Tahimik akong ginagawa ang assignment ko na kakabigay lang ng prof namin kanina. Hindi pa naman to kailangan bukas pero kailangan ko lang ng dahilan para makaiwas sa nanunuring tingin ng mga kaibigan ko.
Napapansin siguro nila ang katahimikan mula pagpasok ko kanina hanggan ngayong lunch break. Wala rin akong ganang kumain o makipag usap. Ganito ba ang nagagawa ng pagmamahal? Nakakatakot naman! I barely know myself anymore. Kahit ako naninibago sa sarili ko.
It's been three days. I caged myself in my room for the whole weekend. Wala akong ganang lumabas kahit na inaya ako nina Shane lumabas noong sabado. Nagdahilan nalang ako na masama pakiramdam ko.
Lagi ring pumupunta si Bryan sa bahay pero hindi ko siya nilalabas, lagi siyang may iniiwang pagkain sa tapat, buti hindi inaabot ng aso. He even bombarded my phone with calls and texts pero ni isa hindi ko sinasagot.
When I decided to end everything we had, I also cut off the cords between us. But I don't know how long I can stop myself from missing him. My decision was shaking.
I admit I want to run out to him embrace everytime he's knocking on my door, but I stopped myself. I have to force myself to get use to his absence and move on. Baka sinunod ko yung gusto ng puso ko tuluyan na akong lulubog at hindi makaahon sa nararamdaman ko sa kanya.
I never thought love would bring me this far. I wasn't a believer of true love. People stay because of responsibility, that's what I believe in.
Nagpaalam ako sa mga kabarkada ko na mauuna na, plano nilang magmall pero wala ako sa mood. Ayaw kung maaapektuhan sila imbes magsaya. Aries insisted to accompany me, but I refused.
Pumara ako ng taxi pauwi, alam kung nakasunod SIYA sa akin. Simula kaninang umaga pa pag alis ko sa bahay. Nang maglunch kami sa malapit na fast-food. He's not showing himself but I felt his stares. Don't tell me buong araw siya sa eskwelahan.
Dali dali akong bumaba sa taxi at tumawid sa kabilang kalsada. Umupo ako sa bench na hindi gaanong mapapansin dahil sa halaman. Sa likod nito ay mga nakahilerang apartment rin. Hinintay kong makaliko si Bryan sa kanto. Confirmed! Sinusundan niya ako.
Napataas ang gilid ng labi ko ng huminto ang sasakyan nito sa tapat ng apartment ko. Matagal bago siya bumaba, nakatanaw lang ito sa apartment ko bago lumapit. Nakita ko ang pag alangan nitong pagkatok bago binaba ang kamay sa ambang pagkatok nito sa pinto.
Matagal pa siyang nakatayo sa harap ng pinto bago tumalikod. Akmang bubuksan niya na ang kotse niya ng napagdesisyunan kong magpakita na sa kanya.
"What are you doing here?" I asked coldly. I stopped myself rushing to hold him. Nakatayo ako sa gilid ng kalsada, tinatanaw siyang sinarado ang pinto ng kotse niya at dahan dahang humarap sa gawi ko.
Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip, pilit tinatatagan ang ekspresyon dahil muntik na akong matawa sa reaksyon niyang parang nahuli sa akto.
Mula sa gulat na eskpresyon umayos ito ng tayo at sumandal sa kotse niya, pinaglalaruan ang susi sa daliri niya.
"I'm not aware that I'm not allowed to come here anymore" inilibot nito ang tingin sa paligid bago ibinalik ang mata sa akin, pilit tinatago ang multomg ngiti sa labi.
Dahan dahan kong tinawid ang distansiya namin, diretso ang tingin sa kanya. Umayos ito ng tayo at tiningnan ang magkabilang side ng kalsada, marahan itong napamura at itinaas ang isang kamay. Napatingin ako sa kabilang side ko, may kotseng paparating pero malayo pa naman. Iilan lang ang dumadaang sasakyan dito.
"Akala ko ba ako ang magdedesisyon?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama at hinigit patungo sa tapat ng apartment.
"Will you please check your fucking sides first before crossing the damn road" he hissed.
"You're overreacting, nakita ko yung kotse bago ako tumawid. Nililigaw mo lang yung usapan"
He frustratingly closed his eyes, trying to calm himself.
"Hindi Brianna! I'm fucking willing to answer your questions. Ang punto ko dito ay mag ingat ka naman sa susunod" mula sa galit na tono hanggang sa naging malamyos ito. Napabuga ito ng hangin ng tuluyang kumalma.
I pouted "So? Bakit ka nandito?" malumanay kong bulong. Para maiwasan ang guilt sa kasalanan.
"Of course I missed you!" diretso nitong sagot.
"Pero sabi mo ako ang ma-"
"You never told me your decision!" asik nito. Napaurong ako.
"Ba't ka galit?" diba dapat ako yung galit.
"Hindi, hindi ako galit Bri, it's just...I'm sorry" malumanay nitong sabi.
Naglakad ako para buksan ang apartment. Pagpasok ko sa loob ay pumulupot ang braso nito baywang ko. He hugged me from behind. I wanted to cry, how I missed his embrace. Maliban sa kanya, ito yung mamimiss ko sa kanya pag alis niya.
"So tell me what's your decision" he whispered. He buried his face on my nape.
Ang pag iwas ko sa kanya ng tatlong araw ay maling desisyon. Imbes na makalimot mas lalo lang akong nananabik sa kanya.
"Be my boyfriend for a week" nahihiya kong saad. Gusto kong tumakbo sa kwarto at magkulong. Pero ito yung gusto ko, ang maramdaman ang pagmamahal niya na may label kami, na mayroong commitment.
I want to be really happy, even I know it's just temporary.
His hug tightened. This time he buried his face in jaw and my shoulder. I could fell his feathery kisses on my neck.
"Hmm. Can you be my girlfriend then Brianna Coreen Perez?" malambing nitong bulong.
"Wag na baka napipilitan ka lang dahil sinabi ko" pag iinarte ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin bago ako hinarap. He cupped my face and make me look directly in his eyes, so do I.
"I'm serious love" he whispered sweetly. Naluluha ako sa nababasa kong emotion sa mga mata niya, Love.
"Will you be my girlfriend, Bri?" he seriously ask. Kagat labi akong tumango.
"Yes" I answered before I hugged him tight. Natatawa nitong sinuklian ang yakap ko.
He kissed me on top of my head.
"I love you" he whispered. I smiled.
-----------------------------------------------------------------🖋

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...