Ilang buwan na ang lumipas at mas naging malapit na ang loob namin ni Bryan. We never talked about us but we are both happy.
Hindi parin naman ako handang pumasok sa isang relationship dahil hindi ko pa ata kayang iharap sa pamilya ko, lalong lalo na kay kuya, masyadong overprotective yun.
Si Mama naman advance mag isip nun, she's very traditional. Baka ipakasal na ako nun kay Bryan pag malaman niya. Laking probinsya kasi siya kaya ganun.
Si Papa naman, paniguradong iiyak yun at magdadrama. Pero kahit ganun sila, mahal na mahal ko sila.
Midterm na namin next week kaya nagsusunog na naman kami ng kilay. Minsan naggugroup study kami ng mga kaibigan ko pero minsan kailangan naming maghiwa hiwalay para iwas sa distractions.
Pag tinatamad na kasi silang mag aral, naglalaro sila ng ML at kinukulit nila ako para idamay sa katamaran nila. Minsan naisip ko nang iuninstall yun ML app ko.
Ilang weeks na rin kaming hindi nagkikita ni Bryan dahil pareho kaming busy, ako sa pag aaral, siya sa pagtatrabaho at pagtulong sa negosyo ng pamilya niya.
Wala siyang kapatid kaya siya yung inaasahang mamahala ng negosyo nila. Nung isang araw niya lang sinabi sa akin na may negosyo sila dahil nagpaalam siyang pupuntang Cebu kasama ang Daddy niya para sa business trip.
Hindi ko akalain na anak mayaman din pala si Bryan, hindi kasi halata sa kilos niya. Napakahumble at carefree niya. Yung totropahin ng kahit sino ng hindi naiilang.
Napapansin ko ring friendly siya, minsan kasi tuwing lalabas kami biglang may magbabati o tatawagin yung pangalan niya. Babatiin niya rin ito pabalik kahit hindi naman familiar sa kanya o hindi niya alam ang pangalan nila. Schoolmates niya ata.
Naisip ko minsan kung may circle of friends ba siya na sobrang close niya gaya ng apat kung kaibigan.
And speaking of, he never texted or called me since yesterday. Ang alam ko nasa Cebu parin siya ngayon. Huling tawag niya, yung pagdating nila dun bago siya magpahinga. Sobrang busy niya huh.
Nagbihis ako para lumabas dala ang mga notes ko. Kanya kanya kami ngayong lima. Maghahanap ako ng coffee shop na malapit dahil inaantok ako sa apartment.
Pumasok ako sa coffee shop at naghanap ng bakanteng lamesa. Buti nalang hindi matao ang coffee shop na to. Pinili ko yung pinakadulong mesa para hindi ako madidistract sa ibang customer.
Nilapag ko ang mga gamit ko bago umorder. Pagbalik ko ay nag umpisa na akong magreview. Ilang oras na akong nag aaral ng tumunog ang phone ko na nakapatong sa mesa.
It's a call from Bryan. Himala ata at nagparamdam to. Sinagot ko ito at inilagay sa gitna ng tenga at balikat ko, tinuloy ko ang paghahighlight ko.
(Bri, where are you?) napatigil ako at napakunot ang nuo ko sa tanong niya.
"Bakit?" balik tanong ko sa kanya.
(anung bakit? Tinatanong ko nga kung nasaan ka?)
"Nag aaral? Bakit nga?" patanong na sagot ko.
(Wow, ang galing mong kausap) sarkastikong sagot niya. (Saan nga? Alam mo kasi Bri pag tinatanong ka ng where or saan, lokasyon ang-) natatawang pag iexplain niya.
"Alam ko! Nasa coffee shop, malapit sa apartment. Happy?" napipikon kong sagot.
(Good!) bago pa ako makapagreact ay binaba niya na ang tawag.
Anu na namang kabaliwan yun? Matapos di magparamdam ng dalawang araw, ngayon binabaan na naman ako ng tawag.
Napailing nalang ako at nilapag sa lamesa ang phone ko. Bahala siya sa buhay niya, kailangan kong magfocus ngayon.
Inabot ko ang frappe ko para uminom pero may umagaw nito sa kamay ko. Mabilis akong bumaling dito para sitahin.
"What the-- Bryan?" gulat na tanong ko. Akala ko ba nasa Cebu to?
"The one and only" he winked at me and sipped on my straw, napakurap ako at umiwas ng tingin.
"Akala ko ba nasa Cebu ka pa?" binalik ko ang tingin ko sa notes na hinahawakan.
"Ouch, don't you miss me?" inilapag niya pabalik ang frappe sa lamesa at hinila ang upuan sa tabi ko at umupo paharap sa akin.
"I don't" pagtatanggi ko.
"Really?" he moved closer to me, nasa pagitan na ako ng hita niya habang nakatagilid. He placed his one arm on the back of my chair and his other arm on the table, caging me. "Cause, I do.. So much" he whispered.
"Ba't hindi ka tumawag o nagtext mula nung dumating ka sa Cebu?" I pouted and glared at him, pero sobrang lapit pala ng mukha namin.
"Nagpapamiss lang" he sliced the cake with the fork using his one hand and put it in his mouth.
"Talaga? Baka naman nakalimutan mo na ako?" kumuha siya ng isang maliit na slice at tinapat ang tinidor sa bibig ko.
Sinubo ko muna ito bago siya tiningnan pabalik. Binalik niya ang tinidor sa platito bago ako tinignan ng diretso.
"Why should I? Totoo nga at alam ko rin namang busy ka sa pag aaral" tiningnan niya ang mga notes at libro ko sa lamesa.
Hindi ako sumagot at kinuha ang libro ko pero pinigilan niya ako.
"Tama na muna yan, hindi pweding yan lang yung lunch mo. Let's eat" inipon niya ang mga gamit ko sa lamesa.
"Busog pa naman ako eh" reklamo ko.
"Past twelve na, alam kong hindi ka pa kumain, kaya ang payat payat mo eh" pagsesermon niya.
"ako payat? Normal naman yung size ko ah" reklamo ko, tiningnan ko ang katawan ko, kinukuha nga akong sumali sa pageant para irepresent ang department namin kaso umaayaw ako. Ang kapat ng mukha nito.
"Oo, mukhang hindi ka pinapakain sa inyo, sa bahay nalang kaya tumira"
Kinuha niya ang backpack na dala ko at pinasok ang mga libro ako at siya na rin ang nag bitbit. Tumayo na rin ako at sumabay sa kanya.
"ah ganun? Susumbong kaya kita kay Mama, parang sinasabi na ginugutom niya ako" pagbabanta ko sa kanya. Tinulungan ko siyang magligpit ng gamit ko.
Binuksan niya ang pinto at pinauna akong lumabas.
"Wala akong sinabing ganyan, ang sabi ko sa bahay ka nalang kaya titira." tinignan ko siya kung seryoso ba siya. Pero hindi ko makita ang ekspersyon niya. Alam kong nag aasar lang to.
"Ayoko, may bahay naman ako no, hindi pa naman kami naghihirap."
Inakbayan niya ako at bumulong "Sige lang, pasasaan pa't doon ka rin naman titira balang araw"
-----------------------------------------------------------------🖋

BINABASA MO ANG
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...