Chapter 36

432 20 1
                                    

Xandra

"Thanks" sabi ko nang makalabas na ako sa kotse niya. Nagpresinta kasi siyang ihatid ako dahil alam niya naman ang bahay ni sky kaya um-oo na ako. Gabi na rin kasi kaya medyo marami ng sumasakay ng taxi.

"You're welcome babe" ngiting sabi niya at kinindatan ako. Inirapan ko naman siya kaya natawa na lang siya.

"Oo nga pala paano mo nakuha number ko?" tanong ko sakaniya kaya napangisi siya.

"I have my own ways." ngising sabi niya kaya inirapan ko ulit siya.

"Umuwi ka na nga dami mong alam animal ka." sambit ko at binatukan siya pero agad niyang nahuli ang kamay ko kaya hindi ko na natuloy.

"Gotcha!" aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin dahilan para mabitawan niya ang kamay ko. "Chill uuwi na babe. Goodnight." dagdag niya.

"Goodnight" tumayo na ako at lumayo sa may bintana niya kung saan ako nakasilip kanina habang nag uusap kami.

Ngumiti naman siya saakin bago isara ang bintana. Kumaway naman ako ng magsimulang umandar ang kotse niya kaya hinintay ko muna siyang mawala sa paningin ko bago ako pumasok sa bahay.

Maya maya pa'y nawala na ang kotse niya kaya pumasok na ako sa gate at nilock 'yon dahil wala naman ng ibang papasok pa.

Siguro.

Kaya naman nilang buksan 'yon kaya okay lang 'yan. Pumasok na ako sa bahay at nilock din ang pintuan bago ako dumiretsong pumunta sa kwarto.

Nang malock ko na 'yon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang hagdanan para umakyat sa kwarto ko. Napadaan naman ako sa sala pero walang tao ro'n kaya malamang nasa dining table o sa kwarto nila.

Aakyat na sana ako ng maytumawag saakin galing sa dining area kaya napaatras ako ng konti para tignan kung sino ang tumawag saakin.

"Xandra! Kain na kanina kapa namin hinihintay!" ngiting sabi ni cywell saakin kaya napalingon naman ang iba sa direksyon ko.

"Tapos na ako cywell, mauna na kayo pagod na rin ako." pilit akong ngumiti sakaniya at nakita ko naman na nawala ang ngiti sakaniya pero agad din 'yong bumalik pero pilit na ngayon.

"A-ah gano'n ba? Sige pahinga ka na" sambit niya at pilit na ngumiti. Tumango lang ako sakaniya at nagsimula ng maglakad patungong hagdanan.

Hindi naman talaga ako pagod eh. Gusto ko lang munang mahiga sa kama ko para matulog na dahil may pasok pa bukas. Juicecolored ilang beses na akong hindi pumapasok ta's late pa kung pumasok. Kasisimula pa lang ng klase bagsak na agad ako.

Sabagay wala namang pumapasok na ibang teacher saamin eh. So nasa kanila na 'yon kung ipapasa nila kami. Pero ipapasa nila kami dahil wala silang choice. Hindi naman sila pumapasok saamin tuwing time nila eh duh.

Anways. Ako lang ba? 'Yong takot bumagsak pero tamad pumasok sa school at gumawa ng mga activities chuchuchu kemerut.

Pero kapag naging failure ako hahanap na talaga ako ng papa de asukal. Ta's papatayin ko pero ipapamukha kong suicide para saakin mapunta lahat ng yaman niya. *insert evil laugh*

Echos lang syempre. May pera naman kami 'no duh. Hindi man kami sobrang yaman atleast kumakain ng limang beses sa isang araw oh ha.

Nang makarating na ako sa kwarto ko ay binuksan ko na agad 'yon at nilock bago pumunta sa cr para maligo na. Mas masarap kasing matulog kapag bagong ligo pero syempre halfbath lang ginagawa ko dahil sa sobrang haba ng buhok ko baka abutin pa ako ng umaga kakahintay na matuyo.

Ilang minuto lang ang tinagal ko sa cr dahil halfbath lang naman. Nag suot lang ako ng panjama at oversized shirt dahil dito ako komportable. Nang matapos na ako sa ritwal ko ay lumabas na ako sa cr at pumunta sa kama ko para humiga na.

Kanina pa hinahanap ng katawan ko 'yong kama ko. Hindi naman ako pagod sadyang mas gusto ko lang humiga kesa mag gala gala. Nakakapagod kayang magpalakad lakad.

Buti nga si dora kahit saan magpunta hindi napapagod kakagala eh. Kaya nga lang may side effects. Itatanong sa 'yo 'yong obvious na tanong. Like "did you see the tree? Where?" Muntanga lang 'di ba. Kaya minsan ayoko na ring gumala eh.

TOK TOK TOK

Naputol ang imahinasyon ko dahil sa katok na narinig ko. Kaya tumayo na ako para tignan kung sino 'yon.

"Bakit?" tanong ko sakaniya ng buksan ko ang pinto.

"Pwede ba tayong mag usap?" balik na tanong niya saakin. Tinignan ko lang muna siya ng ilang minuto bago tumango at pinapasok siya sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama at umupo naman siya sa upuan kung saan nakapwesto ang study table ko. Akala mo naman nag aaral.

Walang umimik saaming dalawa at tanging tunog lang ng aircon ang maririnig. Nakakabinging katahimikan. Daig pa namin ang a quiet place sa sobrang tahimik.

"Sorry" napatingin ako kay sky na nakatingin pala saakin. Awkward.

"Bakit?" tanong ko sakaniya at umiwas ng tingin. Wala lang awkward eh parang kanina lang nag away kami.

"Hindi ko sinasadya lahat ng mga sinabi ko kanina." aniya. Seryoso ang tono niya ngayon hindi katulad ng dati.

"Okay lang." ngumiti ako ng pilit sakaniya pero tinignan niya lang ako.

"Sorry talaga." lumapit siya saakin at niyakap ako. "Sorry xandra, nag aalala lang si kuya para sa 'yo." bulong niya.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya at hindi agad nakapag react. Ilang minuto niya akong yakap yakap at ito ako ngayon. Walang reaksyon.

Maya maya pa'y tinanggal niya na ang pagkakayakap at humarap saakin habang nakangiti. Totoong ngiti ang pinapakita niya saakin ngayon.

"Hindi na mauulit." aniya at hinawakan ako sa ulo at ginulo ang buhok ko.

"Papansin naman" sambit ko at inirapan siya. Tumawa lang siya at hindi pinansin ang pagrereklamo ko.

"Matulog kana may pasok pa bukas. Goodnight" aniya't nagsimula ng maglakad patungong pintuan.

"Goodnight" sagot ko kaya napalingon siya saakin at nginitian ako bago siya lumabas ng kwarto ko.

Medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa nangyari ngayon. Hindi ko inakalang siya ang unang mags-sorry saaming dalawa.

"Sorry xandra, nag aalala lang si kuya para sa 'yo."

"Sorry xandra, nag aalala lang si kuya para sa 'yo."

"Sorry xandra, nag aalala lang si kuya para sa 'yo."

Napangiti ako ng walang sa oras dahil sa naalala ko. Wala lang kinilig lang ako. Ang sweet eh.

Pero kung hindi kami nagkausap ngayon paniguradong hanggang bukas hindi kami magpapansinan. Hindi kasi ako mahilig magsorry. Pero kapag maling mali talaga ako nags-sorry ako. Alanga namang ipilit ko pa edi lalo ko lang pinahiya sarili ko.

Class ZWhere stories live. Discover now