Chapter 23

471 16 1
                                    

Xandra

Nagising ako dahil sa ingay galing sa kusina kaya binuksan ko muna ang mga mata ko para tignan kung anong meron.

Teka.. kusina?

Kailan pa narinig sa taas ang ingay na galing sa kusina?

Agad akong tumingin sa paligid at nasa sofa ako. Naka tulog ako sa sofa.

Napatingin naman ako sa may brasong nakayakap sa 'kin. Si sky pala.

Nakatulog ako sakaniya kagabi habang yakap yakap niya ako. Buti hindi siya nangalay dahil sa 'kin.

Dahan dahan kong tinanggal ang mga braso niya sa 'kin para hindi ko siya magising. Napuyat kami kagabi dahil anong oras na kami natapos kumain no'n.

Nang matanggal ko na ang braso niya sa 'kin inilagay ko ang kamot sakaniya para hindi siya lamigin. May aircon din kasi dito sa baba.

Agad akong tumayo at tinignan ang digital clock na nasa tabi ng tv. 11:17 am na pala. Mukhang napasarap ang tulog namin ni sky.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko si axel na nag luluto para mamaya. Kasama niya si keven, katulong niya sa pag luluto.

"Goodmorning xandra" bati sa 'kin ni keven kaya ngumiti ako sakaniya at binati rin siya.

"Goodmorning. Napasarap ang tulog niyo ni sky kagabi ah?" nginitian ko rin si axel at binati.

"Napuyat lang kagabi. Aga niyo namang magising?" kumuha ako ng baso at nag lagay ng tubig.

"Kailangan pa naming mag luto. 'Yong iba mamaya pa gigising, napuyat din sila kakanood ng anime kagabi" sagot sa 'kin ni keven kaya napatango naman ako sakaniya.

"Ang sweet niyong mag kapatid kagabi ah?" sambit ni axel habang nag luluto ng menudo.

"Oo nga. Ngayon ko lang nakita si sky na may niyakap na babae eh maliban kay tita" gatong naman ni keven sakaniya.

"Malamang mag kapatid kami. Alanga namang mag iwasan kami?" sambit ko habang nilalagay niyong baso sa sink.

"Hindi. I mean, oo kapatid ka niya pero bukod sa 'yo wala na siyang niyakap na babae" napairap naman ako sa hangin dahil sa sinabi ni keven.

"At hindi niya nayakap 'yong bitches kagabi kapag nag paparaos kayo ha?"

"Chill ka lang. Virgin pa si sky" natawa naman ang dalawang ugok dahil sa sinabi ni keven.

Talaga ba?

"Totoo 'yon xandra. Kahit gago si sky matino naman 'yan. Hindi agad agad bumibigay sa mga babaeng katulad kagabi." sabi naman ni axel na hinahalo 'yong niluluto niya.

"Pero madami ng naloko?" tanong ko sakanila. Naalala ko 'yong sinabi niya sa 'kin no'n eh.

"Oo. Kapag may lumalandi sakaniya nilalandi niya rin pabalik tapos kapag nahulog na 'yong babae para siyang bula na bigla biglang mawawala" sagot ni axel. Napailing na lang ako sa kalokohan ng kapatid ko.

"Kasalanan din kasi ng mga lumalandi sakaniya. Una pa lang nilinaw niya na hanggang landi lang ta's aasa sila na magiging sila ni sky." dagdag pa ni keven.

'Yon naman pala eh. May warning ng binigay tapos kapag nasaktan iiyak. Bobo eh?

Mga marupok.

"Ikaw xandra may naging boyfriend kana?" napataas naman ang kilay ko dahil sa tanong sa 'kin ni keven.

NBSB 'to ano ba! Syempre echos lang. May isa akong naging boyfriend no'ng high school pero hindi alam ni mama.

Class ZUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum