Nalingon ko ang pumigil sa akin at tumambad sa harap ko ang isang gwapong lalaki na mukhang natatawa. Napatulala ako saglit, hindi na niya napigilan ang sarili at natawa siya sa harap ko. Napaatras ako at napakunot ang nuo.
'sayang ang mukha, mukhang natakasan nga lang ng bait, nakaporma pa naman'
Napansin kong pasulyap sulyap din ang ibang babae sa kanya. Bukod sa ang ingay niya ay nakakaagaw din ng pansin ang tindig at mukha niya. He's wearing a white button down dress shirt rolled up to his elbow and dark maong pants.
Hindi ko ito pinansin at nilingon si Bryan na busy parin sa pagpophone niya. Humakbang ako palapit pero pinigilan na naman ako ng lalaki at hinila sa ibang direksyon. Hawak niya ako sa palapulsuhan at pilit ko itong binabawi.
"Anu ba!" hinihila ko ang kamay ko pabalik pero hinigpitan niya ito. Nakita kung napatingin ang iba sa amin kaya umayos ako ng paglalakad para hindi gumawa ng eksina. Mamaya tong lalaking to sa akin.
Nakarating kami sa pinakadulong mesa sa kabilang bahagi ng coffee shop. Kunti lang ang tao sa bahaging ito.
"Upo" utos niya sa akin. Buong lakas kung kinuha ang kamay ko sa kanya, binitawan niya naman ako. I crossed my arms on my chest and glared at him.
"Excuse me? Anung problema mo? Ba't ka nanghihila, di naman kita kilala?" mataray kung tanong. At kung makapag utos umupo kala niya aso kausap niya. Iniinis ako ng lalaking to.
"Ang dami mong sinasabi, pagkatapos mo akong paghintayin ng mahigit isang oras dito. Well Nice to meet you too Brianna" sarkastikong sagot niya at tinignan ako ng masama. Nanlaki ang mata ko.
"Bryan? Ikaw si Bryan? Pero teka diba.." tinignan ko ang pwesto ng lalaki kanina na akala kung si Bryan. Pero hinirangan ito ni Bryan para hindi ko makita.
"oh eh ba't parang gustong gusto mo don? Doon ka nalang.. tara hatid na kita" hinawakan niya ako sa palapulsuhan pero kinuha ko ito at hinampas siya sa braso.
"Aray, para saan yon?" reklamo niya.
"Bwesit ka, ang dami mong pakulo" buti nalang hindi ako nakalapit don kanina, napahiya sana ako.
"Aba! Naninigurado lang at tsaka pinaghintay mo rin naman ako ah"
Hindi ako sumagot, umupo ako sa upuan at humalukipkip, hindi siya tinitignan. Hinila niya rin ang upuan sa tapat ko at umupo, hinuhuli ang paningin ko ngunit nagmatigas ako.
"Bri, oy... Galit ka ba? Sorry na" malambing na pakiusap niya sa akin. Hindi parin ako natinag.
"First meeting natin, LQ agad. Ni wala manlang formal introduction, Bri.." akmang hahawakan niya ang baba ko para iharap sa kanya pero umatras ako.
"Sige na gawin mo na ang lahat sa akin, iuwi mo na ako sa bahay niyo, pikutin o anu pa man basta pansinin mo na ako, please!" pagmamakaawa niya.
Aba! Gagawin niya pa akong tagapalamon sa kanya. At anong pikutin? Tinignan ko siya ng masama.
"Ang kapal ng mukha" inis na bulong ko.
"Tama na yan, please gutom na ako. Mamaya ka na magalit. Oorder na ako, anung gusto mo? Hmm" mababang boses na pakiusap niya. Naawa ako sa kanya dahil mukhang gutom na nga siya. Naghintay ba naman ng matagal.
Sinabi ko sa kanya ang order ko at kinuha ang wallet ko para sana iabot ang bayad ko pero tumalikod na siya. Nagkibit balikat ako at binalik ang wallet ko sa bag, mamaya ko nalang siya babayaran.
Nagulat ako na ang dami niyang inorder. Ganun ba siya kagutom? I only ordered Iced coffee latte, He order brewed coffee for him too. He also ordered doughnuts, muffins and cakes with different flavor. Dalawa lang naman kaming kakain.
Napakamot siya ng batok niya "Hindi ko kasi alam kong anong gusto mo, kaya.. " tinignan niya ang mga inorder niya sa mesa.
"Sayang to pag hindi natin naubos" Ilan ang nagastos niya dito pero iiwan lang namin to pag hindi naubos, sayang.
"Edi ubusin natin" sagot niya. Tumango ako.
We stayed for more than an hour finishing our foods while talking. Actually, hindi ko naramdaman ang pagkailang sa first meeting namin gaya ng usual na nararamdaman tuwing una mong mameet ang isang tao. We acted normal, like we knew each other for a long time.
Napapakita ko yung tunay na ako at ganun din siya. Kung anu kami mag usap sa phone, ganun din sa personal.
"Ang awkward ng pangalan natin no? Bryan tapos Brianna" Oo nga no? Buti nalang hindi letter I ang spelling ng pangalan niya. Pareho sana kaming Bri pagnagkataon pero magkaiba ng pronunciation.
Kung magkakaanak kaya kami anong pangalan? Pinilig ko ang ulo ko, anu ba yang mga naiisip ko.
"Anu kayang magiging pangalan ng anak natin? Bryanna?" natatawang pahayag niya na tila pinag iisipan ang kinabukasan namin.
"Anong anak? Advance mo mag isip ah!" sita ko sa kanya bago pa lumawak ang imagination niya. Eh hindi nga kami, anak pa nga.
"Ang KJ, paanu nga lang" paubos na ang pagkain namin, paunti unti namin itong kinakain kahit sobrang busog na ako dahil sayang naman at tsaka nawiwili rin kami sa pag uusap.
Lumabas na kami sa Starbucks pagkatapos naming kumain para maglakad lakad. Napansin ko ang pasimpleng sulyap ng mga babae sa kasama ko.
"Hi kuya Bryan!" Narinig kong bati ng grupo ng babae kay Bryan na nasa likod, hindi ko sila tinignan dahil busy ako sa pagpili ng mga highlighter at ballpen, nandito kami sa National Bookstore. Kulang kasi yung binili kong highlighter nong isang araw. Nakasunod lang si Bryan sa likod ko.
"Hi" dinig ko sagot niya. Hindi ko na nasundan ang pag uusap nila dahil busy ako sa pagtatry ng ballpen.
Lumipat ako sa Book section at tumingin ng mga libro. Nakasunod parin sila sa akin pati na rin yung mga babae dahil nadidinig ko parin ang pag uusap nila.
"Ito? Ah..Oo" Napalingon ako kay Bryan ng ipatong niya ang kamay niya sa ulo ko at hinaplos ng bahagya ang buhok ko, hindi ko narinig ang tanong ng mga kausap niya. Pero nilingon ko rin sila at nginitian ng bahagya, ngumiti rin sila pabalik sa akin at kumaway, mukhang mababait naman.
Tatlo silang babae at mukhang kaedad ko lang o mas bata ng isang taon sa akin.
"Sana all" komento ng isa sa kanila.
"Sige po kuya Bryan, mauuna na po kami. Stay strong po sa inyo ni Ate" tumango si Bryan sa kanila.
"Bye, girlfriend ni kuya Bryan" paalam nila sa akin bago tumalikod.
Nagulat ako sa sinabi nila. Did they just assumed that I'm Bryan's girlfriend or did Bryan told them a lie that I'm his girlfriend?
-----------------------------------------------------------------
🖋

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...