Chapter 13

492 18 1
                                    

Xandra

Nagsimula na kaming maglaro at nakapabilog kami sa gitna. As in lahat talaga kami, pati si hades sumali rin. Nasa harapan ko nga siya eh.

Katabi ko naman si sky sa kanan at sa kaliwa ko si cyrus. Ewan ko ba kung bakit lagi kong katabi si cyrus.

Nabunot ko nga pala ay Police kaya kailangan lagi akong nakabantay sa kilos nila. Hindi ko pa alam kung sino dahil kakasimula pa lang.

Tinignan ko sila pero tahimik lang ang lahat nag titinginan sila pero walang reaksyon ang mukha.

"I'm dead" napatingin ako kay axel ng bigla siyang mag salita.

Kumikilos na ang killer, pero bakit hindi ko makita?

Tinignan ko sila isa isa at gano'n pa rin ang itsura nila, wala namang kumikindat kaya paanong?

Pino kung gumalaw ang killer bwiset.

"I'm alive" sambit ni axel na nakangiti.

Alam ko na kung sino 'yong doctor.

"I'm dead" sunod na sabi ng katabi ko na si sky.

Shit namatay ang doctor!

Nakakainis wala pa sa kalahati wala na agad 'yong doctor. Ang mas nakakainis pa ro'n hindi ko makita kung sino 'yong kumikindat!

Dahil wala na ang doctor, wala ng bubuhay saamin. Kailangan nilang mag ingat.

"I'm dead" napabaling ako kay cyrus.

Bakit kursunada 'yong mga katabi ko? Bwiset talaga!

Maya maya pa'y nagsalita na naman sila kaya napapabaling ako kung sino ang nagsalita.

"I'm dead" sunod sunod na sabi nila kaya nag sisimula na akong mainis.

Masyadong magaling ang killer at hindi ko makita kung nasaan siya.

Wala pa kami sa kalahating oras pero nasa apat na lang kami. Dahil wala na ang doctor kami kami na lang ang natira.

Tinignan ko sila hades, ace at lucas. Pero wala akong makitang kakaiba. Nagkasalubong ang tingin namin ni ace at ngumisi siya.

Siya ba ang killer?

Pero hindi eh, hindi naman porket ngumisi siya siya na agad. Hindi ako pwedeng magkamali rito dahil mapaparusahan din ako kapag nagkamali ako ng huli.

Hindi pa kumikilos ang killer kaya nasa apat pa rin kami. Ang mga ugok nanonood lang saamin. 'Yong iba nakangisi lang, palibhasa alam nila kung sino 'yong killer.

Ilang minuto pa ang lumipas hindi pa rin siya kumikilos. May lead na ako kung sino ang killer pero hindi ko pinapahalata na siya ang suspect ko.

"I'm dead" sambit ni lucas at sumandal na sa upuan niya.

Kingina!

Kaming tatlo na lang nila hades at ace ang nandito. Si ace prenteng naka tingin sa 'kin at naka ngiti. Si hades walang reaksyon ang mukha.

Nagtititigan lang kami at walang kumilos saamin. Kailangan ko ng hulihin ang killer.

Syempre kapag police ka kailangan mo ng ebidensya bago mo siya hulihin. Like nakita mo siyang kumindat o nahuli mo siyang kinindatan ang isa sa mga inosente.

Mukhang kailangan kong mag sinungaling ah.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang dalawa. Kailangan kong mamili sa dalawang 'to kung sino ang huhulihin ko.

Class ZWhere stories live. Discover now