Chapter 31

428 16 1
                                    

Xandra

Nauna akong magising kay sky ngayon dahil sa kwarto niya ako natulog kagabi. Tapos na rin ang mga ritwal ko tuwing umaga. No'ng pumunta kasi ako sakaniya dinala ko na 'yong kailangan ko tuwing umaga kaya hindi ko na kailangang lumabas. Magkatabi kaming natulog kagabi dahil inakay pa namin siya ni jake papunta rito sa kwarto niya. Himbing na kasi ng tulog niya sa sala kagabi, hindi ko naman pwedeng hayaan 'yon doon, kaya inakay na lang namin siya ni jake.

Wala namang malisya kung magkatabi kaming matulog. Matino si sky at kapatid ko 'yan kaya hindi gagawa ng kung anong kababalaghan 'yan saakin. At subukan niya lang baka mapaaga ang appointment niya kay lord.

"Sky gising na, tanghali na oh" sambit ko sakaniya pero hindi man lang siya gumalaw o nag salita. "Skyyyy~"

"Gising na"

"Tanghali na"

"Kakain na tayo"

"Hoyyy"

"Skyyyyyy"

"Xanderrrr"

"Garciaaaa"

Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi pa rin siya umimik kaya naubos ang pasensya ko at kumuha ng pocket knife para ibato sakaniya. Nang maibato ko 'yon sakaniya ay hindi man lang siya nagising dahil sa daplis niya sa pisnge kaya napairap na lang ako at pumunta sa pwesto niya para kunin 'yong pocket knife sa gilid niya't binulsa 'yon.

"Sk-- putangina ang init!" pumunta ako agad sa cr para kumuha ng basang bench niya at pinatong 'yon sa noo niya. "Sky."

"X-xandra" hirap niyang sabi. Dahil siguro sa sobrang sama ng pakiramdam niya kaya hirap siyang mag salita.

"Ano ba kasing ginawa mo at nagkalagnat ka r'yan?" hindi siya sumagot at pinilit tumayo pero agad ko siyang pinahiga at sinamaan ng tingin kaya hindi naman siya pumalag. "Sagot."

"Okay lang ako xandra" aniya pero halata namang hindi siya okay dahil namumulat siya.

"Huwag kang makulit, hintayin mo ako rito." tumango naman siya kaya agad akong lumabas ng kwarto at tumakbo pababa para kumuha ng pagkain niya para makainom na siya ng gamot.

"Oh xandra bakit nag mamadali ka?" tanong sa 'kin ni axel pero hindi ko siya pinansin at kumuha na ng pagkain at tubig para kay sky.

Nang matapos na ako sa pagkuha ng pagkain niya ay agad akong umakyat at pumunta sa kwarto niya para pakainin siya. Nakita ko naman siyang natutulog ulit dahil sa sama ng pakiramdam hindi na kinaya kaya ayon bagsak.

Kinuha ko ang gaming chair niya at dinala sa tabi ng kama niya para roon umupo. Nilapag ko muna sa maliit na lamesa sa may tabi ng kama niya 'yong mga dala ko at ginising siya para kumain.

"Kumain kana para makainom kana ng gamot." sambit ko nang magising siya. Pinasubo ko naman sakaniya ang pagkain sakaniya at hirap na hirap pa rin siyang ngumuya kaya inuntian ko muna ang pagkain na pinapasubo ko sakaniya.

Saan ba kasi galing 'tong gagong 'to at biglang nilagnat. Agad akong napahinto sa pagpapakain sakaniya ng makita kong may sugat siya sa bandang tagiliran niya.

"Anong nangyari?" turo ko sa tagiliran niya kaya agad naman siyang napatingin doon at agad tinakpan ng kumot.

Useless nakita ko na.

"W-wala" utal niya sabi at uminom ng tubig ng matapos siyang kumain. Onti lang ang kinain niya pero sapat na 'yon para mapuno ang tyan niya't makainom ng gamot.

Class ZWhere stories live. Discover now