Chapter 58

404 19 8
                                    

Xandra

"Oy! 'Wag kang matutulog ah, hindi kita kayang buhatin" paalala sa akin ng driver ko. "Bigat bigat mo eh" dagdag niya pa.

"Punyeta oo na nga! Pajulet julet kang bwiset ka" irita kong sabi sa kaniya kaya naman natawa 'yong kupal. Sa true lang, kanina niya pa ako sinasabihan ng "wag kang matutulog xandra ah!" Oh sinong hindi mab-bwiset do'n?

Tuwang-tuwa kapag nakakapang-bwiset eh. 'yong tipong manghihina siya kapag hindi na-kapang-bwiset.

Nilingon ko naman siya at tinignan. "So anong nangyari sa inyong dalawa ni scythe kanina ha?" tanong ko sa kaniya.

"Eto namang si xandra parang walang tiwala sa 'kin" at umaakto pa talagang na-sasaktan ang abnormal.

"Anong parang? Wala talaga" walang emosyon kong sabi sa kaniya.

"Ay grabe siya oh!" aniya at napalingon sa 'kin habang nakahawak sa dibdib niya.

"Ako sebastian tigil-tigilan mo 'ko ha"

"Ay oh! Ano na naman ginawa ko sa 'yo madam?"

Inirapan ko naman siya. "Kung wala kang gusto kay scythe tigilan mo yang kalandian mo, tukmol ka!" irita kong sabi sa kaniya. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko pero 'di ko na lang pinansin.

"Ang seryoso mo naman masyado bestie!HAHAHAHAHAHA" aniya habang nakatingin sa daan.

Bwiset na traffic. Anong oras na naman ako makakauwi neto oh! Gutom na 'ko! Naknang! Baka nandoon na si mama ako nandito pa rin sa kalsada.

"So ano nga? Gusto mo ba si scythe?" tanong ko sa kaniya.

Traffic din kasi kaya ang awkward naman kung wala saaming dalawa ang magsasalita.

"Hmmmmmmmmm" aniya habang pakunwa-ring nag-iisip.

"Nag-iisip pa akala mo naman talaga. Sus! chinemerot mo sebi! 'wag ako!"

"Nag-iisip naman talaga ako ah" sagot niya at nagdrive na ulit.

"Ng? Kalokohan?"

"Grabe naman! Parang 'yon lagi nasa utak ko ah. 50/50 lang pala, wala akong utak"

"Ay, ngayon mo lang narealize?"

"Haha sakit mo xandra. Sobra haha"

Hindi na ako sumagot at tinawanan na lang siya. Ang hirap makipag-usap sa siraulo. Hindi ko na siya tinanong ulit dahil halata namang iniiba niya 'yong usapan.

Naku! Malalagutan talaga sa 'kin tong si sebastian kapag nalaman kong pinagt-tripan lang neto si scythe eh!

"Eh ikaw xandra?" aniya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ano na naman?"

"Gusto mo ba si hades?" agad akong napa-irap sa tanong niya at natawa naman ang tarantado.

Nakita niya siguro na napa-irap ako kaya natawa ang hayop. O baka naman natutuwa sa pang-aasar niya.

"Uy~ Hindi makasagot! Siguro gusto mo talaga si hades 'no?" pang-aasar niya lalo pero 'di ko siya kinibo. "Silence means yes!! Naknang! Naglalayag na naman ang xandes!!" pahabol niya pa.

Hindi ko pa rin siya kinibo at walang emosyon naman akong nakatingin sa kaniya.

"Hi, salita ka naman xandra. Kinakabahan ako sayo kapag hindi ka nagsasalita eh. Tanginang 'yan, feeling ko pinaglalamayan na ako sa pag-tingin mo lang sa 'kin" aniya at napakamot sa ulo.

Class ZWhere stories live. Discover now