35

79 52 12
                                        


FOUR YEARS LATER...



Patapos na ako sa pag aayos ng marinig ang sunod sunod na ingay ng door bell. Dali dali kong icheneck ang laman ng bag ko at halos liparin ko na pababa.



Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Aries. He's already wearing his office attire.



"What took you so long B?" kunot nuong tanong niya. Halatang kanina niya pa ako hinihintay. I kissed him on his cheek.



"Good morning too" I said giggling. I closed the door behind me and dragged him to the elevator.



Malilate na ako para pakinggan pa ang mahabang sermon niya. Gaya ng kadalasan ay hinatid niya ako sa trabaho ko. Bumaba ako pagdating namin sa kompanya. Tiningala ko ang gusali habang naghihintay kay Aries na bumaba. It's still the same excitement and anticipation like the first day I got here in this company, the NZAJ company. Ang noo'y pangarap kong company at halos buwan ang layo nito para sa akin kaharap ko na at halos abot kamay ko na. Dito ako nagtatrabaho.




Naalala ko noong mag apply ako dito na halos himatayin ako kaba. Hindi na ako nag expect na matanggap dahil kakapasa ko palang ng board, but atleast I've got the chance to step inside my dream company, yun na lang ang nasa isip ko. Thanks to Aries and our friends for pushing me para ipagpatuloy ang pag apply dito. When the company hired me halos humagulhol ako sa harap ng mga kaibigan ko. Lahat ng kaba, lahat ng insecurities at lahat ng what ifs ay natabutan ng kagalakan.



Hindi ako makapaniwala, nangangailangan daw kaagad ng karagdagang empleyado ang kompanya, kaya't kahit walang sandamakmak na job experience basta may potential ay maaaring makapasok. At isa ako sa mapalad na nakapasok sa NZAJ that time.



"Hey, nagday dreaming ka na naman. Let's go" sabay kaming pumasok ni Aries sa loob. At gaya ng nakasanayan hinatid niya ako sa lobby ng department namin.



"Thank you paghatid Ar" I smiled.



"Anytime" he winked at me. Hindi na ako nagkomento pa kahit gusto ko siyang asarin. Nagpipigil akong mapangiti.




"Don't start me with that, woman. I'll go now" he kissed me in my cheek. Nangingiti parin ako ng nakakaloko kaya inis siyang tumalikod sa akin.



Napadaku ang tingin ko sa kabilang elevator at halos malaglag ang panga ko ng matanaw ang isang pigurang madilim na nakatingin sa gawi namin. Natigilan ako at nabura ang ngiti sa mga labi ko. Napailing ako, this can't be wala siya dito. Dinadaya lang ako ng paningin ko. Nasa ibang bansa yun e.



"Hey okay ka lang B. Sabi ko aalis na ako" napabaling ako kay Aries. Tiningnan niya kung saan ako nakatingin, pagbalik ko ng tingin ko ay sarado na elevator.




What the hell Bri, nasa US si Bryan. At tsaka kung umuwu man siya anong ginagawa niya dito sa kompanya?



"o-okay. Ingat ka" wala sa sariling sagot ko.



"You sure you're okay?" panigurado ni Aries, halata rin ang pag aalala sa mukha. Tumango ako at ngumiti sa kanya.




"See you later then" he put his hand on top of my head and slightly messed up my hair. May usapan kaming magbabar mamaya kasama ang mga kaibigan pa namin.



Inabala ko ang sarili buong araw para iwaglit ang isip ko sa nangyari kanina. Napakaimpossible lang kasi. Baka dinadaya lang ako ng paningin ko o baka naman kamukha niya lang.




Argh! Bakit ko ba iniisip yun? Ang dami ng nangyari sa loob ng apat na taon. Unti unti ko nang natatanggap na bahagi nalang siya ng buhay ko. Sa loob ng apat na taon na yun wala na akong balita sa kanya. Inactive na siya sa social media pero hindi naman deactivated ang account, pero wala din namang kwenta dahil hindi naman siya nag aupdate doon. Same as mine, I rarely used my social media unlike before, I have my priorities now which is more important.



Siguro pag tumatanda ka na iba na ang perspective mo sa buhay. I tried to focus on reaching my goals and prioritize my family and friends as much as I can. They helped me to move forward with my life when I was about to lose it. At that time, I realized that there are still so much life could offer more than a failed relationship and heartbreak. Noong una nahihirapan ako lalo na't nasanay ako na nariyan siya sa tabi ko palagi, naging independent na ako sa kanya nang hindi ko namamalayan.



I went out on our wing after I bid my goodbyes to my colleague, which were all senior to me. Dali dali akong lumabas dahil naghihintay si Aries sa lobby. Nadatnan ko siyang may kausap sa phone niya. I greeted him and he put his hand on my shoulder in return. Sabay kaming tumungo sa elevator, may kausap parin ito sa telepono niya kaya hindi ko na muna inabala.



Pagbukas ng elevetor ay tila ako binuhusan ng malamig na tubig. Nang magtagpo ang mata namin ay siyang pagtigas ng buo kong katawan. Nalaglag ang panga ko at tila natulos ako sa kinatatayuan ko. Napansin ni Aries ang reaksyon ko napatingin ito sa unahan namin galing sa pagkayuko, naramdaman ko rin na natigilan siya. Kakababa lang rin niya ng tawag.



In front of us was Bryan staring blankly on us, oh! and his not alone. Sumunod ang mata ko sa pagligkis ng kamay ni Sheena sa braso ni Bryan na nagulat rin sa presensiya ko. Nawala ang parehong ngiti nila ng makita kami sa labas ng elevator.



What should I  do? Do I need to say hi, smile or just ignore them like I didn't know them?



Naramdaman ko ang marahang pagdikit ni Aries sa akin at pagkuyom ng kamao niya sa balikat ko. Maliban kay kuya ay si Aries ang una kong tinakbuhan noong panahong bigong bigo ako. Hindi ko inalintana ang paglabas ng bigat ng nararamdaman ko, lagi akong umiiyak bagay na ikinagagalit ni Aries kay Bryan. Nandiyan siya noong panahong bagsak ako hanggang sa unti unting makabangon. Muntik na akong natanggal sa dean's list nang sumunod na semester.



"Let's wait for another elevator?" bulong ni Aries sa akin, halata ang pag alala sa boses nito. Umiling ako at nginitian ko siya.



"It's fine Ar" bulong ko pabalik.


"Sabi mo e" marahan niya akong iginiya papasok. I smiled a bit and nodded my head to acknowledge their presence. But I guess that was wrong move, nakita ko ang pag igting ng panga ni Bryan at bahagyang pagtaas ng kilay niya na parang iritado na paghintay na makapasok kami. Tinitigan lang ako ni Sheena at bumulong kay Bryan na ikinangiti nila pareho.



As much as I'm curious if what they're doing here in this company mas nangingibabaw sa akin ang katanungang kung naaalala niya pa ba ako. I guess not. Base na rin sa reaksyon niya.



I've decided to be civil towards him, them... but I should have chose the latter and ignored them. Wala rin naman palang saysay ang pagdadalawang isip ko kanina kung babatiin ko sila o hindi dahil mukhang wala rin naman siyang pakialam.


Kailangan ko nga talaga atang magbar ngayon.


-----------------------------------------------------------------🖋

ML Story (iM eLove)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora