Chapter 18

478 19 2
                                    

Xandra

Nakarating kami sa bahay ng 6:57 pm, muntik ng sumakto. Binuksan ko na ang gate at nilock 'yon dahil wala naman ng papasok.

Sunod akong pumunta sa malaking pinto at binuksan 'yon. Pagka bukas ay tumambad sa 'kin ang mga ugok at naka tayo sa harap mismo ng pintuan.

"Anong ginagawa niyo sa tapat ng pintuan?" tanong ko at sinarado ang pinto saka nilock 'yon.

"Inaabangan ka"

"Baka kasi napano ka na"

"Alam mo ba xandra 'yong isa r'yan gustong gusto ng puntahan ka"

"Oo nga buti na lang pinigilan siya ni ehem"

"Sagot ko na talaga 'yong tinapay't kape mamaya"

"Rip sainyo pare"

"Hindi kayo tatanggapin sa langit axel, keven okay lang 'yan"

"Bibigyan natin ng magarbong libing sila axel at keven!"

"Ako na mag huhukay"

"Ako na pipili ng bulaklak"

"Hoy mga gago! Anong pinag sasasabi niyo r'yan?! Saka bakit kami lang sinisisi niyo!"

"Oo nga!"

"Kasi ikaw ang nag simula at ginatungan naman ni keven"

"Nawa'y tumahimik na ang mga kaluluwa nila axel at keven"

Napailing na lang ako at pumunta sa dining table para ilapag ang milktea na dala ko.

Sumunod naman sila sa 'kin maliban kay hades na prenteng naka upo habang nakahiga sa hita niya si oreo.

Kinuha ko ang dalawang milktea na may pangalan ko at dalawang straw. Bago ibigay sakanila 'yong natira.

Agad naman silang kumuha ng kaniya kaniya nila. Nag agawan pa nga eh, parehas lang naman lahat 'yon.

"Salamat xandra!"

"Nag abala ka pa!"

"Oo nga, btw bakit eto lang?"

"Tanga may binigay ka bang pera?"

"Mayaman naman si xandra eh"

"Sabagay"

"Buti na lang pala hindi pa tayo umalis dito"

"'Yong isa kasi nag mamadali eh wala pa namang 7"

"Tama tama!"

"Gago kayo marinig kayo n'yan HAHAHAHAHAHAHAHA"

"Nandyan naman si xandra eh, titiklop 'yan!"

"Oo lalo ka na oliver"

"Simulan mo ng mag dasal oliver kung ako sa 'yo"

Pinabayaan ko na lang sila sa dining area at pumunta sa may sala kung nasaan si hades.

Huminto ako sa harap niya kaya napatingin naman siya sa 'kin. Wala siyang reaksyon pero gwapo pa rin.

Demonyo naman.

"Oh" iniabot ko sakaniya ang isang milktea na hawak ko at straw pero tinignan niya lang ako.

"Hindi ako umiinom n'yan" sagot niya pero inirapan ko lang siya.

"Tikman mo lang!"

"Ayoko"

"Dali na"

Class ZWhere stories live. Discover now