Chapter 21

479 19 3
                                    

Xandra

Nanatili lang akong nakatingin sakanila pero nakayuko lang sila.

"Mag papaliwanag kami xandra, 'wag mo lang kaming papatayin" sambit ni sebastian na siyang bumasag sa katahimikan.

Tumango ako sakaniya at hinihintay siyang mag salita. "Hindi namin sila pinatawag dito. Kusa silang pumunta 'di ba mga dre?"

"Oo" sabay sabay nilang sabi.

"At paano nila nalaman ang bahay niyo sky?" tanong ko kay sky kaya naman bumaling ang tingin nila sakaniya.

"Ah eh..." kamot ulo lang ang nagawa niya at hindi sinagot ang tanong ko.

Tignan mo nga naman. Dito pa gumagawa ng kababalaghan.

Walang nag salita sakanilang lahat kaya natahimik ang buong paligid.

"Dahil dati pa ay dito na kayo nag paparaos. Tama ba?" dahan dahan silang tumango. Sinasabi ko na nga eh.

"Kung gusto niyong mag paraos, huwag dito. Parang wala ako ah?" panenermon ko sakanila. Nag mukha pa tuloy akong nanay na may 13 na anak.

"Sorry na po"

"Sorry na xandra"

"Hindi na mauulit"

"Libre ka nalang namin"

"Kahit anong gusto mo, 'wag mo lang kami patayin"

"Xandra huwag ka naman ganiyan tumingin umaatras pagka lalake ko eh"

"Kung nakakamatay lang ang titig siguro pinag lamayan na tayo"

"Sorry naaaaaa mommyyyy"

"Si jace na lang patayin mo xandra"

"Tama ang ingay kasi"

"Gago naman parang hindi pamilya?"

"Ampon ka tanga"

Napailing na lang ako at tumalikod sakanila para kunin 'yong kutsilyong nakatarak sa pintuan.

Buti na lang talaga at mabait pa ako kung hindi pinaglamayan na 'yon.

Kinuha ko 'yong pocket knife at tinago sa short ko. Dahil walang bulsa, inipit ko na lang sa garter ng short ko.

"Pero xandra may tanong lang ako" napalingon ako kay keven at tumango sakaniya bilang tugon. "Paano ka natutong umasinta?"

Nginisian ko siya. "It's none of your business"

"Eh saan naman galing 'yang kutsilyo mo?" sunod naman na tanong ni cyrus.

"Sa short ko." pabalang kong sagot. Napakamot na lang siya ng ulo at tumahimik na.

"Aminin na natin mga dudes, ang angas ni xandra kanina" sambit ni sebastian at sabay sabay naman silang tumango.

"Oo tangina! Siya lang 'yong babaeng napunta sa section natin na magaling umasinta gamit ang kutsilyo!" sagot sakaniya ni oliver habang naka akbay sakaniya.

Sana all.

"Tama!" sagot naman no'ng iba.

Inirapan ko na lang sila at nag tagpo naman ang tingin naming dalawa ni hades na seryosong nakatingin sa 'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay pero gano'n pa rin ang itsura niya. Problema ba nito?

Baka na elibs.

Class ZWhere stories live. Discover now