Chapter 1

1.4K 29 2
                                    

Badtrip.

'Yan ang mailalarawan ko sa araw ko ngayon tangina.

Alam niyo kung bakit? Late ako sa unang pasukan namin gago!

Ta's ang init pa jusko! Buti na lang talaga malamig sa faculty hehe.

Sasabay daw kasi ako ni sir papunta sa classroom, hindi ko kasi alam kung saan ang room ko. Weird nga ng pangalan eh.

Class Z

Siguro bobo ako kaya nasa huling section ako. Hindi ko nga sure kung last section 'to eh. Paano kasi eto lang ang may kakaibang pangalan ng section. Pero oo nga bobo talaga ako hehe.

So ayon, balik tayo sa topic kanina. Kasabay ko si sir maglakad sa hallway patungong classroom. Eto lang kasi ang nakahiwalay sa lahat ng section, ewan ko kung bakit pero itatanong ko na lang kay sir.

"Sir?"

"Yes Ms. Garcia?" lumingon naman siya sa 'kin at ngumiti. Grabe ang gwapo ni sir, kung hindi lang siya teacher baka jinowa ko na 'to.

"Bakit po nakahiwalay 'yong section na 'to kesa sa iba?"

"Soon. Malalaman mo rin, oh! We're here." huminto kami sa isang classroom na medyo magulo. Pumasok naman si sir kaya sumunod ako sakaniya.

Pagka pasok namin biglang tumigil ang mga lalake sa loob. Weird puro lalake sila, walang babae? Ah baka late lang.

"Goodmorning class. By the way, eto ang bago niyong magiging kaklase." tumingin naman sa 'kin si sir pati 'yong mga lalake. Bigla tuloy akong naconscious. "Please introduce yourself, Ms. Garcia."

Umayos naman ako ng tayo at tumingin sakanila. "Ahm, hello i'm Briella Xandra Garcia."

"Okay, Ms. Garcia you may now take your seat."

"Ahm sir?" bulong ko kay sir. Ayoko kasing marinig no'ng mga lalake eh. Para kasi silang mga toro.

"Yes Ms. Garcia?"

"Ako lang po ba ang babae rito?"

"Yes." natigilan ako sa sinabi ni sir. Ako lang? Tangina seryoso ba? Ang dami nilang lalake ta's ako lang? Sabihin mo each a prank sir please. "No. I'm not joking Ms. Garcia. Makakaupo kana."

Wala akong nagawa kun'di humanap na lang ng mauupuan. Pinili ko 'yong sa pinaka likod na upuan, mas gusto ko kasing nasa likod naka upo. Habang naglalakad ako hindi ko tuloy maiwasan na mailang dahil nakatitig talaga sila sa 'kin.

May dumi ba 'ko sa mukha? May laway pa ba? May muta? Agad akong nagpunas ng mukha pero sa hindi inaasahan natisod ako.

'Pag minamalas nga naman.

Agad akong tumayo at pumunta sa may upuan ko dahil nagsimula silang magtawanan maliban sa katabi ko. Shit nakakahiya.

"Ilang palaka nahuli mo miss? HAHAHAHAHA"

"Gago ka pare HAHAHAHAHAHAHAHA"

"Nag tatanong lang naman tanga"

"Bobo kayo HAHAHAHAHAHAHAHA"

"Ms. Garcia, are you okay?" tanong sa 'kin ni sir. Ngumiti lang ako at yumuko na. Nakakahiya talaga kingina! "Okay, magsisimula na tayo."

Sabi ni sir habang dumadaldal pa rin sa harap. Napansin ko naman 'yong katabi kong lalakeng tulog na tulog. Hindi ba siya sisitahin ni sir? Like duh?

Habang nagd-discuss si sir walang pumapasok sa isip ko. Paano bitin ang tulog ko tapos nagmadali pa 'ko.

Eh kung matulog na rin kaya ako katulad ng katabi ko? Pwede naman siguro 'no?

Class ZWhere stories live. Discover now