71

41 33 0
                                    


"Bry, you're Mom's here" pag iimporma ko sa kanya. Doon naman nakangiting lumapit si Ma'am Claire sa gawi namin, na tila walang narinig.



"How are you feeling son?" She asked and touched his forehead. Bumitaw naman si Bryan sa akin at tiningnan ang ekspresyon ko.



"Maghahanda lang po ako ng lunch" paalam ko sa kanila at lumabas ng kwarto.




Hindi sa ayaw kong malaman ng pamilya ni Bryan ang tungkol sa pagbubuntis ko pero natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Alam kong hindi namin ito matatago habangbuhay pero hinahanda ko pa ang sarili ko kung anong maaaring mangyari.




Mabait si Ma'am Claire lalo na sa akin, pero ibang usapan na kasi pag involve ang anak niya. It might or it might be the same again, the way she treated me.




"Brianna" narinig kong tawag sa akin ni Ma'am Claire, patapos na ako sa pagluluto.




"M-Ma'am, ah I-I'm-" hindi ko maapuhap ang nais kong sabihin.




"Don't worry, I won't ask anything until Bryan will get better and both of you will explain everything to me and to his father." seryosong saad niya. Tumango ako at yumuko.




Pinakain ko muna si Bryan. "By dito ka lang, magpapahinga tayo" he stopped me when I was about to get up.




"I'll be back, sasabayan ko lang ang Mommy mong kumain."




Tumango siya at sumandal sa headboard ng kama. May balak atang hintayin ako. Pagbalik ko ng kusina ay inilagay ko sa lababo ang pinagkainan ni Bryan. Nakahanda na rin ang lamesa para sa amin ni Ma'am Claire.




"Let's eat" paanyaya niya sa akin. Tanging tunog lang nang kutsara at tinidor ang ingay sa gitna namin.




"Is it okay with you if I'm going back to the office this afternoon?. We might sleep here tonight, don't bother to cook dinner. We'll bring foods for us." tanong niya pagkatapos naming maglunch.




"O-okay po Ma'am" hindi ko makuhang tumingin ng deretso sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko.



"Don't tire yourself too much"



"O-po"



Nagpaalam siya sa akin para bumalik sa office. Bamalik ako sa kwarto ni Bryan. At gaya nga hula ko ay naghintay ito sa akin.



Tumabi ako sa kanya at hinarap siya. "Okay na ba ang pakiramdam mo?"



"Hmm-mm, medyo mabigat pa nga lang ang katawan ko. Galing ng nurse ko e" masuyo niyang hinaplos ang mukha ko.



"Dito daw matutulog parents mo mamaya" pag iimporma ko sa kanya.



"Galit ka ba?" he asked suddenly.



"Hindi. Bakit naman ako magagalit?" nakakunot noo kong balik tanong.




"Kasi nalaman ni Mommy"



I traced his jaw with my fingers. "Malalaman at malalaman rin naman nila. I realized it's quite unfair to them that they didn't know about this. Nalaman nga nang mommy mo, accidental naman" pahayag ko.



"She'll understand"


"T-tatanggapin kaya nila?"



"Ofcourse, apo nila yan" he smiled genuinely. "Think about it, may tagapagmana na pala ako. Ang saya lang" I closed my eyes when he kissed my forehead.



ML Story (iM eLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon