Chapter 41

432 18 2
                                    

Xandra

"Tangina naman cyrus ang daya!"

"Hindi ka lang marunong."

"Gago!"

Napairap na lang ako at binatukan siya. Paano ba naman kasi! Niyaya akong maglaro no'ng nilalaro niya tapos naglaban kami, at oo hindi kami magkakampi! Tapos lagi niya akong target imbis na 'yong mga kakampi ko!

Bwiset!

Pang sampung beses na naming nilalaro 'to pero kahit isang beses hindi pa ako nananalo sakaniya! Hindi ako mahina, sadyang hindi ko lang alam laruin!

"Aray ko xandra! Sumigaw kana lang 'wag ka ng mang batok!" aniya at hinimas himas ang batok niya.

"Anyare sainyo?" napalingon kaming dalawa ni cyrus kay jace at ngayon lang namin napansin na nakatingin pala silang lahat saaming dalawa.

Shit gano'n ba ako kaingay?

"Si xandra, hindi matanggap na mahina siya" sagot sakaniya ng katabi ko kaya agad ko siyang binatukan kaya napadaing siya.

"Bobo ka ba malamang ngayon ko lang nalaro 'to duh!" banat ko sakaniya at pinaghahampas siya.

"Aray! Tama na masakit!" reklamo niya, binatukan ko naman siya ng dalawang beses bago tumigil at napanguso na lang.

"Dapat kasi nag patalo kana lang tol" sabat ni cywell kaya napatingin ako sakaniya at ngumiti.

"Oo nga 'no?" ngumiti naman siya saakin at kumindat. "Buti kapa, halika ka nga rito" dagdag ko. Lumapit naman siya saakin habang nakangiti.

"'Di ba xandr-- ARAY!"

"So mahina talaga ako cywell gano'n?" tanong ko sakaniya pagkatapos ko siyang kurutin sa tagiliran.

Narinig ko naman na nagsitawanan ang mga ugok kasama na 'tong katabi ko pero hindi ko na lang sila pinansin at pinagtuunan ng pansin si cywell.

"H-hindi aray!" daing niya, namumula na siya kaya binitawan ko na lang at inirapan siya.

"Umalis nga kayong dalawa sa tabi ko mga bwiset kayo!" sambit ko at agad namang lumayo ang dalawa at pumunta sa mga ugok.

Kapag talaga ako gumaling sa pag-asinta, kayo mismo ang aasintahin ko.

Pero sa totoo lang, nakaka-enjoy pala 'yong nilalaro nila. Gusto ko rin tuloy i-try sa totoong buhay. Isang beses lang ako nakahawak ng baril. 'Yong baril ni hades, no'ng binaril ko 'yong mga bodyguard sa greenyard.

"Um, excuse me Class Z" napatingin kaming lahat sa may pintuan kung nasaan si maam. Hindi ko alam pangalan eh. "Xandra, pwede bang paki-print 'to? Nasira kasi ang printer sa faculty" dagdag niya kaya nalipat ang tingin saakin ng lahat.

"Sige po" tumayo na ako't pumunta sa pwesto ni maam at kinuha ang hawak niya.

"Bukas mo na ibigay saakin 'yan xandra, may seminar kasi ako, okay lang ba?" ngiting sambit niya kaya ngumiti rin ako sakaniya't tumango.

"Okay lang maam" inabot niya naman saakin ang pera bago siya umalis kaya pumunta na ulit ako sa pwesto ko't nilagay sa bag 'yong mga ipapa-print ko. Hindi naman siya marami, sakto lang gano'n.

"G na ulit?" tanong saakin ni cyrus pero umiling na lang ako bilang tugon. "Nanahimik na ata?"

"Ang panget mo kasi." napangisi naman siya at parang may balak.

"Ah kaya pala titig na titig saakin no'ng first day." ngising sabi niya kaya agad ko siyang binatukan pero agad din siyang naka-ilag. "Tama na, masakit"

Class ZWhere stories live. Discover now