Chapter 19

507 15 3
                                    

Xandra

Nakarating na ako sa kwarto ko at syempre nilock ko 'yon. Baka sundan pa rin ako eh.

Pumasok na ako sa cr para mag palit ng damit pantulog. Kinuha ko lang na pantulog ay dolphin short pa rin ta's oversize shirt.

Kulay gray ang short ko at white naman ang shirt ko. Mas komportable kasi akong gumalaw kapag naka oversize shirt ako.

Nang matapos ako sa pag bibihis lumabas na ako sa cr at binalik sa lalagyanan ng bag 'yong ginamit ko kanina na shoulder bag. 'Yong cellphone ko chinarge ko, lobat na kasi.

'Yong wallet ko nilagay ko sa bag na pang pasok ko para hindi maiwan dito sa bahay nila sky. Nang matapos na ako sa ginagawa ko lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.

Masyado pa namang maaga para matulog. 8:23 pm palang. Ni hindi pa nga kami nag d-dinner.

Btw si axel pala ang chef namin ngayon sa bahay for 1 week. Magaling kasi siya mag luto 'di ba?

Nang makababa ako pumunta muna ako sa ref para kumuha ng chuckie ulit. Marami naman silang pera eh kaya keri naman nilang bumili ulit.

Pumunta ako sa sala kung nasaan sila. Pero ayon sila busy na busy sa panonood. Lumapit ako kay sky sa likod niya at bumulong.

Ayoko kasi silang istorbohin baka sumigaw na naman. Kapag kasi may nakaharang sa tv sisigaw 'yang mga 'yan.

"Sky pinakain mo na ba sila oreo at princess?" bigla naman siyang lumingon sa 'kin at lumayo.

"Ah eh hehe..." tinignan ko siya ng masama at binatukan.

"Nilinis niyo na ba 'yong mga kalat niyo sa kusina?" dahan dahan siyang umiling at nag kamot ng batok.

Dahil sa inis ko pumunta na ako sa harapan, wala na akong pake kung sumigaw pa sila r'yan. Kinuha ko ang remote saka pinatay ang tv. Tumingin naman sila sa 'kin lahat at nag reklamo.

"Xandra bakit mo pinatay????"

"Maganda na 'yong scene eh!"

"Buksan moooo!"

"Dali na xandraaaaa"

"Lilibre ka namin kahit anong gusto mo!"

"Oo xandra tama si cywell! Buksan mo lang 'yong tv!"

"Pleaseee?"

"Hades ano na?"

"Master kunin mo kay xandra 'yong remote 'di ba nanonood ka rin?"

"Oo nga master!"

"Gagawin namin lahat ng iuutos mo master!"

"Tama tama!"

Tinignan ko sila ng masama kaya naman nanahimik sila.

"Ibigay mo na. Nanonood din sila." napabaling ako kay hades na seryosong nakatingin sa 'kin.

"At sino ka para utusan ako?" pinagtaasan ko siya ng kilay pero nanatili lang siyang seryoso.

"Remote." nilahad niya ang kamay niya pero inirapan ko lang siya.

Class ZWhere stories live. Discover now