Pinili naming kumain sa isang fastfood, nagccrave kasi ako ng fries nila. Habang hinihintay namin ang order namin ay kinakalikot niya ang laman ng bag ko.
Nagsscroll ng ako ng feeds ko pero napansin kong may tinitignan siya sa loob nito at nagpipigil ng tawa. Hinawakan ko ang kamay niya para ilabas sa bag at nakita kung hawak niya ang ID ko.
"Anong nakakatawa dyan?" inirapan ko siya. Napailing siya at napangiti.
"Mukha ka kasing kindergarten na hindi masaya sa first day of school" natatawang sagot niya. Naalala ko na naman yung nag enroll ako at yung malditang tagakuha ng ID picture.
"Yung photographer kasi parang nagpipicture ng may burol" nakasimangot kong tugon.
Di niya ba alam na four to five years naming dadalhin ang ID namin. Hustisya naman sana.
"Buti nalang pala mabait yung sa amin, kaya pogi ako sa ID ko" proud niyang sabi.
"Maganda naman ako diyan ah, hindi lang nakangiti, nagmamadali kasi yung photographer, next family naman daw" natawa kaming pareho sa biro ko.
"Wala naman akong sinabing di ka maganda, Ilang taon ka ba nito?"
"16"
"Mukha kang bata, buti nalang nagmature ka ng kunti bago kita nakilala, baka akalain nila pedophile ako" binalik niya ang ID ko sa bag at inayos. Dumating na ang pagkain namin.
Ang dami niyang inorder, as usual. May chicken, spaghetti, fries, burger, at coke float. Plano ba nitong patabain ako?
Tiningnan ko siya pero inunahan niya na akong dumepensa.
"Take out nalang natin kung hindi maubos" hindi na ako sumagot, tumango ako at nagsimula ng kumain.
We talked about his trip to Cebu and what happened to my week. Nauna daw siyang umuwi sa Daddy niya dahil wala naman siyang ginagawa dun.
"Dumiretso ka na dito pagdating mo?" curious kong tanong sa kanya.
"Dumaan ako sa Condo para iwan ang gamit ko, ba't ka nga pala sa labas nag aral" pag iiba niya ng topic.
"You should rest" I insisted. Hindi ba siya napapagod, bumyahe pa siya kanina.
"Nakatulog ako buong byahe" pagdedepensa niya.
"Kahit na!" pamimilit ko sa kanya.
"Bri, please"
Napabuntong hininga nalang ako at napailing.
"Bahala ka Bryan Zachary Javier, ang tigas ng ulo" tumayo ako at kinuha ang bag ko dahil tapos na rin kaming kumain. Tinake out namin yung fries at burger dahil hindi namin naubos.
"Fine, magpapahinga na!" kinuha niya sa kamay ko ang bag ko at nauna ng maglakad palabas.
Sinundan ko siya dahil dala niya ang bag ko. Tumungo kami sa parking lot. Tahimik lang kami pareho. Binuksan niya ang backseat ng kotse niya at nilagay ang bag ko at yung tinake out namin.
Hinintay niya ako at binuksan ang shotgun seat para makapasakok ako, nagpasalamat ako sa kanya bago niya sinara ang pinto. Umikot ko siya sa driver seat at inistart ang kotse niya.

ESTÁS LEYENDO
ML Story (iM eLove)
Historia CortaIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...