Chapter 60

250 18 4
                                    

Xandra

Hindi ko ma-explain 'yong itsura ko ngayon dahil sa nakikita ko. Si sebastian lang naman. Si sebastian na nakabulagta sa sahig at duguan.

"Xandra, hi hehe" at nakuha niya pa talagang tumawa sa lagay na 'yan ah.

Umiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko masikmura 'yong itsura niya. Ni hindi ko na nga siya makilala kung hindi pa siya sumagot nung tinawag ko siya eh.

As in sobrang lala ng tinamo niya. 'Yong kaninang white na uniform niya naging red dahil sa dugo, mga bakat ng hampas ng baseball bat, basag ang mukha. Alam mo 'yong halaman na nalanta na? Ganon ang itsura niya ngayon.

"Uy chiks pre!"

"Oh 'di ba! Sabi ko sa 'yo may isa pang nakasakay sa kotse niyan eh!"

"Witwiw"

Napabaling naman ang tingin ko sa tatlong kupal na nagsalita. May hawak silang mga baseball bat at nakapalibot kay sebastian.

Hindi ko pala sila napansin. Sorry, si seb lang kasi priority ko now.

Sinuri ko naman silang tatlo mula ulo hanggang paa. Sakto namang napatingin ako sa mga baseball bat na hawak nila, at lahat ng 'yon ay may dugo. Dugo ni sebastian.

"Galit ka ba miss?" tanong sa 'kin ng isa sa kanila, pero hindi ko siya sinagot at tinignan lang siya. "Aha! Boyfriend mo?" lalong sumama ang tingin ko sa kanya.

"Hindi 'no! Kadiri ay" mabilis kong sagot kaya natulala naman saglit bago nagsi tawanan.

"Wow, parang ako 'yong pinaka panget na nakilala mo xandra ah" sarcastic na sabi nung nakabulagta sa sahig.

"Hindi mo boyfriend? Ano pala?" nag tatakang tanong ng isa pa sa kanila.

"Kapit bahay lang" walang emosyon kong sagot.

Tumawa naman 'yong dalawa niyang katabi pati na rin si sebastian. Tibay din nito eh.

"Miss, hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo" bakas sa tono niya ang pag kairita pero nakangiti pa rin.

"Bakit? Sino bang nagsabi sa 'yo na nagbibiro ako?" natawa ulit 'yong tatlo, maliban sa nagtatanong sa 'kin.

Halatang naiinis na siya kasi alam niyang napapahiya na siya sa harapan ng iba. Mainis ka lang beh, wala akong pake.

"Hahahaha tangina" natatawang sabi nung nakabulagta.

Nang mapansin ng dalawa 'yong reaksyon ng isa nilang kasama, umayos na sila at naging seryoso na kumpara kanina.

Nalipat naman ang tingin ko kay sebastian na mukhang naligo sa ketchup dahil sa itsura niya. Tangina...Buhay ka pa nyan?

Huminga ako nang malalim at umiwas na ng tingin.

"Miss, tutal...hindi mo naman boyfriend 'to, siguro naman ok lang sayo na panoorin siya habang pinapahirapan namin 'di ba?" nalipat naman ang tingin ko sa lalakeng nakangisi habang lumalakad patungo sa pwesto ko.

Hindi siya literal na lumapit sa 'kin sa halip, nilagyan niya pa ng distansya ang pagitan naming dalawa. Sa madaling salita hindi kami malapit sa isa't isa pero magkaharap kami.

Hindi kami close. Open kami.

Hindi ako kumibo at tinignan lang ang na-kakabwiset niyang pagmu-mukha. Pasalamat nga siya napagtitiisan ko pa pagmu-mukha niya eh. Tumingin siya sa dalawa at sumenyas saka humarap ulit sa 'kin.

Class ZWhere stories live. Discover now