Chapter 2

671 23 2
                                    

Xandra

"Ma?" tawag ko kay mama habang kumakain kami. Rereto ko kasi siya aba! Sayang ganda niya kung tatanda siyang kami lang dalawa!

"Oh?"

"Reto kita!" natulala lang si mama sa 'kin habang ako nakangiti sa harap niya. "Ano kaba ma! Ang ganda mo kaya! Kailangan mo ring lumandi minsan ma!" dagdag ko habang siya ay natatawa sa 'kin.

"Xandra, okay na 'ko sa 'yo." natats naman ako roon pero mas okay ako kung makikita ko ulit siyang masaya kagaya ng dati.

"Pero mas okay ako ma, kung katulad tayo ng dati." naging seryoso ang atmosphere kaya natahimik na lang ako. "'Wag kang mag alala ma may kilala naman ako eh! Gwapo!"

"Ang kulit talaga ng anak ko!" natatawa niyang sabi kaya natawa na rin ako.

"Yiee gusto rin naman eh pasimple kapa! HAHAHAHA" namula si mama kaya malamang kinikilig 'to. Kitang kita kaya 'yong pagka mula niya like duh? Maputi kaya kami.

"Kumain na nga tayo xandra." natawa ako dahil namumula pa rin siya hanggang ngayon.

May asim pa si mama.

Tinapos namin ang pagkain namin at nag presinta ako na, ako ang mag huhugas ng pinagkainan namin. Si mama naman nasa sala nanonood. Konti lang naman ang hinuhugasan ko kaya bakit pa 'ko magrereklamo?

Saka paniguradong pagod si mama sa trabaho niya. Call center kasi siya kaya minsan madaling araw na siya kung umuwi, tapos ako lang minsan ang naiiwan mag isa rito. Pero kaya ko naman ang sarili ko.

Kaya ko namang mag luto pero mga prito lang ganern. Baka kasi sumabog 'yong bahay namin kapag nag experiment ako rito eh.

Natapos akong mag hugas at sinabi ko kay mama na aakyat na 'ko at matutulog na. Sa kwarto ko kasi may cr na kaya roon ko na ginagawa ang mga ritwal ko.

Hindi naman malaki 'yong bahay namin, sakto lang. May sala, kusina, cr, tatlong kwarto na may kaniya kaniyang cr.

'Yong isang kwarto para sa guest 'yon. Malaki naman 'yon kaya kasya ang limang tao roon.

Pero syempre naka reserve na 'yon para sa bestfriend ko. Matagal na kaming magkaibigan no'n kilala na nga siya ni mama kaya kapag nandito siya sa pilipinas dito siya nakatira saamin. Okay naman kay mama dahil dalawa lang kami. At isa pa magkaibigan ang mama niya at mama ko kaya okay lang sa mama niya na nandito siya.

Wala rin naman kasi siyang makakasama sa bahay nila rito, dahil hindi umuuwi ang parents niya sa pilipinas.

Humiga ako sa kama at pumikit. Gusto ko ng matulog. Parang pagod na pagod ako pero wala naman akong ginawa?

Wala naman nagturo saamin kaya wala namang assignments. Si sir marc lang ata masipag pumasok sa 'min eh. Saka isa pa, siya lang ang close ng mga kaklase ko na teacher. Para ngang magtotropa lang sila eh.

"Xandra anak gumising kana! Late kana!" niyugyog ako ni mama pero hindi pa rin ako kumikilos.

"Anong late ma? Katutulog lang eh" sabi ko sakaniya at nagtalukbong ng kumot.

"Tumayo na r'yan! Late kana!"

"Anong oras na ba ma?"

"9:30"

"Ah tu-- ANOOO?!!!!" napabangon ako dahil sa sinabi ni mama. Tinignan ko 'yong digital clock sa may tabi ng kama ko na nakalagay sa lamesa. Tangina late na nga talaga ako!

Agad akong pumasok sa cr at nagbihis. Wala naman akong amoy na hindi kaaya aya kaya okay lang 'yon. Nag hilamos nalang ako at nagpabango. Ang pinagbabawal na teknik.

Class ZМесто, где живут истории. Откройте их для себя