Chapter 37

449 18 2
                                    

Xandra

"Yabang bati na sila" pang aasar ni jace saakin habang nakangisi pa.

"Asarin mo pa jace, ako na bahala sa kape't tinapay mo" sabi sakaniya ni keven kaya napailing na lang ako dahil nagsimula na naman silang mag ingay na dalawa.

Nasa Class Z na kami ngayong lahat at medyo napaaga kami ngayon sa pagpasok kaya maingay na naman sila. Kakapasok pa lang namin pero uwing uwi na ako.

Maaga kasi kaming ginising ni axel para kumain na. Sakanilang lahat si axel lang matino sakanila. Dahil nga kami kami lang magkakasama sa bahay si axel ang nagluluto para saamin.

Nakaupo lang ako sa upuan ko at 'yong katabi ko ayon tulog. Puyat kasi ta's maaga pang ginising para kumain kanina. Wala ang apat na sila hades, ace, lucas, at sky. Hindi ko sure pero mukhang maypupuntahan ata sila.

Sa buong Class Z sila ang laging umaalis. Hindi ko alam kung saan sila pumupunta pero wala na akong pake. Bumabalik naman sila bago dumating si sir marc eh.

"Xandra~" tawag saakin ni oliver kaya napalingon ako sakaniya.

"Oh?" sagot ko at umupo naman siya upuan na kaharap ko.

"Saan ka nga pala galing kagabi?" tanong niya saakin at kumagat ng chocolate.

Umagang umaga.

"May pinuntahan lang, bakit?" ani ko at pinaikot ikot ang ballpen na hawak ko.

"Wala lang. Hanap hanap ka kasi ni--" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng isubo sakaniya ni cyrus ang buong chocolate sa bunganga niya.

Akala ko ba tulog 'to?

"Ingay mo natutulog ako." irita niyang sabi at nag peace sign naman si oliver sakaniya kaya bumalik na sa pagkakayuko si cyrus.

Inubos naman ni oliver ang chocolate sa bunganga niya bago ulit magsalita. Ayos din 'to eh.

"May nagalit kagabi no'ng nalamang wala ka eh" dagdag niya kaya napataas ang kilay ko at tatanungin na sana siya kung sino pero nagsalita ulit siya. "Sino pa ba? Edi si--"

"Eto pa chocolate oli!" sinubo naman sakaniya ni cywell ang hawak hawak niyang chocolate kaya hindi na niya natuloy ang sasabihin niya.

Walang nagawa si oliver kun'di manahimik at ngumuya ng ngumuya dahil sa puno na ang bunganga niya. Napalingon naman saakin si cywell at ngumiti.

"Yow xandra!" tinanguan ko lang siya at pumwesto naman siya sa tabi ni oliver. "Huwag mong pansinin si oliver ganiyan talaga 'yan kapag nakakakain ng chocolate medyo madaldal." dagdag niya at tumawa habang nakaakbay kay oliver. Napadaing naman si oliver pero tinawanan lang siya ni cywell.

Napairap na lang ako dahil sa nangyayari sakanilang dalawa. Una si cyrus, pangalawa si cywell. Kung nagtataka kayo kung bakit ang dami nilang chocolate ngayon 'yon ay dahil binigay ko sakanila 'yong iba pang chocolate na natanggap ko no'ng nakaraan.

Syempre tinanggal ko 'yong sulat na nakalagay do'n at nilagay sa isang lalagyan para hindi mawala. Hindi ko naman kayang umubos ng sandamakmak na chocolate baka mabulok lang ngipin ko. At isa pa nakakaumay kapag sobrang sweet.

Kaya ang daming nagb-break eh.

"May tanong ako." napalingon naman silang dalawa saakin.

"Ano 'yon?" tanong saakin ni cywell.

"No'ng pumunta tayong lahat sa greenyard bakit ang seryoso niyo kay kayi?" sambit ko. Natahimik na lang silang dalawa at nagtitigan.

Class ZWhere stories live. Discover now