"Good morning" nakangiting bati sa akin ni Bryan, ibang iba sa Bryan na nakasalamuha ko nang nakaraan.Ngumiti rin ako sa kanya. "Good morning" balik bati ko. Napahinto siya sa akmang pagpasok sa opisina niya at lumingon sa akin. Hinintay ko naman ang sasabihin niya.
"Ipagtimpla mo pa rin ba ako ng coffee mamaya?" he asked with hopeful eyes. I don't know but I found him cute when he asked something from me with a shy expression. Parang bata e.
Nakakatwang isipin ngunit parang bumalik ang dating Bryan na kilala ko, sa halos isang linggo ko siyang kasama ay malaki ang pagbabago lalo na sa pakikitungo niya sa akin.
Lagi niya na rin akong sinasabay sa pagkain ng lunch. Casual rin ang pakikitungo ko sa kanya ngunit may limitasyon parin sa parte ko. Mahirap na.
Hindi ako tanga sa simpleng galawan ni Bryan. Alam kong may iba, ngunit pilit kong sinisiksik sa utak ko na may kasintahan siyang babalik. Ang alam ko nasa Cagayan ngayon si Sheena para sa seminar at site visit.
"Hmm" tumango ako sa kanya. Bumukol ang dila nito sa pisngi niya at umiwas ng tingin.
"okay, thank you" marahang saad niya bago pumasok sa opisina ng ama niya. Napailing nalang ako at bumalik na rin sa ginagawa.
Bandang alas nueve y media nang dalhan ko siya sa ng kape niya. Nakatayo siya sa harap ng office table habang may binabasang papel. Tiningnan niya ako saglit bago ibinalik ang tingin sa binabasa.
Tumabi siya ng bahagya nang ilapag ko na ang kape niya sa lamesa. Pagtalikod ko ay nagulat ako na ang lapit na niya sa akin dahil may inaabot siyang papeles sa kabilang gilid ko. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya.
Napaiwas ako ng tingin nang tumaas ang isang kilay niya nang balingan ako, unti unting tumaas ang gilid ng labi niya at ngumiti sa akin ng nakakaloko ng mapagtanto niya ang position namin at pagkailang ko.
Imbis na kunin ang papel sa gilid ko ay itinukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko, totally caging me in between his body and the table. Dahan dahan siyang yumuko para magpantay ang mukha namin at pilit na hanuhuli ang mata ko.
"Ano ba!" I tried to pushed him but ended up resting my palm in his chest.
Bumaba ang tingin niya kamay ko na nakapatong sa dibdib niya kaya dali dali ko itong inalis.
"Bakit ba parang kabado ka?" he teased me. I glared at him but he just smirked at me. I crossed my arms infront and bravely looked back at him.
Kung akala niya ay matatalo niya ako sa kalokohan niya, pwes kaya kong makipaglokohan sa kanya.
Nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya at nilibot ang mata sa buong mukha ko bago bumaba ang tingin niya sa labi ko. Unti unting bumaba ang mukha niya kaya tinulak ko siya.
"Argh! Ano ba!" inis kong sikmat sa kanya at tinulak siya para makaalis . Tumawa naman siya ng malakas sa reaksyon ko.
Bumalik siya sa binabasa na parang walang nangyari paglingon ko. Pero naroon parin ang multo ng ngiti sa labi niya.
"You have a conference meeting at ten" imporma ko sa kanya.
"Yeah, thank you for reminding me. Let's have our lunch outside after that" he said nonchalantly. Tumaas naman ang kilay ko.

YOU ARE READING
ML Story (iM eLove)
Short StoryIt's all started in one Match! Brianna Coreen Perez was not a fan of online games, it's just a waste of time for her. One thing she wants to do was to study. Until one summer break, she was influenced by her brother and cousins to play this online...