Chapter 64

296 16 6
                                    

Natutuwa ako sa mga nagc-comment HAHAHAHAHAHA may nababasa kasi akong theory abt sa mag kapatid. (Xandra & Skyler) Ang cutieeee niyo! HAHAHAHAHAHA

Well... Magkapatid naman sila, (sabi ni Xandra) 'di ba? Pero... Magkapatid nga ba talaga? Echos lang! Lovelots HAHAHAHAHAHAHAHA

Xandra

Kinabukasan

Tahimik lang akong kumakain ng umagahan kasama sila. 'yong iba ganon pa rin. Maingay. Magulo. Parang wala lang 'yong nangyari kagabi.

Hindi ko pa rin matignan sa mata si Sebastian, kahit na sinabi sa 'kin na hindi ko kasalanan. Hindi ko pa rin tanggap.

Ayoko kasing mawalan ng kaibigan. Lalo na sila.

"Hey! Okay ka lang?" tanong ng katabi ko. Sino pa ba? Si cyrus malamang. Hindi na ata kami napag hiwalay nito eh.

"Oo. Tapos na ako." tumayo na ako at nilagay sa lababo 'yong pinagkainan ko. Actually, wala talaga akong gana kumain. Sadyang nakasanayan lang namin na sabay sabay kaming kumakain lagi. Kaya naki kain na lang din ako.

Dumiretso ako sa labas para pumunta sa garden nila Sky. May garden kasi sila rito. 'Di ba nga? Mansyon. Umupo ako sa damuhan para tabihan sila Oreo at Princess. Bermuda grass naman 'to, kaya okay lang.

Masama kung naupuan ko tae.

Pinapanood ko lang silang dalawa na nag haharutan sa tabi ko. Naiinggit ako. Sana all may kafling.

"Harot niyo. Respeto naman oh!" hindi nila ako pinansin, pero lumayo sila at doon na nag landian ulit. Sign of respect!

'buti pa sila.

"Pftt!"

Napalingon ako sa likuran ko, dahil doon ko narinig 'yong tawa. Bakit kaya lagi nila akong pinag tatawanan? Katawa tawa ba ako?

Kaganda ganda nga ako eh.

"Ikaw pala" mabilis akong nag iwas ng tingin at yumuko na lang para pag laruan 'yong damo. Naramdaman kong umupo rin siya sa tabi ko. Awksss. (Awkward for short)

"Alam mo, hindi ako sanay na ganiyan ka," may inabot siya sa 'kin na chuckie. "Sanay akong lagi kang nakikipag away sa 'min." natatawa niyang sabi sa 'kin.

Kinuha ko 'yong chuckie at nag pasalamat. Hindi ko pa rin siya tinitignan. Para kasi sa 'kin sobrang hirap. Hindi ko maiwasan na maguilty. Nasa kotse lang ako, habang siya nag aagaw buhay.

Grabe ka naman beh! Agaw buhay agad? Hindi ba pwedeng duguan lang? OA mo ha!

"Sorry, Sebastian" sambit ko. Narinig kong natawa siya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit ka nags-sorry?" natatawa niyang tanong. Nag tataka naman akong nakatingin sa kaniya.

"Kasi---"

"Kasalanan mo?" pag papatuloy niya sa sinabi ko. Tumango ako. Napabuntong hininga siya at ngumiti sa 'kin. "Wala kang kinalaman doon, Xandra. Okay?" hindi ako kumibo at tinignan lang siya. Napabuntong hininga ulit siya. "Siguro... Ang akala mo sa aming lahat, mayaman 'no?"

"Oo. Dami niyong kotse kaya." sagot ko. Umiling iling siya habang nakangiti.

"Ang totoo niyan, Xandra. Hindi kami mayaman. 'Yong mga kotseng nakikita mo," huminto siya at tinitigan ako.

Okay. Nagandahan sa 'kin.

"Ano?" tanong ko.

"Hindi talaga sa amin 'yon. Nakukuha namin 'yon sa mga illegal." seryoso niyang sabi at umiwas ng tingin. "Pero hindi kami nagd-drugs ah!" pahabol niya pa.

Class ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon