Kasama ko si Aries ngayon pero yung utak ko lumilipad sa mangyayari bukas.
Ewan ko kung handa na ba akong makilala si Bryan ng personal. Halos two months palang kaming nag uusap pero heto at gusto niya ng makipagkita sa akin.
Gusto ko rin naman pero natatakot ako, natural lang naman siguro kung unang pakikipagkita sa tao.
Hindi na ako nakasagot sa tanong niya dahil hindi raw ako pweding humindi, part daw kasi yun ng deal. Atleast pinili niya yung mataong lugar, kaya medyo nakahinga ako ng maluwag don.
"Okay ka lang?" tanong ni Aries, naghihintay kami ng order namin sa paborito niyang Japanese restaurant. Tumango ako at ngumiti sa kanya para di na siya mag alala.
Mayamaya ay nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan ang text galing kay Bryan. Ngayon lang siya nakapagtext pagkatapos niya akong babaan kagabi dahil wala naman akong maisasagot sa kanya.
Bryan:
I won't force you to come but expect that I'll wait for you.
Ps: No pressure tho.
Nag isip muna ako ng isasagot ko pero may isa na naman siyang text na dumating.
Bryan:
Let's make a deal. Kung pupunta ka, itutuloy natin to. Pero kung hindi, ititigil na natin. I won't bother you anymore.
Napakagat labi ako pagtapos kong mabasa ang text niya. Is this a threat? Cause it quite effective.
Bryan:
I'll text you the details later, and btw I can't call you tonight, may pupuntahan ako. Take care always.
I cleared my throat and blinked twice. So kung hindi ako pupunta bukas baka ito na ang huling text niya sa akin. O yung isesend niyang details ng meet up namin bukas. Magrereply na sana ako pero nagsalita si Aries.
"Bri mamaya na yan, let's eat" saryosong sabi niya. I smiled apologetically and slide my phone inside my bag. Hindi ko manlang napansin na nakahain na pala ang inorder namin.
Pagtapos naming kumain ay nanuod kami ng sine at naglibot sa mall sandali bago niya ako hinatid pauwi.
"Bri" tawag niya sa akin bago ako bumaba, nilingon ko siya pero nakatingin lang siya sa unahan. Actually, kanina ko pa siya napapansing tahimik. Minsan nakatulala lang siya sa akin at parang may gustong sasabihin pero pag tinatanong ko kung may problema, iiling lang siya.
"Aries may problema ba?" nakakunot nuong tanong ko sa kanya.
"Wala" mababang sagot niya, na tila nahihirapan.
"May sasabihin ka ba sa akin?" pangungulit ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at ngumiti ng hindi abot sa mata bago umiling at umiwas ng tingin.
"Wala wala, ingat ka" pilit niyang pinasigla ang boses.
Tiningnan ko siya ng mariin, pilit siyang binabasa pero sumuko rin ako at nagpaalam sa kanya bago bumaba.
"Bri" tawag niya ulit sakin.
"Oh?" naghintay ako ng sasabihin niya.
"Nag enjoy ka ba?" seryosong tanong niya.
"Oo naman" kailan ba ako hindi nag ienjoy sa lakad nami? At masarap si Aries kasama kahit medyo down siya kanina, nagagawa niya pa rin akong pakisamahan at pasayahin.

BINABASA MO ANG
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...