"Ehem" eksahiradong pagtikhim ni Kuya umagaw ng pansin namin. Lumayo si Bryan sa akin dahil sa pagtulak ko sa kanya.Buti nalang hindi niya kami naabutan na naghahalikan!
Tinapunan niya ng malamig na tingin si Bryan bago tumungo sa counter para magtempla ng kape.
"What do you want to eat?" malambing na tanong ni Bryan sa akin, hindi pinansin ang ang masamang tingin sa kanya ni Kuya.
Pumasok na rin si Manang Rosie sa kusina para magluto.
Nag isip ako saglit ng gusto kong kainin. "Gusto ko yong adobong atay ng manok" wala sa sarili kong sambit.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Bryan, halatang nag iisip pero hindi naman siya nagreklamo. Hindi pa ba to nakatikim non?
"Wait lang! Manang Rosie meron ba kayong atay ng manok dito?" tanong niya kay Manang. Napabaling naman si Manang at kuya sa amin.
"Wala hijo, wala naman yatang may gustong kumain niyan dito sa bahay. Bakit gusto mo ba? Magpapabili ako kay Ben"
"Wag na po Manang, ako nalang po ang bibili. Gusto kasi ni Brianna e" binalingan niya ulit ako. "What else do you want? Or anything you need?"
Nag isip ako saglit. "Ice cream?"
"Early in the morning? Nah!" he objected.
"Anong nah?!"
"Fine, what else?" napangiti ako.
"Pizza, potato chips-"
"That's unhealthy!" reklamo niya ulit.
I pouted. "Nagtanong ka pa, wag na nga lang!" maktol ko at tumayo.
"Wait lang" inalalayan niya akong umupo ulit. "Gusto mo ba talaga non?" malumanay niyang tanong. Hindi ko naman kasi yon gusto, sinusukat ko lang siya.
"Fine! buko nalang please, yun yong gusto ko" pakiusap ko sa kanya. Parang bigla kong gustong uminom ng buko juice. Argh!gusto kung apurahin si Bryan, parang inuuhaw ako bigla.
"Okay, What else do you need?"
"Wala na"
"alright, call me if you want something else"
"Okay"
Tumalikod siya at lumabas nang kusina.
"Buti nalang hindi mo pinaglilihian yong gagong yon" komento ni Kuya at umupo sa tabi ko.
"Kuya!" saway ko sa kanya. Napasimangot naman siya.
"Hindi mo ba matatanggap ang anak ko?" malungkot kong tanong.
"Tanggap ko Bri, walang dudang mamahalin ko yan. Ayoko lang sa ama!" seryosong sagot niya.
"Bakit?" kuryusong tanong ko. Humigop siya ng kape at hindi sumagot.
"Bakit si Bryan ang inutusan niyong bumili Bri, e wala nga yong kaalam alam sa pamilihan" naagaw ang atensyon namin nang pumasok si Mama.
"Siya naman nag volunteer e, yaan mo na Ma, asan si Papa at sina Adrian?"
"Ang papa mo umakyat sa kwarto. Yong dalawa ayun, sumama kay Bryan"

ESTÁS LEYENDO
ML Story (iM eLove)
Historia CortaIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...