Chapter 51

407 22 2
                                    

A/N: Happy 1k reads!!!❤️

Xandra

"Nabalitaan ko figure skater ka?" sambit no'ng lalakeng tumawag saakin. Hindi ko siya kilala kaya ayan muna tawag ko sa kanya.

Pero infairness mukhang friendlyy! Kanina pa siya nakangiti saakin eh.

Tumango ako. "Dati, pero ngayon hindi na" sagot ko sa kanya.

Kunware tropa-tropa lang.

"Nananalo ka naman?" tanong naman no'ng magaling kong katabi.

"Pinagsasasabi mo?" taka naman silang napatingin saakin dahil sa sinabi ko.

Nabighani ata sa kagandahan ko.

"Figure skater ka 'di ba?" tanong ulit no'ng katabi ko kaya tumango naman ako bilang sagot. "Oh 'di ba may mga award 'yon kapag nananalo ka?"

Ahh. Hindi nga pala nila alam.

"Oo. Pero hindi naman ako lumalaban sa mga gano'n." sagot ko at mas lalo naman silang nagtaka sa sinabi ko.

Okey story time.

"Hindi ko naman kasi talent 'yon. Kaya lang ako nagkagano'n para tulungan 'yong owner." hindi ko na sinabi 'yong pangalan ng owner kasi mahirap na. "Kailangan kasi niya ng isa pang student para may makapartner 'yong isa ring student niya." napatango naman sila.

"Bakit mo tinulungan?" tanong no'ng isang lalake na---- "By the way you can call Jay, Briella" nakangiti niyang pakilala kaya ngumiti rin ako sakaniya kahit na nagtataka ako kung paano nila nalaman pangalan ko.

Pero ewan ko, hindi naman ako nakakaramdam ng panganib sa kaniya o sakanila, kabaligtaran nga eh. Mas magaan pa pakiramdam ko sa kaniya. Feeling ko safe ako sa kanila.

"Akihiro" pakilala naman bigla no'ng katabi ko kaya napalingon ako sa kaniya.

Wow pati pangalan gwapo rin.

"Hindi na ako magpapakilala tutal kilala niyo na ako." sambit ko at nginitian ko sila.

Close na kaming tatlo kaya 'di na ako papasok sa school. 'Di bale ng zero sa quiz at 'di nakasama sa pupuntahan nila, atleast 'di ako pagod.

"Hmm bakit ko tinulungan Mr. Jay?" tanong ko at tumango naman siya bilang sagot.

Mas matanda kasi siya saakin kaya kailangan may galang pa rin tayo. Mabait din naman siya kaya karapat-dapat lang siyang respetuhin.

Sa totoo nga n'yan magkaedad lang naman pala sila ni mama. Akala ko no'ng una kaedad lang siya ni akihiro kasi mukhang bata pa eh. Nashook ako kasi sinabi niya kanina saakin na nasa 30's na siya.

"Hindi pa kasi gano'n kasuccess 'yong negosyo niya, saka gusto ko rin matry, kaya nagpaalam ako kay mama at pumayag naman din siya"

"So bakit nga 'di ka lumalaban?" tanong naman ni aki. Aki tawag ko sa kaniya kasi mahaba masyado kapag akihiro.

"Sabi ko kasi sa may owner tutulungan ko lang siya. No'ng una nagtaka siya kung bakit ayaw kong lumaban pero no'ng paulit-ulit kong sinabi sa kaniya na tutulungan ko lang siya hanggang sa maging success na 'yong negosyo niya, hinayaan niya na lang ako na gano'n ang routine ko." napatango-tango naman siya. Hay 'buti naman. Tanong ng tanong eh.

"Kung nagtataka kayo kung paano ko siya tinulungan, ganito 'yan. Kapag may mga bagong studyante na darating para mag-aral ng figure skating, ako 'yong magiging partner nila hanggang sa mahasa na sila at pwede nang ilaban sa mga competition." dagdag ko at napa ahh naman sila. Mukhang nagets na nila. Pagod na ako magpaliwanag.

Class ZWhere stories live. Discover now