Chapter 50

396 19 5
                                    

Xandra

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa naramdaman kong sakit sa leeg ko. Nakatulog pala ako.

Wow, kunware hindi ko knows na may nagtakip ng ilong ko para patulugin ako.

Nag-unat muna ako bago tumayo. Syempre masarap mag-unat kapag bagong gising. Hindi ako aware na ganito pala talaga ang buhay kapag may nanguha sayo. Edi sana matagal na 'ko nagpakuha.

Tumingin-tingin ako sa paligid at infairness malinis ang kwarto. Pagka-dilat ko kasi nakita ko sa kama ako nilagay eh.

Kaya pala masakit leeg ko kasi grabe kung makatingin sa gilid.

Hoy kidnapping ba 'to? Parang hindi naman. 'Di ba sa mga movies kapag kinidnap ka, tinatali ka sa upuan tas ilalagay ka sa bodega o kung saan na madumi.

Bait naman ng nangidnap saakin. Godbless po.

"Gising kana pala? Gigisingin pa lang kita eh"

"Ay pusangina-- ano ba? Ba't ka nang gugulat?" inis kong sabi sakaniya.

Hindi ko yan kilala, feeling close lang ako.

"Hindi ako nang gugulat, kusa kang nagulat" sagot niya saakin at umupo sa may upuan.

"Duh kung kumatok ka kaya 'no?" inirapan ko siya at umupo na rin sa may kama.

Ano siya lang may ganang umupo?

"Wow kwarto mo?" sarcastic niyang tanong kaya pasimple akong natawa. Wala lang natawa lang ako sa sinabi niya.

"So anong ginagawa ko rito?" tanong ko sakaniya pero nagkibit balikat lang siya.

"'Di ba sabi ko sa 'yo napag-utusan lang ako"

Ahh so iisa lang pala sila. 'kala ko kasi magkaiba.

"Malay ko bang ikaw din 'yon eh hindi ko naman nakita pagmumukha mo 'no!" sambit ko at inirapan ulit siya. Narinig ko naman siyang tumawa.

Maiinis na sana ako kaso ang gwapo niya tumawa kaya 'wag na lang.

"Malamang. Anong gusto mong gawin ko?takpan ko ilong mo ng magkaharap tayo?" sarcastic niya na namang tanong. Eto sasampalin ko na 'to eh.

"Alam mo, ang gago mo kausap kinginang to" inis kong sabi sakaniya at inirapan siya.

Hindi ako napapagod kakairap at infairness hindi pa naiistuck pupil ko.

Humiga ulit ako sa kama at pinagmasdan ang kisame. Okay lang naman walang agiw. Maganda ang kwarto.

"Infairness naligtas mo 'ko sa test namin" natatawa kong sabi sakaniya.

Ngayon kasi 'yong test namin sa chemistry. Bahala ng hindi makasama sa pupuntahan kineme namin.

Baka sabihin niyong wala akong kwentang maga-aral ha! Mabuting estudyante ako no'ng high school ako.

People change. Tama ba? Ampota 'wag na nga mag english. Basta lahat nagbabago.

"Tamo tamad ka rin" pang-aasar niya kaya agad kong kinuha 'yong unan sa tabi ko at hinagis sakaniya, pero sinambot niya lang 'to at nginisian lang ako.

Bwct 'to.

"Curious lang ako" dagdag niya kaya umupo na lang muna ako sa kama at tumingin sa kanya.

"Saan?" tanong ko at kumuha ng unan para ipatong sa hita ko.

"Paano ka natutong makipag-basagan ng ulo?" tanong niya kaya natawa ako.

Class ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon