Chapter 7

519 21 1
                                    

Xandra

"Xandra girl gising tumutulo pa laway mo!"

"Kadiri ka ah!"

"Xandraaaaa!"

"Sissssss gising naaaa!"

"BRIELLA XANDRA GARCIA!"

Napaupo ako ng wala sa oras sa kama ko dahil sa sigaw ni sky. Napatingin naman ako sakaniyang tawang tawa sa itsura ko, kaya naman inirapan ko siya.

"Aga aga ang sungit. Dalian mo na r'yan papasok na tayo." aniya at lumabas na ng kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at 8:20 am na pala. Agad akong tumayo ay dumiretso sa cr para gawin ang mga ritwal ko.

Jusko po late na naman ako!

Madaliang ligo lang ang ginawa ko at kaya agad din akong natapos. Pagkatapos kong mag bihis lumabas na ako ng cr at inayos ang kama ko.

Umupo ako sa kama para mag suot ng medyas. Nang matapos akong magsuot ng medyas sinuot ko naman 'yong sapatos ko na kinuha ko lang sa walk in closet. Nasa baba 'yong sapatos ko eh.

Tumayo na ako at tinignan ang itsura ko sa salamin. Inayos ko ang neck tie ko at kinuha na ang bag ko saka lumabas ng kwarto at nilock 'yon.

'Yong coat ko hawak hawak ko lang dahil kakain pa ako, baka madumihan kaya mamaya kona lang isusuot sa kotse ni sky.

"Goodmorning sweetie!" binati naman ako ni tita angel pagkababa ko.

"Goodmorning din po tita angel" bati ko rin kay tita angel at ngumiti.

"Mommy ang itawag mo saakin, sweetie okay?"

"S-sige po tit- este mommy hehe" natuwa naman siya kaya niyaya niya na akong maupo sa pwesto ko kung saan katabi ko si sky.

"Goodmorning sis" bati naman saakin ni sky habang nilalagay ko 'yong bag ko sa isang upuan.

"Goodmorning bro" natawa naman kaming dalawa. Ang corny ni sky grabe.

"Goodmorning xandra" sunod naman akong binati ni mama na katabi ni mommy angel

"Goodmorning anak" nginitian ko naman si papa at binati ko rin sila.

Himala kompleto kami?

"Dito umuwi ang mama mo xandra para sabay kayong makapag breakfast." sabi naman ni mommy kaya nginitian kona lang siya.

"Si oreo ma?" tanong ko kay mama.

"'Wag kang mag alala bago ako pumunta rito ay pumunta muna ako sa bahay natin." ngiting sagot niya. Bakit ngiting ngiti si mama ngayon? Ay hindi simula kahapon? Anong meron?

Siguro nakita niya 'yong teacher na gwapo raw. Hay si mama may asim pa talaga.

Tinapos na namin ang pagkain namin at nagpaalam na sakanila na papasok na kami ni sky.

Lumabas na kami sa bahay nila at pumunta sa garahe kung nasaan ang kotse niya. Sinuot kona rin ang coat ko at umupo sa passenger seat.

Nang makalabas na kami sa gate, nag drive na siya papunta sa school. Papaturo nga ako minsan kay sky mag drive. Papaturo lang wala kaming kotse.

"Gago ka sky hindi mo ako ginising ng maaga, late na naman tuloy ako" reklamo ko sakaniya pero siya tumatawa lang.

"Ginising kita pero ikaw 'tong ayaw gumising" inirapan kona lang siya dahil wala rin namang pag pupuntahan kung mag aaway kami.

Class ZWhere stories live. Discover now