Chapter 9

531 18 1
                                    

Xandra

Nandito ako ngayon sa Mcdo para kumain. Hindi muna ako dumiretso sa bahay dahil kakain pa ako. 7:25 pm na at eto ako ngayon nakatulala lang sa pagkain ko.

Ang tagal kong nakatulog, at ang tagal kong nakausap si abby. Kung gano'n siya ang nag iisang babae sa Class Z noon? Siya ang tinutukoy ni caleb na babae?

Pero bakit siya nagpakita saakin? At ano 'yong sinabi niya na sana mapatawad ko ang Class Z sa magagawa nila?

Anong ginawa nila para protektahan ako? At bakit nila ako pinoprotektahan? Ano bang meron sa Class Z?

Bakit parang may kulang sa mga nalaman ko? Hindi sinabi saakin ni abby kung anong naging dahilan ng pagkawala niya. At bakit siya bumitaw sa pagkakahawak sakaniya ni hades?

At bakit umiiyak si hades habang hawak hawak si abby? Bakit?

"Lalim ng iniisip ah?" napatingin ako sa nagsalita sa may harap ko.

"Ace?" tawag ko sakaniya pero ngumiti lang siya at umupo sa table ko. Bali magkaharap kami.

"Nakita mo siya tama ba?" napayuko ako at tumango.

"Paano mo nalaman?" tanong ko sakaniya habang tinitignan siyang kumain.

"Sumisigaw ka kanina habang tulog. Kung hindi ako nagkakamali kaya ka lumayo kay lucas dahil nakita mo siya sakaniya 'di ba?" tumango ulit ako. "Kumain ka muna, matagal tagal ka ring nakatulog sa room."

Hindi naman ako umangal at sinunod ang sinabi niya. Pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi isipin ang mga nangyari kanina.

At teka? Bakit nandito si ace?!

Natawa naman siya dahil sa itsura ko. "Nakita kita rito habang nag hahanap ako ng mauupuan kaya nilapitan kita." ngumiti nalang ako ng pilit sakaniya dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

Tahimik lang kaming kumakain dahil ang awkward. Ngayon ko lang kasi nakausap si ace. Mabait naman pala siya, sa ngayon.

Sabay kaming tapos ni ace sa pagkain at nagpahinga ng ilang minuto bago lumabas sa mcdo.

"Una na ako, ace." sabi ko sakaniya habang naka ngiti.

"Hatid na kita, gabi na eh?" eto na naman tayo sa hatid eh.

"Nasabi kona ang address namin, kaya hindi mona ako kailangan ihatid." natawa nalang siya sa sinabi ko at nagkamot ng batok.

"Hindi naman ako inutusan ni hades para ihatid ka." napatingin ako sakaniya. "Gabi na rin kasi." dagdag niya. Wala namang masama kung magpapahatid ako 'di ba?

"Sige na nga. Ngayon lang 'to." tumango naman siya.

"D'yan ka lang." tumakbo na siya papunta sa parking lot na medyo malayo sa kinatatayuan ko.

Lumingon lingon nalang ako sa paligid para malibang ako. Napatingin ako sa relo ko at 8:12 na pala. Kailangan ko na ngang makauwi baka hindi pa nakakakain si oreo.

BEEP BEEP

Napatingin ako sa kotse na pumarada sa harapan ko, nakita ko si ace na nakangiti at sinenyasan akong pumasok na.

Naglakad ako papunta sa passenger seat at pumasok na. Pagkatapos kong mag seatbelt nag simula ng magdrive si ace. Tahimik lang kami sa buong byahe.

"Pusta ako 1k alam mona bahay namin." ako ang unang nagsalita dahil hindi ko kakayanin ang tahimik na byahe.

"Sa katunayan hindi ko pa alam ang address mo" tinignan ko siya ng seryoso at inaalam kung nag sasabi siya ng totoo. "Totoo ang sinasabi ko. Kaya ikaw ang magiging navigator ko." ngumiti siya saakin pero inirapan ko lang siya.

"Style mo bulok."

Sabihin na nating maykalayuan ang bahay namin sa mcdo. Siguro mga 20 minutes? Ang byahe papuntang bahay. Buti nalang pala may kotse si ace.

Taray ang yayaman pala nila ah? Marunong din mag drive. Ako lang ata bobo saamin eh.

"Diretso lang tapos liko ka sa may bandang kaliwa." turo ko sa direksyon na tinatahak namin.

Sa totoo nyan magpapababa ako sa kanto lang namin. Wala lang, trip ko lang.

Habang sinasabi ko ang daan papunta sa bahay namin hindi ko maiwasan na isipin 'yong mga nangyari kanina saakin.

Mabait si hades? Pero demonyo nga 'yon. Daig pa si satanas kung makapag utos sa mga alipores niya.

"Oo nga pala ace." lumingon siya saakin saglit tapos binalik na ulit sa daan ang tingin. "Saan kayo pumunta kanina?"

"Secret." napairap nalang ako sa sagot niya. Daig pa babae kung makapag secret eh.

"Pabebe amputa." tumawa nalang siya at nag drive na.

Nakatingin lang ako sa bintana, pinagmamasdan ang labas. Ang ganda talaga rito. Tuwing gabi ay makulay ang paligid, malamig ang simoy ng hangin.

"Liko ka r'yan sa kanan ta's diretsuhin mo na." sambit konat sumandal sa upuan. Bakit parang pagod na pagod ako ngayong gabi?

Sumasakit na naman ulo ko sakanila ah. Dagdag mona ang pag dalaw ni abby sa panaginip ko.

After 20 minutes na byahe ay binaba na ako ni ace sa kanto. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at lumabas.

Pumunta ako sa direksyon niya at binuksan niya naman 'yong bintana.

"Salamat ace, ingat ka" ngumiti naman siya saakin at tumango.

"Ingat ka rin, goodnight." tumango ako at kumaway sakaniya.

Hinintay ko munang makalayo ang kotse ni ace. Infairness ang ganda ng kotse niya. Kulay red at ferrari pa ata 'yon, ewan ko.

Wala naman akong kotse kaya wala akong alam sa mga ganiyan. Maliban nalang kung bibigyan nila ako, talagang aaralin ko ang iba't ibang klase ng kotse.

Nang hindi na matanaw ng mga mata ko ang kotse niya nag lakad na ako papunta sa bahay. Ako nalang ang nasa labas dahil wala kaming chismosang kapitbahay, at wala ring tambay dito, walang pagala gala na mga tao rito kaya kapag may sumunod sa 'yo kabahan kana.

Nang makarating na ako sa bahay namin binuksan ko ang gate at pumasok na. Nilock ko rin 'yon dahil may susi naman si mama kaya mabubuksan niya rin naman.

Pumasok na ako sa bahay at nag tanggal ako ng sapatos saka nag suot ng tsinelas. Sumalubong saakin si oreo kaya naman binuhat ko 'to.

Pumunta ako sa kusina para lagyan siya ng pagkain at tubig. Ibinaba ko siya at binuksan ang pagkain niya na nakalagay sa lata.

Nang mabuksan ko 'to nilagay kona 'to sa lalagyanan niya at nagsimula na siyang kumain. Kinuha ko naman 'yong lalagyanan niya ng tubig at nilagyan ng malamig na tubig saka inilagay sa tabi ng pagkainan niya.

Nilock ko ang mga dapat ilock at umakyat na sa taas para makapag palit na rin at makapag pahinga.

Pagkapasok ko sa kwarto ko nilock kona 'yon at ibinaba ang bag ko sa table saka pumasok na sa cr para makapag palit na at gawin ang mga ritwal ko.

Ilang minuto rin ang nakalipas lumabas na ako sa cr at pinatay ang ilaw saka humiga sa kama. Bigla nalang nag flashback ang sinabi saakin ni abby kaya napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko.

"Sorry hades, sorry sa buong Class Z"

"Mabait ang buong Class Z, xandra."

"Mabait sila pero malakas sila mang trip. Lalo na si hades, pero ngayon onti onti na siyang nagiging demonyo."

"Kung ano man ang mangyayari sa hinaharap sana 'wag kang magagalit sa buong Class Z, ginagawa lang nila 'yon para protektahan ka. At para hindi ka magaya sa nangyari saakin."

"Xandra, sana mapatawad mo ang Class Z, kung ano mang kasalanan ang magagawa nila sa 'yo sa mga susunod na araw."



Class ZWhere stories live. Discover now