinagsasabi nito.



Bumaba ang tingin niya sa jacket ko na hawak ko kaya alam kong ito ang tinutukoy niya. Inaayos ko lang naman. Ang arte. Anu naman ngayon kung tatanggalin ko nga. Ang init.



Napansin niya siguro na naiinitan ako. Kinuha niya ang kamay ko at hinila patayo. Ibinalik niya ang phone niya sa tenga niya.  Bumaba ang tingin ko sa kamay kung hawak niya.



Nilingon niya ako at napansin niyang nakatingin ako sa kamay namin kaya binitawan niya ito at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bench sa ilalim ng puno. Malapit din ito sa Lagoon na may maraming isda.




Inabala ko ang sarili ko na pinagmamasdan ang mga isda habang hindi pa tapos si Bryan sa phone niya.



"May pasok na kayo bukas" nalingon ko siya na nakatingin na rin pala sa mga isda, wala na rin siya kausap sa phone niya.



"O anu naman?" tumango ako.



"Wala, sinasabi ko lang"




"Bwesit ka! Wag kang sumunod sa akin, Magsama kayo ng ML mo, sana yan nalang ginawa mong girlfriend!" pareho kaming napatangin sa babaeng dumaan sa harap namin, galit na galit.



"Jen, wag naman ganito oh, minsan na nga lang akong naglalaro eh" nabaling ang tingin namin sa lalaking humahabol sa kanya. Pinigilan niya ito sa braso ng maabutan.



"Minsan? Gaanu ba kadalas yung minsan na yan? Para sabihin ko sayo minsan lang rin naman tayong nagkikita!" Para kaming nanunuod ng drama sa harap kaya kinalabit ko si Bryan para tumingin sa akin.



Baka akalain ng magboyfriend nakikichismis kami sa away nila. Napakunot ang nuo ni Bryan ng lumingon sa akin, Aba! Nag eenjoy ata sa panunuod.


"Wag mo silang tingnan" bulong ko sa kanya.



"Bakit?" clueless niyang tanong..



"Away nila yan, kailangan nila ng privacy"



"Kasalanan ko bang dito nilang pinili na mag away sa harap at anong privacy? Kahit hindi ako tumingin dinig na dinig parin boses nila, magsigawan ba naman." reklamo nito.



"Ang kulit mo, sumunod ka nalang" tiningnan ko siya ng masama bago pa siya makapag react.



"Oo na, patapos na eh, maghihiwalay na" bulong nito. "Saan ba ako titingin?" tanong niya. Ang awkward naman kasi ng sitwasyon namin. May magkasintahang nag aaway sa harap tapos hindi rin kami magkasintahan para maglambingan.



"Ang mabuti pa, maghiwalay na tayo!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ng babae.



"Parang ML lang, bibitawan mo ang ilang taon na nating relasyon? Ganun kababaw yung pagmamahal mo sa akin Jen?"



"Yun na nga eh, ML lang yan, pero bakit parang mas nilalaanan mo pa yan ng oras kaysa sa akin, minsan hindi mo pa sinasagot mga tawag ko." napaiyak na yung babae.



"Jen, Kaya kong igive up yung larong yan kung yan lang ikinagagalit mo, hindi kita ipagpapalit diyan" pagsusumamo ng lalaki. Umiling ang babae at pinunasan ang luha.



"Sana nga Kyle, pero pagod na ako... Please ayoko na, pagod na akong magmakaawa at maghintay ng tira tirang oras mo" malumanay na pagsusumamo nang babae habang nakayuko.



Alam kong hindi lang dahil sa ML yung pinanghuhugutan ng conflict nila kundi mas may malalim pang dahilan. Siguro oras, ewan.



Tumayo si Bryan sa harap ko para tabunan ang magkasintahan sa harap. Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko kaya napakunot ang nuo ko ng tiningala siya.



"Let's go"



Tinanggap ko ang kamay niya, nilingon ko muna ang magkasintahan bago naglakad paalis. Nakita kong niyakap ng lalaki ang babae habang pareho silang umiiyak.



"I'm sorry babe, bibitawan muna kita sa ngayon, but I promise to fix myself first bago kita hahanapin muli, na sa susunod nating pagkikita maipagmamalaki mo na ako, I love you so much" sincere na sabi nang lalaki, tumango ang babae.



Yun ang huling tagpo bago hinarang ni Bryan ang katawan niya at inakay ako paalis.



Ganito pala kalungkot makasaksi ng break up,  pero sana hindi pa ito ang ending ng love story nila gaya ng pangako ng lalaki. Hindi ko sila kilala pero nakikita kong mahal nila ang isa't isa.



Paanu kaya kung saakin mangyari yun? Hindi ko ata kakayanin ang sakit. Sana hindi ko yun maranasan.



Napatingin ako sa kamay kamay ko at sa lalaking may hawak nito.



Sana.



-----------------------------------------------------------------🖋

ML Story (iM eLove)Where stories live. Discover now